The Result

246 44 2
                                    

It's like I've seen her for the first time when we made love kagabi. Everything's perfect.

I made her breakfast katulong si Jace. Siya ang naghalo ng pancake mix. Habang ako naman ang nagluto.

"Nak, tulak mo yung pinto. Tas akyat ka sa tabi ni mommy. Gisingin mo siya. Kiss mo si mommy."

Ngumiti si Jace at sinunod ako. Pumasok na kami sa kwarto, dala ko ang breakfast niya sa tray.

"Mommy. Gising ka na. May surprise kami ni daddy!"

She stirred at bumukas ang mata niya, still adjusting. "Ano yan nak?"

"Pancake, egg, milk para kay Raelie."

She smiled. Ibinaba ko muna sa desk ko ang tray at tinulungan ko siyang umupo. Niyakap agad siya ni Jace. "Goodmorning mommy. Nagluto kami ni daddy." He smiled as he cling in her mother's shoulder.

"Wow naman nak. Ikaw gumawa?"

"Opo. Ako naghalo. Ayaw ni daddy ako magluto, mapaso daw ako."

"Oo nak. Delikado ha. Basta pag gusto mong kumain, sasabihin mo. Para hindi ka madisgrasya ha."

"Opo daddy."

Inilapag ko na sa harap niya ang tray at kinuha niya agad ang gatas at uminom. "Thanks baby."

I kissed her in her forehead. "Ikaw pa."

"Levi, dalaw tayo kila mommy mo. Napanaginipan ko siya kagabi. I don't know if it's a dream, but she seems so real. Wag ka na daw malungkot. Nandito lang kami."

I smiled. Si mommy talaga. "Ba't hindi siya nagpaparamdam sa'kin?"

"Ako na kasing paborito niya eh." Pagtawa niya.

Kinurot ko siya sa ilong pero natawa lang siya. "Ok. Sige, sige. Aalis tayo."

"Punta tayo Cap'tins?" Tanong ni Jace.

"Punta muna tayo kay lola tapos sa Captains ha?" Sabi ko.

"Sa guardian angel ko? Makikita ko ulit siya?"

"Yes anak." Sagot ni Jace.

Ako na ang nag-asikaso kay Jace pagkatapos naming kumain ng almusal. Rae packed Jace's things. Ng makatapos na kaming mag-ayos, nagpaalam na kmi kay Ate Leonora na hinintay lang naming dumating.

Sumakay na kami sa kotse ko, sa back seat sila. I drive carefully papuntang sementeryo. Nagsindi agad kami ng kandila at nagdasal para sa mga parents ko.

"Daddy, kamuka mo si lola. Kamuka ko din siya?" Eto talaga, ang daming tanong.

"Opo nak. Magkamuka tayo." Pag ngiti ko.

"Eh sino kamuka ni mommy? Kamuka niya si Raelie?"

"Oo sigurado yun nak, kamuka ni mommy si Raelie. Di ba mommy?"

"Oo nak." Pagtawa ni Rae. Nabigla siya. "Sumipa si Raelie." Natawa siya. "She agreed! Magkamuka kami!"

Walang takot na humawak si Jace sa tsan ni Rae. "Naglalaro siya daddy." Nanlaki mata niya. "Sipa ni Raelie ako? Raelie, si kuya 'to. Labas ka na. Para play na tayo ng toys ko. Tapos, punta tayo kila Ate Clary, tapos swimming tayo kila Tito pogi. Ha? Labas ka na? Raelie?"

Nagtinginan kami ni Rae at nakangiti siya.

"I love you Raelie. Laro na tayo Raelie." Nakangiti si Jace habang hinihimas niya ang tsan ni Rae.

"You heard your son? San niya narinig yan?" Pagtataka ni Rae.

"I don't know. Maybe sa'yo." Pag ngiti ko.

Always (A LeviHan Fan Fiction - Selfish Heart Book 2)Where stories live. Discover now