Chapter One

76.4K 2K 267
                                    


1: A new beginning.
-

It’s been a year already since Tyler died. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako, hanggang ngayon ay sarili ko pa rin ang sinisisi ko. Ang daming nangyari, ang daming nasaktan at lahat ng ‘yon ay ako ang puno’t dulo.

“Hey, let’s go.” Aya ni Chloe pero imbis na lumapit sa kanya ay nag-indian seat lang ako sa kama habang siya naman ay nakatayo malapit sa pintuan. First day of class bilang third year, wala ako sa mood pumasok.

“Tawagin ko pa ba si Zero para sipagin kang pumasok?”

“Shut up, pababalikin kita sa kwarto mo.” Banta ko sa kanya. Simula kasi noong mawalan ako ng roomate ay lumipat na siya rito. Tutal ay wala na rin naman siyang kasama sa kwarto niya kaya pumayag ang school na kami na ang mag-share.

“Babe.” Agad nanigas si Chloe sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Jester. Agad naman akong napalingon sa balkonahe. Gustong-gusto ko nang ipaputol ang puno sa tapat ng kwarto na ‘to.

“Hoy! Kailan pa kita binigyan ng permiso pumasok sa kwartㅡ”

“Nandito girlfriend ko.” Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Naglakad siya papunta kay Chloe at napairap na lang ako.

“Pwede ba! Ang aga-aga.” Reklamo ko sa dalawa. Magyakapan daw ba sa harapan ko, sarap balatan ng buhay. Six months ago na nang maging official silang dalawa. Kunyari pa silang friends lang daw, ‘yon pala nagliligawan na. Sa buong second year life namin ay hindi sila mapaghiwalay.

“Inggit ka lang, eh.” Pang-aasar pa sa akin ni Jester. Mabilis kong nakuha ang unan sa tabi ko at nang akma kong ibabato iyon sa kanya ay naramdaman kong may mga braso ang yumakap sa akin mula sa likuran.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ipatong niya ang baba niya sa balikat ko. Ugh! I can feel his fucking breath!

“Ang init ng ulo mo. Meron ka ba?” Halos umusok ang tainga ko sa sinabi niyang iyon. Just what the hell?

“Kapag hindi ka umalis sa likuran ko, pagbubuhulin ko kayo ni Jester.” Natawa na lang si Chloe at agad namang tumayo si Zero para lumipat sa harapan ko. Nakangiti lang siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin at pilit pinigilang ngumiti. Minsan tuloy ay nagsisisi ako na sinagot ko siya no’ng oras na ‘yon. ‘Yong time na niligtas niya ako mula kay Travis.

“Ayan ba ibubungad mo sa boyfriend mo? Come on, look at me.” Hinawakan niya ang baba ko at marahang nilingon sa kanya. He’s still smiling like an idiot.

“Zero stop messingㅡ” Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin nang walang pasabi niya akong hinalikan sa labi. Sunod-sunod akong kumurap dahil sa ginawa niyang iyon.

“Happy anniversary.” Malambing na bati niya, and at that exact momentㅡnag-init ang pisngi ko. Isang taon na ngunit ganito pa rin ako tuwing kaharap siya. Hindi nasasanay sa mga sweet gestures niya na para bang bago lang kaming pumasok sa isang relasyon.

“You’re blushing too much. Kinikilig ka ba?” Nahampas ko siya ng unan bago mag-decide na tumayo na.

“Let’s go. Male-late na tayo sa klase.” Akma na sana akong maglalakad papunta sa pinto ngunit hinawakan ni Zero ang kamay ko.

“Hindi mo ba ko babatiin?” Tumayo siya at saka humarap sa akin.

“Mamaya na kapag tayong dalawa na lang magkasama. May surprise ako sayㅡ” Naubo na lang bigla ‘yong dalawa sa likuran namin kaya napairap ako. Ugh!

“Gusto lang pala ma-solo ni Erin si Zero, eh. Tara babe, labas na tayo.”

“Jester sinasabi ko sa ‘yo, tutuwid ‘yang buhok mo kapag sinabunutan kitaㅡtara na nga!”

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]Where stories live. Discover now