Chapter 7

700 27 0
                                    

Fiona POV

Unat....

Baket ang aga ko nagising? Closing Party namen ngayon pero nasa tradisyon ko na Hindi na sumama dun. Dahil sa nerd ako at parang ayaw din nila na kasama ako. Hindi pala parang. Ayaw talaga nila na kasama ako

May kumatok sa kwarto ko, dahan dahan ding bumukas tapos bumungad sa akin ang magandang mukha ng Mommy ko :)

Ang ganda ganda ng mommy ko baket hindi ko naman iyan? Eh gwapo din naman ang daddy ko

"Yes mom?" Nakangiting tanong ko kay Mommy

"Nasa baba si ehlisse" bungad na sagot niya sa akin

-__________-

Aga naman bumisita niyan.-

Ang sarap sarap matulog Mygad!

Nag suklay ako hilamos tapos bumaba na. Pagbaba ko andun nga siya naka upo sa sofa tapos umiinom ng Juice. Ang ganda niya nakakatomboy *kilig kilig*

"Oh ayan na pala siya" sabi ni daddy tapos tinuro ako habang pababa ako ng Hagdan

"Anak naman hindi mo ba kayang magpulbo? Tara ako magpupulbo sayo" sabi ni Mommy saken na napakamot nalang ako sa ulo

"Okay lang po yan tita. Maganda pa naman din po siya" Sabi ni ehlisse tapos binitawan niya yung Juice na hawak niya

"Ah-eh anong meron?" Tanong ko kay Ehlisse

"May Closing Party kaya no!" Sabi ni Ehlisse sa akin na ngayon ay katabi ko na

"Alam ko" sabi ko

"Eh mag ayos kana. Sabay na tayo!" Sabi niya sa akin

-________-

Hindi ako pumupunta sa ganon :3
Ayoko Ayoko AYOKOOOOOO

Pero sa kakapilit nila dad at Ehlisse wala rin nagawa ang salitang ayoko. Dahil sila rin yung nasunod. Naligo ako tapos Suklay, pulbo tapos kinuha ko na yung glasses ko then bumaba na. Anong suot ko? Simpleng pantalon na maluwang at yung damit tsaka may kwintas akong mahahaba then okay na!

Nung bumaba na ako parang hindi ako makadikit kay Ehlisse pano ang ganda ba naman kasi ng suot eh! Short na white tapos may backless na black na hanggang puson lang tapos may jacket siyang parang maong then sapatos na adidas na white lang may kwintas din siya pero simple at maikli lang. Saken kasi mahaba e! Ang ganda ganda niya talaga. Bumagay pa sa kaniya yung porma niya kasi sexy at maputi kasi siya e

Sumakay na kami sa sasakyan niya. Jusme ang lapit lapit lang e -____- bakit kailangan pang magsasakyan? Nung sumakay ako sa likod ng driver si Ehlisse naman dun siya na kaupo sa tabi ng Driver niya pero bago paandarin ng Driver e may binulong muna siya na hindi ko narining. (Malamang fiona bulong nga diba?) Oo na Author. Tapos inikot ng Driver yung sasakyan! Hala mukhang mali yung dinadaanan namin.

Pano kung isa pala si Ehlisse sa galit saken tapos nagkukunwari lang pala siyang mabait saken para magtiwala ako sa kaniya tapos ngayon papabugbog niya ako kasi alam niyang kahit sumigaw ako e walang makakarinig saken. OMO

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya

"Ay kain muna tayo sa labla hindi pa kasi ako nagbe-breakfast e" sabi niya tapos humawak siya sa Tiyan niya

Andami dami kayang pagkain sa bahay baket hindi niya sinabi atleast sinabi ko sana kay mommy para mapakain siya. Kesa naman gumastos siya kumaen siya sa Restaurant na mala ginto yung bayad tapos hindi kapa mabubusog. Sabagay mukha namang mayaman si Ehlisse

Tapos huminto kami sa harap ng Viking OMO Andaming pagkain dito pero hindi ako malakas kumaen kaya sabi ko kay Ehlisse na dito nalang ako sa sasakyan tutal kumaen naman na ako pero ayaw niya daw kumaen mag isa

Habang kumakain ako. Yung juice na hawak ni Ehlisse natapon sa Damit at pantalon na suot ko. Kaya yung itsura ko? Mukha akong Napaihi at hindi malamang itsura

"Ay sorry" sabi ni Ehlisse

Sabi na eh! May kutob akong hindi maganda. Hindi ako makakapasok neto :( may pre-lim kami sa lahat ng subject. WHYYYYY !!!

"May damit akong dala diyan. Suotin mo nalang para makapasok kapa" sabi ulit ni Ehlisse

Halaaa! Anong damit na naman yon. Eh ang sesexy nang damit netong babaeng to eh

Bandang huli, wala rin akong nagawa kundi isuot yung damit na pinahiram niya. Gusto niyang tanggalin ko yung kwintas ko pero hindi ako pumayag siyempre. Pero siyempre mas lalong hindi siya papayag kung hindi siya mananalo diba. Kaya sa pinaka huli talo parin ako. Tinanggal ko yung kwintas ko

At pumasok na kami. Kaso nakita ako ni Troy

Nakita ako ni Troy

Nakita ako ni Troy

---------
Ano kayang reaction ni Troy?
@rlykashane follow niyo ko

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now