Check Up

200 49 0
                                    

She let me feed her, at agad na nagkakulay ang muka niya.

"You should eat. Kailangan mo yan."

"Wala kong panlasa kuya."

"Kailangan mo yan Rae. Wag kang pasaway."

Around 4pm, dumating si Jace kasama si Ate Leonora. Pumasok si Eren kasama ang bata sa kwarto ni Rae.

"Mommy?" Tumangkad ng konti si Jace since last na magkita kami 2 weeks ago.

"Tito, sad pa din si mommy." Lumapit sa'kin si Jace at naluluha ito. Kinarga ko agad siya.

"Mommy?" Ayaw siyang tignan ni Rae.

"Rae."

Pumikit si Rae. Tahimik naman si Eren sa may pinto.

"Di na ko love ni mommy." Umiiyak na si Jace. Maski ang batang 'to, nararamdaman na niya ang problema ng mga magulang niya.

"Rae!" Tumataas na ang boses ko. She keeps on ignoring her son.

Umiling lang siya at umiiyak.

"Damn it Andrea!!!! Look at your son!!!!" Sigaw ko.

"Erwin." Pagpigil sa'kin ni Eren. He's behind me. Patuloy naman ang iyak ni Jace.

Ipinasa ko kay Eren si Jace at nilapitan ko si Rae. "Ano ba Rae? Will you at least look at your son? Napapabayaan mo na siya! Wag kang makasarili. Kailangan ka rin niya! Ano ka ba!"

"Kuya! I can see Levi in him. Nasasaktan ako." Paghagulgol niya.

"Akala ko ba mahal mo si Levi? Akala ko ba mahal mo si Jace? Will you at least take care of him? Hindi ka ba naawa sa anak mo? Halos manlimos na siya sa'yo ng atensyon."

Umiling lang siya.

"Alam kong natatakot ka. Pero hindi mo kailangang iparamdam kay Jace na ayaw mo sa kanya dahil lang sa ayaw mong makita si Levi. Gusto mo bang masira ng tuluyan tong pamilya mo? You should fight Rae! Ikaw ang asawa! And we still haven't confirmed kung si Levi ba talaga ang ama ng dinadala ni Sarah. Magpakatatag ka naman Andrea. Nandito pa naman kami eh. Jace needs you."

Patuloy lang siya sa pag-iyak, but unti-unti niyang binuksan ang kanyang mata at tinignan niya sa Jace. Iyak ng iyak 'to habang karga ni Eren.

"Jace." Rae whispered.

"Mommy!" Nagpumilit siyang bumaba kay Eren at tumakbo palapit kay Rae.

Tinulungan kong sumampa ng kama ang bata at yumakap agad kay Rae.

"Mommy, love mo Jace di ba? Love mo Jace?" Pag-iyak ng bata.

"Yes baby. Love ka ni mommy. Sorry Jace." Yakap-yakap niya ang kanyang anak.

Since that moment, hindi niya mabitawan ang anak niya. Nakakangiti na si Rae unlike ng mga nakaraang araw according to Eren.

Sa kwarto na kami ni Rae kumain. Inilabas lang ni Eren ang lamesa mula sa kwarto ni Levi at dun na sinet-up ang mga pagkain.

Half-way through our dinner, dahil bukas ang pinto ng kwarto ni Rae, nakita naming dumaan si Levi. Bunalik ito at tumayo lang sa labas.

Natigilan si Rae. Si Jace naman, tumakbo papunta sa ama niya.

"Kumain ka na ba Levi?" Tanong ni Eren.

"Tapos na kuya." Tipid na sagot ni Levi. Karga niya si Jace at nakayakap ito sa kanya.

Hindi tumitingin si Rae sa kanya pero hindi naman matanggal ang tingin ni Levi sa kanyang asawa. You can see the longing in his gaze.

"Levi." Pagtawag ko sa kanya.

Always (A LeviHan Fan Fiction - Selfish Heart Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon