Chapter 13

435 18 2
                                    

FIONA POV

Nagising ako ng marinig ang tunog ng cellphone ko. Tatayo sana ako para hanapin ang cellphone ko nang maramdaman ko ang pagkahilo at pagka sakit ng ulo ko. Tumingin agad ako sa palagid ko para malaman kung nasan ako pero unfamiliar tong lugar na to. Nasan ako?

Tinignan ko kung nakadamit ako. Siyempre baka nakidnap na pala ako no tapos wala pa akong kaalam-alam. Pero hindi eh, Maganda ang kwartong ito halatang mayaman ang nakatira dito. Malinis, Mabango ang kwartong ito. Malamang babae ang naka-kwarto dito. Hindi kay Ehlisse to dahil nakapunta na ako sa bahay nila at nakapasok sa kwarto niya. Natauhan nalang ako nang magring ulit ang cellphone ko

Mommy calling.

Lagooot

"Anak? A-asan kaba? Anong nangyari sayo?" Umiiyak na tanong ni mommy. Napaupo ako at sumandal sa kama

"Hindi ko po alam kung asan ako. Pero safe naman po ako mommy. Uuwi din po ako agad" Sabi ko kay mommy. Habang nakahawak sa nahihilo kong ulo.

"Anak kagabi pa kita tinatawagan. Ano bang nangyayari sayo? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko ha? Nag asawa kana ba? Anak umuwi ka naman na oh? Sabihin mo kung asan ka, Susunduin ka namin ng daddy mo" Halata pa rin sa boses ni mommy na umiiyak pa din siya. Anong sasabihin ko? Asan nga ba ako? Hindi ko alam kung anong nangyari

"Pauwi na po ako mommy"

"Siguraduhin mo anak. Kagabi pa kami nag aalala ng daddy mo sayo" Fvck! Umiiyak si mommy ng dahil sa akin.

"Opo mommy promise. Bababa ko na po. Pauwi na po ako" Pinatay ko na. Dahil hindi ko kayanga marinig si mommy habang umiiyak. Naiinis ako sa sarili ko

Tinignan ko yung cellphone ko. Nakita ko 100missed call mula kay mommy at Ehlisse. Nabalitaan niya din siguro ang nangyare. Nabasa ko din yung mga text ni mommy na tinatanong lang kung asan daw ako. Napatulala ako sa kisame at patuloy na inaalala kung anong nangyari at kung pano ako napunta dito. Patayo na sana ako mula sa pagkakaupo ko nang marinig ang pinto na bubukas. Napahinto ako sa pagtayo at hinihintay makita ang taong nakatira dito

0_______0

"Gising kana pala. Eto nagluto ako ng lugaw para mahimasmasan ka. Lasing na lasing ka kagabi" Nakatulala pa din ako sa kaniya. Tinitignan ko siya habang papalapit sa akin na may dalang tray na may lamang lugaw

"Nasan ako?" Tanong ko sa kaniya habang tinitignan pa din siya

"Nasa bahay ko" Simpleng sagot niya. At inilapag ang hawak niyang tray sa lamesitang malapit sa akin

"Bakit ako napunta dito?" Tanong kong muli sa kaniya

"Wag kang mag alala, Wala akong ginawang masama sayo. Nakita kita sa bar kagabi. Nakita ko ring umalis ka ng lasing na lasing. Kaya napagdesisyunan kong ipunta ka muna dito kaysa naman dun ka sa bar matulog. Well magpasalamat kana lang" Sinabi niya habang hindi nakatingin sa akin. Nakakahiya ang ginawa ko kagabi. Nakita niya iyo? Waaaah!! Nakakahiya

"S-salamat"

"Kainin mo to, lumabas ka nalang pagtapos mo at ihahatid na kita pauwi" Natulala pa din ako sa kaniya. Hindi ako nakapagsalita, Nakatingin lang ako sa kaniya saka tuluyan na siyang makalabas ng kwarto

Minamadali ko nang ubusin ang bigay niyang lugaw. Habang kumakaen ako napatingin ako sa oras. OMYGOD 11:30AM NA?! Malamang sa malamang Kanina pa nasa labas sila mommy hinihintay ako. Sobrang nagmamadali ako. Kaya ang kinalabasan? Ayun nabulunan. Naghanap ako tubig pero wala kaya lumabas ako ng kwarto pero paglabas ko ng kwarto.

0_______0

"Waaaaaaaah!!" Sabay naming sigaw

Napatakip nalang ako ng mukha tsaka tumalikod. Ano bang ginagawa niya?! Hindi ba uso comfort room sa kaniya at kailangang sa sala siya magbihis? Wtf!

"O-okay na" Nauutal niyang sabi kaya dahan dahan akong napalingon sa kaniya pero nakatakip pa din yung dalawang kamay ko sa mukha ko at dahan dahan ko iyon inalis.

