Chapter Twelve

36.4K 1.4K 397
                                    


12: Confession and Jealousy.
-

Jennie’s POV

“Wala na tayong mapuntahan, ‘wag na tayong masyadong lumayo.” Sabi ko habang nakasunod kay Xander. Wala kaming makitang daan palabas, ni wala ngang gate ang lugar na ‘to.

“Pagod ka na ba?”

“Hindi, ayoko lang na may mangyaring masama sa ‘tin kaya bumalik na tayo. It’s impossible for us to find a way out.” Tumango lang siya bago hinawakan ang palapulsuhan ko para hilahin. Tumakbo kami sa bilis na makakaya namin.

Pagdating sa kwarto, hindi ko inaasahan kung sino ang bubungad sa amin. Nakatingin lang ako kay Xian habang siya ay nakatingin sa kamay ko. Agad kong tinignan si Xander at nakuha naman niya ang ibig sabihin ng tingin na ‘yon, binitawan niya ako at mabilis akong nakatakbo papunta kay Xian para yakapin.

“Oh my God! Paano kayo napunta rito?” Tanong ko nang kumalas din ako agad

“I’ll tell you later, pinag-alala mo kami but thanks to you. I mean, kung hindi dahil sa pagiging pasaway mo. Hindi namin madi-discover na may iba pang kalokohang ginagawa ang academy.” Ngumiti ako at saka hinawakan ang kamay niya.

“Did you miss me?” Noong una ay ayaw pa niyang sumagot pero hindi kalaunan ay tumango pa rin siya.

“So meaning ba n’yan, liligawan mo na ko?” Kumindat ako sa kanya ngunit ginulo lang niya ang buhok ko kaya napanguso ako.

“Hoy, ang landi mo! Sa susunod kapag aalis ka sabihan mo ako. Mamaya n’yan mawala ka na naman.” Reklamo ni Erin na ngayon ay wagas kung makayakap sa braso ni Zero.

“Hiyang-hiya naman kami, parang si Xian lang ‘yong nakita mo.” Nakangusong reklamo ni Chloe kaya agad akong lumapit sa kanila ni Rozee para yakapin din sila. Hindi ko akalain na sa pagbalik ko ay makukumpleto kami. Hindi ko alam kung mas magiging madali or mahihirapan kami sa mga susunod na araw.

“Jennie, I like you!” Nagulat ako nang biglang sumigaw si Xander. Lahat kami ay natahimik, kumalas ako sa pagyakap sa dalawa at saka siya nilingon. Nakatingin lang siya sa akin, hindi ko malaman kung seryoso ba siya o ano. Balak ko pa sanang magsalita pero nilapitan niya ako.

“Gusto kita.” Pag-ulit pa niya.

“Sorry, hindi ako maniniwala sa joke mo, ilang araw na tayong magkasama na dalawa atㅡ”

“I’m serious.” Hinawakan niya ang kamay ko at agad din ‘yong bumitaw. Lumingon ako at nakita si Xian na ngayon ay nakahawak sa palapulsuhan ni Xander.

“Nagpapasalamat ako sa ‘yo dahil hindi mo pinabayaan si Jennie habang nandito siya, but this is a big misunderstanding. Jennie’s already mine.” Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Gustong gusto kong yakapin si Xian dahil kinilig ako rokn pero parang mali naman kung gagawin ko ‘yon sa harap ni Xander na umaming may gusto siya sa akin. Damn! What’s going on?

“Ay wow! Love triangle.” Pagsira ni Jester sa mood.

“Wala naman akong pakialam kung sa ‘yo na si Jennie. Basta ang akin, gusto ko siya.” Ani Xander.

“Pinsan, hinay-hinay lang, baka naman naco-confuse ka lang.”

“No, Tyler. Sure ako.” Napalunok na lang ako, seryoso siya sa mga sinasabi niya. Well, what should I feel about this?

Erin’s POV

After ng revelation ni Xander ay umalis na rin sila at bumalik sa mga kanya-kanyang kwarto, habang ako ay naiwan na lang dito kasama sila Jennie, Chloe at Rozee.

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]Where stories live. Discover now