Chapter Ten

34K 1.2K 255
                                    


10: About drugs.
-

Literal akong napanganga. Like seriously? Ano ‘yong narinig ko? Balak ko pa sanang suntukin ang sarili ko para magising pero pinigilan niya ako.

“I’m alive, aren’t you happy?” Tanong niya pa sa akin. Mabilis kong hinawakan ang muka niya, ‘yong pisngi, buhok, braso, kamay, legs at bago pa mapunta kung saan ang kamay ko. Muli akong tumingin ng diretso sa mata niya habang ramdam kong tumutulo na naman ang luha ko.

“Hindi ba ‘to panaginip? You’re alive? Buhay ka ba talaga?” Nginitian niya ako at saka inihawak ang kamay ko sa dibdib niya. Sobrang bilis ng pagtibok noon.

“Alam mo ba kung gaano ako kasaya makita ka?” Tanong niya.

“Masaya akong makita ka pero paano? Paanong buhay ka?” Naupo siya sa tabi ko at saka tumingin sa akin.

“Hindi ko rin alam, no’ng araw na sumugod ako sa hideout ng red org, may ipinainom sila sa akin bago ako itali. Binugbog nila ako nang binugbog hanggang sa pakiramdam ko ay mamamatay na ako, noong oras na pinakawalan mo si Xander, nagdilim ang paningin ko at nagising na lang ako na nasa morgue ako. Nagulat pa nga ‘yong lalaking nandoon nang bigla akong bumangon..”

“Pero nawalan siya ng malay nang may humampas sa ulo niya. Doon ko lang na-realize na may mga lalaking nakaitim sa loob ng morgue. May dala silang isang katawan, fake body na kamukhang kamukha ko. Tinangka kong manlaban pero nanghihina ang katawan ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanila. Ang naiwan lang sa morgue ay ‘yong pekeng patay na kamukha ko.”

“Wait! How come? Wala ka ng pulso sa gubat pa lang.” Sabi ko nang tumayo ako dahil parang imposibleng mangyari ang sinasabi nya.

“Yong pinainom nila sa ‘kin. It’s a kind of drug na kaya kang pagmukhaing patay. Heartbeat, parang itong humihinto when actually it’s not.”

“Wait, so you mean lahat ng nakakainom ng drugs na ‘yon ay hindi talaga namamatay?!” Tumango siya at saka lumapit sa akin.

“Pero ikaw, paano ka napunta rito? Anong nangyari?”

“I don’t know exactly pero alam kong ‘yong dean ang may kagagawan kung bakit ako nandito ngayon. Jennie is missing, can you help me find her? I know she’s here.”

“Delikado magpagala gala sa labas, may mga armadong lalake. The other students was being controlled. Kapag nakita ka nila, papatayin ka nila.”

“Matagal ka na rito, alam mo ang pasikot sikot. Please help me.” Makaawa ko, napabuntong hininga siya bago tumango.

Xian’s POV

Lahat kami ngayon ay nasa hospital. Gising na si Tito Jiro at kasama namin si Winter dahil dinala siya rito ni Tita Rain. Isang suntok ang natanggap niya mula kay Tito Jiro kahit pa fresh ang sugat nito.

“Sino ka ba sa tingin mo? Sino ka para pagtangkaan ang buhay ng anak ko?” Singhal ni tito habang pilit siyang pinapakalma ni Zero.

“I’m trying to save your son. Someone’s aiming for him that time.” Pagpapaliwanag ni Winter.

“What do you mean?” Tanong ko.

“No’ng sumilip siya sa bintana. There’s a red dot on his head, paano ko nakita? ‘Yong reflection sa salamin. Kailangan kong gumawa ng gulo para umalis siya sa pwesto niya. Kailangan kong magmukhang masama dahil ang buong alam nila ay kakampi nila ako.”

“Sinong nila? Anong nalalaman mo sa likod ng mga nangyayari?”

‘No use, tinanong ko na ‘yan sa kanya pero ayaw niyang magsalita. And yeah, he’s my brother. Nagpa-DNA na kami. Ilang taon lang ang tanda ko sa kanya, meaning? Hindi nag-asawa ulit si papa. Talagang may kabit na siya noon pa lang.” Halata sa boses ni Tita Rain ang galit kaya naman mabilis siyang nilapitan ni Chloe at Rozee para yakapin.

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن