Chapter Sixteen

27.9K 1K 86
                                    


16: Bring him back!
-

Halos padabog akong pumasok ng kwarto. Makita ko lang ang babaeng ‘yon ay nag-iinit na ang dugo ko. ‘Pag nakahanap ako ng paraan para makalabas dito, iiwan ko talaga siya.

“God! Saan ka nanggaling?” Agad na pumasok ng kwarto sila Chloe. Ni hindi nga sila nag-abalang kumatok.

“Kay tito Cloud, bakit?” Tumalon si Jennie sa kama ko at saka hinawakan ang kamay ko.

“Kinausap ni Xian si Zero but there’s something wrong.”

“What do you mean?” Kinakabahang tanong ko. Nagtinginan muna silang tatlo nila Rozee bago ulit sumagot.

“Hindi niya natatandaan si Xian. At first akala raw ni Xi ay nagbibiro lang si Zero pero nang ako na mismo ang kumausap sa kanya. Mukhang hindi nga niya kami natatandaan.”

“No way.” Mabilis ako napatayo at nagpunta sa kwarto ni Zero. Naka-lock ang pinto pero pinilit kong sipain ‘yon hanggang sa bumukas.

“Hey, wake up!” Sabi ko nang lapitan ko si Zero sa kama niya. Nakakapagtak, sa lakas ng pagkakasipa ko dapat ay nagising na siya. Nagtutulog-tulugan ba siya? I was about to touch him pero bigla niyang pinigilan ang kamay ko.

Marahan siyang dumilat at saka bumangon habang mahigpit na nakahawak sa akin.

“Nasasaktan ako! Ano bang problema mo?” Tanong ko pero parang wala siya sa sarili, hindi man lang niya ako tinitignan.

“Zero!” Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang suntukin siya sa mukha. Binitiwan niya ako pero gano’n pa rin, wala pa rin siyang emosyon...

“What the hell. ZE! Hindi na nakakatuwㅡ” Hindi ko na tinapos ang gusto kong sabihin nang mapansin ko ang isang pamilyar na metal sa may bandang batok niya. Sinubukan kong hawakan ‘yon pero bigla siyang tumayo.

“Erin, I think someone’s controlling him.” Ani Rozee sa likuran.

“No. Paano? Paanong mangyayarㅡ” Agad na pumasok sa isip ko ang nakita namin ni Josh sa likod ng isang building noon... ‘Yong araw na nag-uusap si Zero at ‘yong malanding ‘yon.

“Erin, saan ka na naman pupunta?” Tanong ni Chloe pero hindi ko na sila pinakinggan. Mabilis akong lumabas ng kwarto pero hindi ko inaasahan na nasa labas na naman ang mga armadong lalake. Damn it!

Makakatikim talaga sa akin ang babaeng ‘yon kapag napatunayan kong may kinalaman siya sa nangyayari kay Zero.

It’s been three days, tatlong araw ang lumipas bago umalis ang mga armadong lalake sa labas.

Sa loob ng araw na ‘yon ay wala kaming nagawa kung hindi ang bantayan si Zero sa kwarto niya. Sila Jester at Chloe ang nakatokang magbantay sa kanya sa umaga, si Rozee at Alex sa tanghali, Si Jennie at Xian sa gabi at ako naman sa madaling araw.

Habang natutulog siya ay hindi ko maiwasang maluha habang pinagmamasdan siya. Tuwing tatangkain kong hawakan ang metal sa bandang batok niya ay kusa siyang nagigising para pigilan ako.

Para siyang robot and I can’t help but to blame myself, kung hindi lang sana ako nakipagtalo sa kanya no’ng araw na ‘yon ay hindi ‘to mangyayari sa kanya.

Pagtapos na pagtapos kong mag-asikaso ay kumaripas na ako ng takbo papunta sa kabilang buildimg, agad akong dumiretso sa kwarto ng babaeng ‘yon at saktong pagbukas niya ng pinto ay binati siya ng kamao ko. Pumasok ako sa loob at saka sinara ang pinto habang pinapanuod siyang punasahan ang dugo sa ilong niya.

“What the fuck! Ano bang problemㅡ” Agad ko siyang tinutukan ng baril sa mukha. Kinasa ko ‘yon at nakita kung paano siyang lumunok. She was about to cry pero inis na inis ako, pasalamat pa siya at may kontrol pa ako kung hindi ay kanina ko pa pinasabog ang ulo niya.

“Subukan mong magsinungaling sa mga itatanong ko sa ‘yo, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka rito mismo sa kwarto mo.” Banta ko ng hindi inaalis ang baril sa mismong mukha niya.