"Ah eh u-uwi nako" sabi ko at dahan dahang naglakad papuntang pinto. Nang makalagpas ako sa kaniya bigla siyang nagsalita

"Hm Fiona?" Sabi niya nang nakatingin sakin pero hindi ko siya kayang tignan nakakahiya.

"D-dranel?" Tawag ko din sa kaniya saka dahan dahang lumingon sa kaniya. Owmaygad!

"Sorry sa nakita mo hindi ko sinasadya" Sabi niya. Anong nakita ko? Nakita ko lang naman siyang nakahubad well hindi pala nakahubad OA lang ako, Nakaboxer siya tapos walang suot pang itaas

"A-ayos lang. Sige uwi nako. S-salamat ulit" Ngumiti ako ng pilit, Pero halata sa ngiti ko ang pagkakailang. Yung totoo ha, HINDI TALAGA OKAY IYON OWMAYGAD HINDI NA VIRGIN YUNG MATA KOOO T____T. Aalis na sana ulit ako. Tumalikod na ako at akmang hahakbang nako kaso nagsalita ulit siya

"Hm Fiona?" Tawag niya ulit sa akin. Kaya humarap ulit ako sa kaniya

"D-dranel?" Tawag ko din ulit sa kaniya

"Wala sanang magbabago saten" Sabi niya at ngumiti ulit. Ang pogi talaga niya kaso naaalala ko kasi yung nakita ko. Waaaaaaah!! Anoba Fiona umayos ka nga!!

"Ah o-oo wala. Sige alis na ako" Sabi ko kaya tumalikod na ulit ako at hahakbang na ulit sana kaso nagsalita ulit siya. MAGPAUWI KA NAMAN DRANEL!!

"Hm Fiona?" Humarap ulit ako. Naiinis nako ha?!

"Dranel okay na tayo okay? Walang magbabago. Okay na uwi nako ha? Bye thankyou ulit" Sabi ko at mabilis na tumalikod. Saka humakbang na papunta sa pinto. "Mga limang hakbang nalang makakauwi kana fiona" sabi ko sa isip ko -------

"Hm Fiona?" ARGH!!

"Dranel ano ba?" Mahahalata mo na sa boses ko na naiinis nako.

"Eh kasi dito yung labasan. Cr kasi yang pupuntahan mo eh" Sabi niya saka tumuro nang pinto na nasa likod niya. Napalunok ako sa sinabi niya saka ngumiti. Yung ngiting nakakahiya at pilit. Napahawi nalang ako ng buhok. Nakakahiya ka Fiona!

"Ah eh sabi ko nga" Nag iwas ako ng tingin sa kaniya. Hiyang-hiya nako kay Dranel. Please lupa kainin mo na akooo!

"Hm fiona hintayin mo nalang ako sa labas ng gate at kukuha lang ako ng damit ko tapos ihahatid na kita pauwi" Sabi niya. Hindi ko na siya nilingon dire-diretso nlang ako sa paglalakad kaya tinanguan ko nalang siya.

Hindi naman kalakihan yung bahay niya may isang kwarto, Tapos maliit lang yung sala basta tamang tama lang sa kaniya kasi mag isa lang siya. Paglabas ko ng gate. Ramdam ko pa din yung hilo ko, Eto ata yung tinatawag nilang Hangover. Pero Parang familiar tong village na to. Napalingon ako sa gawing kanan at nakita ko ang dalawang taong sobrang familiar sakin na nakatayo at hindi mapakali. Kahit nakatalikod sila kilalang kilala ko sila

Dahan-Dahan akong lumabas. Nang makalagpas ako konti nang bahay ni Dranel, Sakto namang lumingon sila. Buti nalang! Thank god! Wooah!

"Baby saan kaba nang galing? Anong nangyari sayo? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko simula kagabi" sunod sunod na tanong sakin ni mommy. Anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba sa kaniya ang mga nangyare? Mag aalala siya panigurado

"Hm Mommy? Sa bahay nalang po tayo mag usap" yaya ko sa kaniya. Isang bahay lang ang pagitan ng bahay namin tsaka bahay ni Dranel. Kelan pa? Bakit parang hindi ko naman siya nakikita---. OMO Baka biglang lumabas si Dranel at makita siya nila mommy. Baka ano nalang isipin nila mommy

Inakbayan ako ni mommy tsaka ni daddy at papasok na sana kami sa bahay kaso

"Fiona?" Lagooooot!

Sabay na lumingon si mommy tsaka si daddy sa tumawag sakin. Dahan dahan naman akong lumingon. Nakita ko si dranel na hawak yung cellphone ko na nakataas pa at halatang nagulat din siya sa nangyari. Dahan dahan naman akong Napatingin naman ako kila mommy at daddy na parehas nakatingin kay dranel na nakahawak sa cellphone ko at hindi gumagalaw. Lagot ka Fiona!

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now