Chapter 21

256 4 4
                                    

FIONA POV

Pumunta ako sa admin building para hanapin kung saan room ako nabibilang, nga pala magkaibang strand kami ni Dranel STEM yung strand na kinuha niya, ABM naman yung akin. Kaya sa kabilang building siya. Lumingon ako sa likod para tignan kung sumusunod pero nadismaya lang ako dahil walang dranel na sumusunod sa likod ko. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at ilang sandali lamang ay

*bogsh*

"So-sorry po" sabi nung nakabangga sakin

Tinignan ko muna ang mga sapatos niya. Sa sapatos pa lamang niya at boses niya palang ay alam ko nang lalaki tong nakabangga sa akin. Dahan dahan kong itinaas ang ulo ko baka kasi siya yung nakabangga sa akin. Hanggang sa nakita ko na ang itsura niya na naka abang yung kamay niya na akmang tutulungan akong makatayo mula sa pagkakaupo ko dito sa sahig. Well marami nang nakatingin sa amin na estudyante kaya hindi ko na pinansin yung kamay niyang nakaabang na aabutin ko siya nang kamay ko kinuha ko na lamang ang mga libro kong nabagsak sa sahig dahil sa pagkakabunggo nang lalaking ito saakin at tuluyan na akong tumayo nag thankyou na lamang ako sa kaniya at agad agad nang umalis dahil hindi rin magandang makita nila akong nakikipag usap sa lalaki gayong alam nilang lahat na may boyfriend ako

Patuloy parin ako sa paglalakad nang makita ko na ang nakasulat na nakalagay ay Principal Office kumatok ako at agad lamang ay bumukas ang pinto bumungad sakin ang magandang itsura nang estudyante na may nakalagay sa uniform niya na President. Siya siguro ang president dito sa campus nginitian niya ako. Omaygad Ganda niyaaaa 😍

"Hmm hi i'm Charlotte Gonzales president ng university" sabi niya at inoffer niya ang kamay niya para makipag shake hands. Grabe natotomboy ako (pero siyempre joke lang) Nakipag shake hands naman ako at ngumiti sa kaniya

"How can i help you?" Tanong niya saakin

"Can i ask a question?" Nag aalangang tanong ko sa kaniya

"Sure" Nakangiting sagot niya saakin

"Where can i get my ID?" Tanong ko ulit sa kaniya

"Hm wait" sabi niya at pumunta sa table na kung saan may nakalagay na Anthony Lazaro na nakalagay ay principal ngunit wala siya

"Pwede magtanong?" Napaka chismosa mo talaga Fionaaaa -.-

"Sure. Ano iyon?" Nakangiting sabi niya nang hindi tumitingin saakin at busy sa paghahanap nang id ko sa table. Madami kasing id na nakalagay dun kaya iniisa isa niya para makita yung id ko.

"Ah eh. Haha wala wala" natawa siya sa sinabi ko. At lumapit na siya saakin dala ang id ko

"Eto na oh" Nakangiting inabot niya saakin

"Thankyou" Nginitian ko siya at akmang aalis na ako nang tawagin niya ang pangalan ko dahilan para mapahinto ako at tumingin sa kaniya nang nakangiti

"Idol kasi talaga kita eh. Hm a-ano kasi... P-pwede mag papicture?" Naiilang at nahihiyang sabi niya natawa din ako sa inasal niya

"Haha sure" sabi ko at kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at inilagay niya sa camera. Inakbayan ko siya sa picture. Mas matangkad ako sa kaniya nang konti (mga 1inch) kaya walang kahirap-hirap ko siyang inakbayan

*1 2 3 click*

Nagpasalamat siya ganun din naman ako at umalis nako. Pumunta na ako sa room kung saan nakalagay ang pangalan ko habang naglalakad ako sa hallway siyempre hinahanap nang mata ko si dranel inaasahan na baka sinusundan niya ako pero hanggang sa makarating ako sa room ko walang dranel na kumulit sa akin.

Ilang sandali lamang nang paglalakad ko ay nakarating na ako sa room kumunot yung noo ko dahil wala talaga akong nakausap na dranel. Unang araw pa lamang ay badtrip na ako. Hanggang sa dumating yung prof namin at siyempre hindi mawawala yung introduce yourself one by one at mga projects then blablabla

Tumunog ang bell hudyat na recess na pero paglabas ko nagulat ako nang makitang nasa labas si Dranel na hinihintay ako (ako nga ba?). May hawak siyang gitara. Kunyareng nilagpasan ko siya pero siyempre ang nasa isip ko eh sana pigilan niya ako (relate girls?) At ayun dininig niya ang nasa isip ko dahil hinawakan niya ang kanang braso ko at dahan dahan niya akong hinarap sa kaniya. Gusto kong kiligin pero siyempre bawal, Galit ako. Pero hindi ko talaga matago ang kilig na nararamdaman ko. Pagtingin ko sa kaniya ay tumugtug agad siya nang gitara

Alam ko, saakin ay nagtatampo ka
Ramdam ko, kitang kita sayong mga mata
Ang lungkot at ang inis
Namimiss ko na iloveyou mo

Sorry na baby ko wag ka nang magtampo
Anomang nagawa ko sana'y patawarin mo
Sorry na baby ko, huwag ka nang magtampo
Oh mahal kita
Namimiss ko na ang iloveyou mo
Baby, sorry na

Pansinin, mo ang puso kong naglalambing
Baby ko, para sa'yo lahat ay gagawin
Alam mo na mahal kita
Namimiss ko na ang iloveyou mo

Laking gulat ko sa ginawa niya pero mas lalo akong nagulat nang lumuhod siya sa harap ko, hinawakan ang magkabilang kamay ko

"Baby alam kong nagtatampo ka, Sorry" sabi niya, Napatingin ako sa paligid at halaaaa ang daming estudyanteng nakapalibot saamin at hinihintay ang sasabihin ko kay Dranel

"Okay na. Okay na. Tumayo kana diyan. Nakakahiya" Sabi ko at sinunod niya naman ang sinabi ko kaya iyon niyakap niya ako at nagulat kami parehas nang magtilian ang mga estudyante kaya napabitaw kami bigla. May kinuha siya sa bag niya square at black medyo ka size ng notebook

"Oh" sabi niya at inabot nga yung hawak niya kanina

"Ano to?" Kunyareng galit na sabi ko sa kaniya

"Libro basahin mo itetest niyo yan mamaya" Sabi niya dahilan para mawala ang kilig na nararamdaman ko at mapilitan iyon nang pagkunot sa noo ko

"Niloloko mo ba ako?" Totoong galit na ako

"Sorry na. Baby naman kasi alam mo namang chocolate iyan eh tatanong mo pa" Mukha talagang kaawa awa ang mukha niya

"Anong gagawin ko dito?" Pagsusungit ko ulit na tanong sa kaniya

"Basahin mo nga at itetest niyo iyan mamaya" KIKILIGIN BA AKO O MAPIPIKON?!

"ISA" Pasigaw kong sinabi sa kaniya pero siyempre hindi ko nilaksan dahil maraming estudyante ang nakatingin saamin pero naririnig din naman nila yung pinag uusapan namin. Mga chismosa talaga hahaha

"Sorry gift ko sa iyo" Sabi niya with puppy eyes pa. At siyempre niyakap niya ulit ako. Ang hirap magtampo kapag nakayakap na siya sa'yo. Nginitian ko nalang siya senyales na bati na kami

Sa ginawang pag sosorry ni Dranel ay talaga namang kinilig ako. Kahit sino naman talaga diba? Pangarap nang isang babae na ipagmalaki siya nang taong mahal niya. At ako? Masasabi ko nang isa ito sa mga masasayang araw ko. Kahit hindi naman pala naging maganda ang unang relasyon ko, eh may nagpaganda naman pala at nagpaalalang hindi ako malas sa pag ibig. Totoo nga ang sabi nilang kaya siguro tayo iniiwan nang taong mahal natin ay dahil may taong darating na mas better, yung hindi tayo paiiyakin pa. At ngayon alam ko na kung bakit ako iniwan ni Troy ay para dumating sa buhay ko si Dranel

Pumalakpak yung mga estudyante habang magkayakap kami ni dranel at umikot ang mga mata ko sa mga estudyanteng nakatingin saamin at dahil nga magala ang mata ko nahagip neto si Troy na nakatingin saakin at nang mahalata niyang nakatingin ako sa kaniya ay tumalikod siya at naglakad paalis.

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now