Chapter 14

346 13 1
                                    

FIONA POV

Nagbalik balik ang tingin ko kay dranel tsaka kila mommy. Alam kong sa mga tingin ni mommt sakin alam kong marami siyang gustong itanong.

"Ah mommy sa bahay nalang po tayo mag usap" Sabi ko. Ngunit hindi pa rin nila ako pinapansin, Nakatingin parin sila kay dranel na hindi man lang nagbago ang pwesto.

Tumalikod si mommy sabay naglakad papasok sa loob ng bahay namin nang hindi tumitingin sa akin, Sumunod naman sa kaniya si daddy habang ako mabilis na tumakbo sa pwesto ni Dranel para kunin yung cellphone sabay nag thankyou na din ako kabadong pumasok sa bahay namin

"Sino yun?" Biglang tinanong ni mommy kahit hindi nakatingin sa akin

"A-ah k-kaibigan ko po si Dranel po. Kapartner ko po sa pag momodel" Nauutal na sabi ko. Well totoo naman eh. Magkapartner naman talaga kami atleast nagsasabi ako ng totoo. Pero siyempre hindi ko pa rin maiwasan ang hindi kabahan lalo na kay mommy

"Kaibigan?" Sabay na sabi--tanong ni mommy at daddy. Tsk. Mag asawa nga talaga sila

"Opo" Pero hindi ko sure kung kaibingan nga talaga yung turing niya sa akin. Psh. Basta magkaibigan kami

"Pero bakit doon ka natulog?! Anak may bahay tayo! Huwag mong sabihing tinamad kana umuwi dahil limang hakbang lang simula dun sa bahay nila papunta dito sa atin!" Dire-direcho ulit na tanong niya.

Kinuwento ko sa kaniya yung nangyare syempre ano pa nga bang mangyayare malamang umiyak na naman ako. Hays. Niyakap ako nila mommy tapos syempre pinagsabihan din na mali daw yung ginawa ko hindi daw ako dapat nag inom. Pati si mommy umiiyak na naman. Ang sama sama ko talaga pati si mommy umiiyak na naman.

Andito ako ngayon sa kwarto ko, Nakaupo sa sofa at nanunuod nang biglang bumukas yung pinto at bumungad dito si daddy

"Dad" Sabi ko habang tinitignan siya na lumalapit sa akin

"Baby can we talk?" Tanong ni dad sakin. Tumango lang ako sa kaniya at umupo siya sa tabi ko

"D-dad sorry" Panimula ko.

Niyakap lang ako ni dad. Pinipilit kong huwag tumulo yung luha kong kanina pa gusto kumawala sa mata ko

"Baby alam kong mali yung ginawa mo, Pero anong magagawa ko? Nagmahal ka lang naman" Sabi ni dad habang mahinang tinatapik yung kanang balikat ko

"Dad panget ba ako? Masama ba ugali ko?" Sunod- Sunod na tanong ko sa kaniya

"Baby ang sagot ko diyan kaparehas sa sagot ng mommy mo" Ha? Kinuwento siguro sa kaniya ni mommy na tinanong ko siya ng ganiyan

"Gusto kong makahanap ng lalaking kagaya mo dad." Seryosong sabi ko sa kaniya

"Nag iisa lang daddy mo anak ko eh. Pogi, Matalino, Masipag, Mahal na mahal kayo ng mommy mo. Nasa akin na ang lahat anak ko" Pagbibiro ni dad. Napangiti nalang ako sa inasta ni dad hahahaha

"Seryoso anak. Huwag na huwag mo nang uulitin yung ginawa mo ha? Panget sa babae ang umiinom. Pinag aral kita, Minahal kita, Pinalaki kita ng maayos para magkaroon ng magandang buhay. Isipin mo nalang na hindi kayo ang para sa isa't isa." Sabi ulit ni dad

"Alam ko naman po yun dad eh"

"Naalala ko tuloy nung unang beses naming magkahiwalay ng mommy mo. Iniwan niya ako, sa hindi ko malaman-lamang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Mahal na mahal namin yung isa't isa kaya hindi ako makapaniwalang iiwan niya ako ng walang kwentang dahilan. Lumayo siya, sinuyo ko pero ayaw niya talaga" kwento ni dad

Ganon pa rin yung ayos namin ni dad. Nakaakbay siya sakin habang nakapatong yung ulo ko sa balikat niya. Nakatingin siya sa dingding habang nakangiti. Tinitignan ko lang siya. Habang pinupunasan yung luhang kanina ay walang tigil sa pag tulo

"Mahal na mahal ko ang mommy mo pero nung panahon na yun mukhang gustong gusto niya na maging malaya kaya kahit ayoko at masakit para sa akin, Ginawa ko ang gusto niya pinalaya ko siya. Hinayaan ko siya sa kung anong gusto niyang gawin. Nagpaka martir ako." Dugtung pa ni dad

"Paano po kayo nagkaayos ni mommy, dad?" Tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan siyang nakatingin sa malayo

"Nagpaka layo-layo ako. Nag inom. Dumating din sa puntong naisipan kong magpakamatay. Pero siyempre di ko ginawa, Dahil lang sa kaniya sasayangin ko ang kagwapuhan ko? Hanggang sa matagal kaming hindi nagkita dahil pumunta akong america nagpaka busy ako don para makalimutan ko siya" dugtung pa niya ulit. Okay dad sinagot mo yung tanong ko -.-

"Hanggang sa pag uwi ko dito sa pilipinas, nagyaya ang tito rogelio mo ng party para sa batch namin at nagkita kami doon. Nung nakita ko siya akala ko okay na ako, akala ko nakamove on nako. Pero hindi pa pala, Dahil nung nakita ko siya bumalik lahat ng ala-ala namin. Yung saya, yung lungkot, yung sakit, Lahat lahat" biglang may tumulo sa kanang bahagi ng mata ni dad. Pinunasan niya iyon at piniling ngumiti nalang

"Nung nakita ko siya niyakap ko siya kahit alam kong nagulat siya tapos sinabi ko sa kaniya kung gano ko siya kamahal, na gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Na hinding hindi ko siya papabayaan kahit anong mangyari at ayun pinaliwanag niya sa akin ang lahat, na nagbunga ang pagsasama namin isang gabi habang lasing kami parehas at ikaw nga iyon baby. Pinanagutan kita, kayo nang mommy mo. Pinakasalan ko siya at naghanap ako ng trabaho para sa inyo at ayun naging maayos ang lahat" Sana may ganitong lalaki pa kagaya ni dad. Sana ganito din si troy kay dad :(

"Baby sinabi ko sa iyo to hindi dahil para gawin mo yung ginawa ko, na maglasing magpakamatay o kung ano pa man. Sinabi ko to para malaman mong naiintindihan kita. Kahit anong mangyari andito lang kami ng mommy mo. Kung gusto mo ibibili kita ng ticket para sa pagmo-move on mo" hindi ko alam pero parang ayokong pumunta sa inaalok ni dad. Pero mukhang kelangan ko to para makamove on nako. Gusto kong sa america na ipagpatuloy ang pag momodel ko.

"Hmm Okay po dad" sabi ko sa kaniya at nginitian ko siya

"Ikukuha kita ng ticket siguro mga 3days na yung flight mo" sabi ni dad. Tinapik niya din ng mahina ang kanang balikat ko at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko

Thankyou mom and dad dahil hindi kayo nagsasawang intindihin ako. Andyan lang kayo lagi para sa sarili ko. Mahal na mahal ko kayo

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now