Chapter 11

414 17 2
                                    

Fiona POV

kriiiiiiing Kriiiiiiiing

Unat...

Mulat..

Pikit.

Mulat

Unat

Nang matauhan nako tinignan ko yung cellphone ko

9:00am

Tinignan ko din yung messages ko

Kung nagreply ba yung tinext ko kaso hindi nagreply

Tumayo nako. Inayos ko yung higaan ko. Tulog pa din yung baby ko (aso ko) pumunta nako sa cr para mag hilamos toothbrush at makababa na para makakain na din

Hindi pala ako nakakain kagabi natulog agad ako sa sobrang pagod

Bababa na sana ako para kumaen ng tumunog yung phone ko tanda na may nagtext sa akin.

Tinignan ko lang yung phone ko nagdadalawang isip kung kukunin ko ba o bababa na agad ako para kumaen

Kaso nakonsensya din ako baka importante yung nagtext sakin. Kaya kinuha ko yung cellphone ko at agad tinignan kung sino yung nagtext

From: 090763*****

Goodmorning :) Have a nice day! :)

Eh?

Siya ulit?

Pagtapos niya akong di replyan bigla bigla syang magtetext ngayon!

Habang bumababa ako nirereplyan ko tong nagtext na number na to

To: 090763*****

Sino ka nga kasi?

Sent

Blaaaaaag

Sumabay patong kalampahan ko psh! Ang sakit ng paa ko. Nang dahil sa mala misteryosong taong to!

Hindi na siya nakakatuwa! Nang dahil sa kaniya lumalabas yung tunay na ako. Ayyy!!

"Oh baby ayos ka lang ba?" Pag aalalang tanong ni mommy

Nakakainis kasi eh. Nako nako ang aga aga sinira niya agad yung araw ko!

"Opo mom" sabi ko nalang

Kahit yung totoo? Gustong gusto ko makilala yung nagtetext sakin tapos sasampalin ko siya sasabunutan ko siya *evil laugh*

SIYEMPRE JOKE LANG

May puso pa naman ako kahit papano. Hahahahaha!

Tuluyan nako bumaba para makakain at gutom na gutom nako :3

Nang makababa nako pumunta na ako sa kusina para kumuha ng plato at pagkain pagkatapos ay inilagay ko na ang aking pagkain sa lamesa at tuluyan ng umupo

Habang kumakaen ako ay bigla nalang nagtanong si mommy. Para sa kaalaman ng lahat nang nagbabasa. Wala si daddy dito sa bahay may inasikaso daw sabi ni mommy. Hindi ko nalang tinanong kung ano

"Anak masaya kaba sa ginagawa mo?" Nag aalalang tanong ni mommy

"Mommy kailangan ko to" sagot ko sa kaniya

Yung totoo? Hindi naman talaga ako masaya sa pag momodel ko eh. Pero kailangan kong libangin ang sarili ko para kalimutan si Troy. Para makalimutan ko ang sakit na binigay niya sa akin

"Kasi baby kapag nakikita kitang nasasaktan? Doble yung sakin na nararamdaman ko" Nang gigilid na ang luha ni mommy sa kaniyang mata

Wala na. Tumulo na yung luhang kanina pa gusto tumulo

"M-mommy sorry" naiiyak kong sambit sa kaniya

"Ssshhh baby tahan na" sabi ni mommy na ngayon ay nakayap na sa akin

"Mommy *sniff* masama ba ako?" Tanong ko sa kaniya at patuloy parin sa pag iyak

"No baby ko. Mabait ka, Maganda, Matalino. Almost perfect kana baby ko" Sabi ni mommy

Alam ko naman sa sarili ko na kaya lang sinasabi ni mommy yan eh kasi anak niya ako. Pero kung iba yung tatanungin ko magsasabi sila ng totoo

"Mommy baket hindi niya ako kayang mahalin?" Tanong ko ulit

Troy ginawa ko naman lahat diba? Minahal kita ng sobra, Sinusunod kita. Pero bakit nagmumukhang tanga parin ako? Siguro tama nga sila Masama nga ata talaga lahat ng sobra

"Baby andito naman si mommy eh. Si daddy. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo" pagpapalakas ng loob sakin ni mommy

"Mommy ang sakit sakit *sniff*" Paulit ulit na sinasabi ko yan kay mommy

Naramdaman kong umiiyak na rin si mommy. Mommy sorry :( kung sinunod ko lang sana kayo ni daddy hindi sana ako nasasaktan ng ganito

-------

Naalimpungatan ako. Nakatulog pala ulit ako sa sobrang pag iyak kanina. Tumayo ako hinahanap ko si mommy kaso wala siya. Pumunta akong kusina para kumuha ng tubig. Parang iba yung pakiramdam ko ngayon. Parang gumaan. Parang nabunutan ako ng tinik sa katawan.

Nang makakuha na ako ng tubig umupo ulit ako sa sofa at binuksan ang t.v manunuod nalang ako. Walang magawa eh

Pagkabukas ko ng t.v bumungad sakin ang magandang mukha ni Sarah. Naalala ko dati eto yung lagi naming pinapanuod ni Troy. May dala siyang Popcorn habang nanunuod kami dito sa bahay tapos magtatawanan. Parehas pa kaming magagalit kapag pinapaiyak si Sarah. Sigh

Hindi naba talaga mababalik yung nakaraan?

Namimiss ko na si Troy

Namimiss ko na yung lalaking minahal ko ng sobra

Nagulat ako ng biglang tumulo yung luha ko. Hindi ko alam pero napahikbi nalang. Mag uumpisa na naman ba akong umiyak? Lagi nalang ba akong iiyak? Lagi nalang ba akong masasaktan? Wala na ba talaga akong karapatan sumaya? Ganon ba ako kasama? Ang sakit.

Buong buhay ko naging mabuting anak naman ako ha? Sinusunod ko naman sila mommy. Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para pasayahin sila pero bakit ganito? Ang sakit ng bumalik sakin? Ang sakit sakit

Hindi ko alam kung bakit pero naligo ako, nag bihis ng pang alis at nag ayos. Bumaba ako. Kinuha ko yung kandado sa lamesa at inilock yung pinto. Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko. Basta ang alam ko gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang tanungin kung Bakit.

Pumunta ako sa garahe para kunin yung sasakyan ko. May sarili akong sasakyan pero di ko ginagamit pang pasok dahil walking distance lang ang school namin sa bahay namin. Nang makasakay nako ay bumuntong hininga muna ako bago tuluyan na magdrive. After 20 minutes ay nakarating na ako sa pupuntahan ko. Nagdoorbell ako at agad naman siyang lumabas.

"Can we talk?" I asked to him

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now