“Ikaw ba naglagay ng metal sa batok ni Zero?” Tanong ko at napalunok ulit siya.

“Sagot!” Sigaw ko at mabilis siyang tumango-tango. Maya-maya ay may kumatok sa pinto niya.

“Erin Cross. Nasa loob ka ba? Ikaw ba ‘yong sumigaw? Anong nangyayari?” Boses ni Tyler pero hindi ako nag-abalang sumagot.

“Wala ka nang magagawa. Kailangan kong gawin ‘yon para makalabas ako rito.” Napangisi ako nang sabihin niya ‘yon. Nanginginig ang kamay ko, gustong-gusto ko nang kalabitin ang gatilyo.

“Sinong nag-utos sa ‘yo?”

“Hindi ko kilala dahil nakamaskara siya.” Tumaas ang kilay ko nang tumawa siya.

“Makakalabas na ko rito, mapapasa ‘kin na rin si Zero. Wala kang kakampi dito, sumuko ka na.”

“Sinong nagsabing makakalabas ka?” Tinutok ko sa binti niya ang baril at saka siya pinaputukan doon. Sumigaw siya ng malakas pero tinawanan ko lang siya bago binuksan ang pinto.

“Anong nangyayarㅡ” Tanong ni Tyler pero nasagot din ang tanong niya nang makita niya ang umiiyak na ahas.

“Erin, anong ginawa mo?”

“She deserves it, pasalamat nga siya at hindi ko siya tinuluyan. Ayoko nang magkaroon ng kasamang traydor kaya hangga’t maaga. Ilayo niyo sa ‘kin ang babaeng ‘yan bago ko pa siya mapatay.”

Xian’s POV

Nag-uusap usap kami ng nila Jester about sa kondisyon ni Zero dahil hindi namin inaasahan na magkakagano’n siya sa maigsing oras.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng bigla kaming nakarinig ng pagputok ng baril mula sa kabilang building. Agad kaming lumabas ng kwarto kung saan nakasalubong namin sila Jennie.

“What’s happening?” Tanong ni Alex at umiling lang si Rozee na nagsasabing wala siyang alam. Para masagot ang tanong namin ay nagpunta kami sa kabilang building pero hindi pa man kami nakakapasok ay lumabas na si Erin na may dala-dalang baril.

“Ikaw ba ‘yon? Ikaw ‘yong nagpaputok ng baril?” Tanong ni Jester at bigla na lang nagsidatingan sila Xander sa likuran ni Erin.

“Bakit mo binaril ‘yong kaibigan ni Ten?” Tanong ni Kevin, dahilan para manlako ang mga mata ko. Agad naming naibaling ang tingin kay Erin.

“She’s a traitor. Nakikipagsabwatan siya sa mga kaaway para makalabas dito. Siya ang may kagagawan kung bakit nagkakagano’n si Zero ngayon.” Paliwanag niya. I was about talk pero bigla na lang siyang tumakbo.

Erin’s POV

Habang nakikipag-usap kila Xian ay bigla na lang nabaling ang atensyon ko kay Zero nang makitang nasa labas siya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya.

“Saan ka pupunta?” Tanong ko kahit alam ko namang hindi siya sasagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad na parang zombie. Sinusubukan ko siyang pigilan pero tinatabig niya ang kamay ko.

“Zero!” Tawag nila Alex mula sa likuran. Sinundan lang namin siya hanggang sa makarating kami malapit sa isang itim na building.

“Guys, buhatin niyo na siya. Masyado nang delikado rito.” Utos ko at nang hahawakan na nila si Zero ay may bigla na lang dumating na mga armadong lalake para tutukan kami ng baril.

Wala kaming nagawa kung hindi ang umatras. May dala man akong baril, hindi ‘yon sasapat para maligtas kami. Nang hawakan na ng isang lalake si Zero ay kusa naman itong sumama.

“Saan niyo siya dadalhin?!” Sigaw ko pero paatras lang sila ng paatras habang bitbit nila si Zero at nakatutok ang baril sa amin. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumigaw. Pinipigilan din ako nila Jester dahil sa tangka kong paghabol sakanila.

“Bring him back!” Makaawa ko pero tuluyan na silang nakapasok sa itim na building. Awtomatiko akong napaupo habang umiiyak. Damn it! ‘Pag may ginawa silang hindi maganda kay Zero. I swearㅡ pagsisisihan nila na nabuhay pa sila sa mundo.

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]Where stories live. Discover now