Chapter Twelve

2.6K 118 19
                                    



Chapter Twelve: Dark Wizards  

~~~~~


ZAQAR's POV


Sa tuwing nag tetraining kami ay hindi ko nakikita si Verniecca, hindi siya nagtetraining, ano naman kaya ang ginagawa ng isang iyon


Let's eat – sabi naman ni Firmus ng matapos kaming magtraining, kaya naman agad na kaming dumeretso sa cafeteria, habang naglalakad papuntang cafeteria ay biglang may umakbay sa akin, agad ko itong nilingon, nang makita ko kung sino ang taong iyon ay agad kong inalis ang pagkakaakbay niya

Sungit forevs! – sabi naman niya


Ver – tawag ni Suma sa kanya, at oo si Verniecca yung umakbay sa akin

Bakit? – tanong ni Verniecca

Bat hindi ka nagtetraining? – tanong naman ni Suma

Oo nga?! Ang daya! – sabat naman ni Momo

Nagtetraining ako hindi niyo lang nakikita – sabi naman ni Verniecca

At sa---ENNGGG ENGG ENNNGGG


Napahinto kaming lahat nang tumunog ang alarm


May mga creatures nanaman? – sabi naman ni Yin

No – agad na sabi ni Verniecca, agad naman silang napahinto

Dark Wizards – sabi ko, napalingon silang lahat sa akin

What? – sabi ni Yang, naramdaman ko naman bigla ang pagalis nila Verniecca, in just a snap nawala na agad sila

Let's go – sabi ko


Agad akong lumipad paitaas para makita ang buong paligid, tinignan ko ang barrier at nakita kong may butas na yung sa may south, galing sa mythical forest, anong kailangan nila? Agad akong tumungo sa may south part ng light kingdom, kung saan malapit ang mythical forest ang daan na nagdudugtong sa Light Kingdom at Dark Kingdom


Nang makarating sa dulo ng light kingdom ay halos sira na ang buong paligid, ang bibilis nila, nasira agad nila ang dulo ng Light kingdom


BOOGGSSHHHHH!!!


Napalingon ako sa pinanggalingan ng ingay at nakita sila Euan na nakikipaglaban sa mga Dark Wizards


Prince Zaqar


Agad ko namang nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ang pinakaiinisan kong Dark Mage


Damien – sabi ko naman

Correction.. it's PRINCE Damien – sabi niya habang diniinan pa yung Prince

As if tatawagin kita ng ganyan – sabi ko naman, narinig ko naman ang pagngisi niya, maya maya ay nagkaroon ng maraming black magic circle at naglabasan ang mga creatures na gawa sa black magic, agad akong inatake ng mga kampon niya, agad ko namang kinulong sa air ball yung mga creatures at saka pinasabog

Magical Incantation (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon