Prison

199 45 0
                                    

"Pre, text niyo ko pag papunta na kayo ha. Kakatapos lang ng shift ko."

"Sige Gio, nandito pa kami sa Captain's."

"Salamat."

Nagkakape muna kami ni Samuel and we were expecting na baka nandito rin si Levi. Balita ko kasi hindi siya natuloy sa Boracay. Every Friday kasi pumupunta yun dito to check on the cafe. Pero mukang wala siya.

Sa totoo lang, namimiss ko na ang kaibigan ko. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagbobonding kasama ang tropa. Well, naintindihan ko naman, may pamilya na siya at dedicated siya kila Rae.

"Puntahan kaya natin si Levi mamaya Jamie?" Suggest ni Samuel na kumakain ng pancake.

"Uhm. Sige. Tawagan ko lang."

Binunot ko ulit ang phone ko at dinial ang number ni Levi.

"Helu?"

"Jace? Si Ninong Jamie to."

"Ninong? Tulog daddy." Ang bata talagang 'to! Ang cute-cute. Napangiti ako.

"Sino yan nak?" I heard Rae in the background. Magkakasama sila?

"Ninong Mie-mie."

"Kin na nak."

Inabot ni Jace ang phone at narinig ko pang bumagsak ito kung saan.

"Sorry Jamie, tulog pa si Levi."

"Ayos na kayo?"

She chuckled. "I guess. Oo naman Jamie."

Natawa ako. "Buti naman Rae. Uhm. Ayos lang ba kung puntahan namin kayo ni Levi?"

"Oo naman. Dun nalang sa bahay. Uhm. Anong gusto niyong kainin?" Tanong niya.

"Wag ka ng mag-abala. Tropa ng bahala."

"Sige. Sabihin ko nalang kay Levi paggising. Salamat!"

"Ok. Sige. Bye." I ended the call. "Sa bahay daw mamaya."

"Makakalaro nanaman natin si Jace! Ang cute talaga ng batang yun."

"Oo nga eh. Mana ang kalokohan sa ama." I smiled.

"Oo nga. Nako, paglaki nun maraming mapapaiyak na babae yun. Sigurado."

"Hahaha. Gago ka talaga. Bilisan mo at anong oras na o."

"Ok. Ok."

10 a.m. ang start ng visiting hours kila Miguel. We just want to clarify things with him about Sarah. Kahit papano naman, may pinagsamahan ang dalawa.

Sa kulungan na kami nagkita nila Gio. Dumaan kami sa security checks at hinihintay nalang namin na ilabas si Miguel.

He still looks the same but with piercing na siya sa tenga. Naging buff ang katawan niya but there's this distant look in his eyes. He is wearing an orange top and a faded blue jeans and slippers. Nakaposas din ang mga kamay niya.

"Why are you here?" Tanong niya agad sa'min pagdala sa kanya ng Jail guard.

"May itatanong lang kami." Sagot ni Gio.

"Dinalhan ka namin ng lunch. Kain ka muna." Inabot ni Samuel ang pinatake out naming pagkain galing sa Captain's.

Umupo siya sa harap naming upuan at tinignan niya ang dala naming pagkain.

"Kamusta na nga pala kayo?" He asked habang inilalabas niya ang styro from the plastic.

"Kaya mo bang kumain kahit nakaposas ka?" Tanong ni Samuel.

Always (A LeviHan Fan Fiction - Selfish Heart Book 2)Where stories live. Discover now