Chapter 3

1.1K 53 0
                                    

A/N: Sorry kung ngayon lang ako nakapag update. Hahaha
------
FIONA POV

"-________-" itsura ko nang dahil sa katabi ko.

"Sige na kasi. Sandali lang naman. Promise last na pag uusap na natin to" pangungulit ng katabi ko.

Oo. Kinukulit niya ako. Sagot ko sa kaniya? Edi irap. Ang kulit naman ng kutong lupa na to!

Hoy FYI hindi po ako bitter. Okay okay. Let me correct that. Oo na ako na bitter pero masisisi niyo ba ako? Nasaktan po ako ng sobra eh!

"Oo na." Bagot na sagot ko sa pangungulit niya saken

"Thankyou Thankyou!" Nakangiting sabi niya na tila parang hindi makapaniwala. Yayakapin sana ako kaso inunahan ko nalang siya

"Subukan mo! Baka magbago isip ko." Pikon na sabi ko sa kaniya.

"Sorry naman. Masaya lang" Sabi niya saken na abot tenga pa din yung ngiti!

Ano ba Troy naiinlove ako sa ngiti mo umayos ka!

"Goodbye Class" sabi ng prof namen

Na tila nakapag bigay buhay sa aming lahat. Baket? Simple lang para niya kaming pinapatulog

Napaka hinhin masyado tapos Ang lumanay niya magsalita. Oh diba? Taray Bukas makapagdala nga ng Unan at kumot

"Gym. 3pm" sabi ko sa katabi ko tapos pinuntahan yung bestfriend ko.

Pano nga ba ako makakapag paalam kay Ehlisse? Anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba ang totoo? Halaaaa!

"Ano ba best? Nakikinig kaba? Heto na naman tayo eh." Sabi ni Ehlisse sabay taas ng isang kilay niya saken

"A-Ah eh. Iniisip ko lang pano kung anong kakainin ko. Grabe Nakakagutom!" Pagpapalusot ko

"Troy?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya

"Ha? San? San?" Ang layo ng tingin ko. Hinahanap kung nasan ba talaga si Troy. Nung napansin kong nakatingin siya saken. Tinignan ko siya ng dahan dahan.

"Sige na. Magkuwento kana" mahinang sabi niya saken

Hindi ko namalayan na andito pala kami sa garden. Tambayan namen nila troy to dati.

Hindi na ako nagsalita. Wala di marunong makisama yung luha ko. Ayun walang awa tulo ng tulo

"Best sorry hindi ko kasi kaya siyang makita eh. Best nung nakita ko siya? Bumalik lahat eh" Iyak pa din ako ng iyak

"Ssshhh" pagpapatahan saken ng bestfriend ko.

"Hindi. Hindi lahat ng saket. Bumalik lahat eh. Yung saya na nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya? Bumalik eh!" Sabi ko

Dahan dahan niyang hinawakan yung ulo ko paakyat tapos dahan dahan din niya pinapatong yung ulo ko sa balikat niya tapos habang umiiyak ako hinihimas niya yung buhok ko

"Best? Magkikita kami kaya ko na to" sabi ko sa kaniya tapos nagsuklay nagpulbo tapos nag lipstick

"Per----" hindi ko na siya pinatapos

"Best? Tiwala lang" sabi ko sa kaniya

Tapos tumayo at pumunta ako sa gym. Di ko namalayan yung oras 3:10 na pala.

Nung nasa gym nako. Hinanap ko siya na nakatayo at paalis na sana.

Mainipin talaga -________-

Nung nakita niya ako? Napatunganga siya. Pero bago ako makapunta sa pwesto niya

"Fiona pa picture naman" sabi nung lalaking nerd din siya

Malapit talaga loob ko sa mga nerd. Kasi dumaan din ako diyan.

Nilapat ko yung kamay ko sa harapan niya
"Gusto mo ako na maghawak?" Sabi ko sa kaniya habang nakangiti.

Tumango lang siya tapos inayos yung salamin niya.

Nagpicture na kami. Tinanong ko pangalan niya sinabi ko din sa kaniya na iaadd ko siya sa facebook. Nginitian niya lang ako.

"Buti nakarating ka akala ko di moko sisiputin eh" sabi niya saken pero sa malayo nakatingin

"Hindi naman ako ganung tao diba?" Sabi ko sa kaniya tinignan ko siya. Ngumiti siya ng simple habang sa malayo parin siya nakatingin.

Seriously? Pinapunta niya ako pero di niya ako tinitignan? Ano ba naman to!

Patayo na sana ako kaso hinawakan niya yung kamay ko.

"Magpapaliwanag ako" sabi niya saken na parang nakonsensya ako kaya umupo ako sa tabi niya

May pinakita siya sa aking picture.

Picture nilang dalawa ni Lucy na nakahubad si lucy ng damit habang naka patong ang kumot sa harapan niya at walang damit si troy habang nakaharang din ang kumot nila ni lucy at kitang kitang nakayakap siya kay lucy

"Ayan yung nakita mo diba?" Sabi niya sa akin tapos tumango lang ako.

"Pero eto talaga yan" binigay niya sakin yung cellphone niya tapos may nagplay ng video

Nakatali yung dalawang kamay niya habang nakaupo siya tapos may kasama si lucy na dalawang lalaki yung isang lalaki nakahawak sa Bunganga niya at yung isang lalaki may hawak na baso at may pinainom sa kaniya. Dahilan para mawalan siya ng malay

"Binigay yan nung isang lalaki pagkatapos kong bugbugin. Sana maniwala kang hindi ko sinasadya" sabi niya sakin tapos umiyak siya.

"Sssshhhh tama na" pagpapatahan ko sa kaniya

"Sorry kung nangako ako sa iyo na hindi kita iiwan pero iniwan parin kita. Ayoko kasing nakikita kang nasasaktan ng dahil sakin" sabi niya sakin sabay hawak sa magkabilang mukha ko

"Pero nasaktan ako eh" sabi ko sa kaniya at tumulo na naman yung luha ko.

Tanga na kung tanga wala eh. Mahal ko po kasi eh
------
Yeeess!!! Follow niyo ko sa twitter @rlykashane para sa mga tanong at suggestion niyo. Gooooo

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now