Tonight

195 44 1
                                    

Matapos ang madramang tagpo ng tropa sa kusina, masaya kaming nagsalo-salo sa garden namin. Nagset-up sila Jamie ng lamesa at mga ilaw para dun kami tumambay. May nakaabang na rin na 2 case ng beer para sa bonding namin after dinner.

"Buti naman nakarating ka Greg." Sabi ni Rae. We're having dinner at kumpleto kami, dumating na rin si Leah at sila Kuya.

"Oo nga eh. Matagal na rin akong niyayaya nila Jamie dito kaso busy ako sa trabaho."

"San ka ba ngayon?" Tanong ni Leah.

"Dealer ako sa casino. Hirap lang ng off, walang fix sched. Buti nalang at natext ako agad nila Jamie ngayon, sakto off ako." Pag ngiti niya.

Pakiramdam ko, balik na sa dati ang lahat. Ang sarap sa tenga ang marinig ulit ang paghalakhak ni Rae sa mga biro ni Danny.

"Daddy, penge juice." Si Jace.

Inabot ko sa kanya ang plastic cup na nasa kalahati lang ang laman. Ayaw niya kasing magpatulong uminom. "Dahan-dahan Jace at baka matapunan ka."

Tumango lang siya at uminom. Nagulat siya ng tumawa ng malakas sina Danny at nabuhos sa muka niya ang juice. Akala ko iiyak siya. Tinawanan namin si Jace at pati siya natawa na rin sa nangyari sa kanya.

"Ligo Jace!" Pagtawa niya.

"Lika nga nak. Palit tayong damit." Hinawakan ko siya at patalon siyang bumaba sa upuan.

"Wait lang ninang ha. Bihis lang ako."

"Sige Jace. Tas laro tayo pagtapos ha." Sabi ni Leah na natatawa.

Naiwan silang kumakain habang ipinasok ko na si Jace sa loob ng kwarto namin at sa CR. Hinubaran ko siya at isinampa sa tub.

"Daddy, hindi na tayo dun kay tito pogi?"

"Di na Jace. Dito na tayo sa bahay." Binuksan ko ang tubig at sinet ko sa maligamgam ang heater.

"Bati na kayo ni mommy?"

Nagulat ako sa kanya. "Bati naman kami ni mommy eh. Bakit nak?"

"Kasi, di ka namin kasama kay Tito Pogi na house. Tapos laging umiiyak si mommy. Baka away mo kasi siya eh." Binasa ko na siya.

"Nak. Hindi ko inaaway si mommy. Di ba, sabi ko sa'yo love ko kayo ni mommy?" Sinasabunan ko na ang katawan niya.

"Opo. Eh bakit inaaway siya nung witch? Tapos away din niya ko? Bad ba ko daddy?"

"Hindi bad si Jace. Good boy nga ikaw eh, kasi pinrotect mo si mommy pati si baby Raelie. Di ba? Promise mo yun sa'kin na pag wala si daddy, ikaw magprotect sa kanila?"

Tumango siya. Never naming binaby talk si Jace kaya diretso siyang magsalita. Isa pa, puro educational shows ang pinapapanood ni Rae sa kanya kaya medyo mature siya mag-isip.

"Daddy?"

"Yes anak?"

"Di na tayo aalis dito sa house ha?"

"Oo naman nak. House natin to kaya dito lang tayo."

"Miss ko na kasi toys ko eh. Konti lang toys ko kay Tito Pogi. Tsaka, yoko dun. Mataas yung stairs. Yoko malaglag dun."

Natawa ako sa kanya. "Ikaw talaga nak. Siyempre, wag kang aakyat mag-isa dun. Kasi malalaglag ka talaga. O pikit ka na muna, sabunin natin muka mo."

Pagkatapos kong paliguan at bihisan si Jace, bumalik na ulit kami sa garden at tapos na silang kumain, habang ipinapasok naman nila Greg ang mga pinagkainan.

"Lika Jace, di pa tapos kumain si daddy." Sabi ni Rae.

"Kain ka na daddy."

Tumango ako at bumalik ako sa pagkain ko. Nagkukuwentuhan sila kuya sa kabilang dulo ng lamesa. Sina Rae at Leah naman ganun din. Nag-iingay naman sa loob ng bahay ang tropa kasama sina Gio at Greg.

Always (A LeviHan Fan Fiction - Selfish Heart Book 2)Where stories live. Discover now