035

946 47 39
                                    

Jisoo's
☆☆☆

"Nak, mag bihis ka. Aalis tayo." bungad na pagkasabi sakin ni eomma.

"Saan po tayo pupunta eomma? Si Jiseok, naka bihis na po ba?" tanong ko, habang nag lalakad patungo sa cabinet.

"Sa sementeryo 'nak. Naka bihis na si Jiseok kanina pa."

"Ah... Eomma, daan muna tayo sa mall. Bibili lang ako ng laruan."

"Laruan? Mamaya na lang pagkagaling natin sa sementeryo 'nak."

"Eomma, ibibigay ko yung laruan sa anak ko."

"Sige sige. Ikaw talagang bata ka. Pwede naman bulaklak na lang at dasal ang ibigay." naka ngiting sabi ni eomma.

Nag bihis na ako ng simpleng white tee at jeans. Mamaya na'ko mag sasapatos pag nasa kotse na.

" 'Nak bilisan mo naman. Mag tatampo si seojio sa'yo, atsaka, na iinip na din si Jiseok. Gusto niya na bisitahin ka kambal niya."

"Eto na po."

--×---

Agad namang tumakbo si Jiseok pagkalabas na pagka labas niya ng kotse. Ang bilis lang talaga tumakbo ng anak ko.

Sinundan ko lang siya, bitbit ko yung laruang binili ko para kay Seojio at yung bulaklak.

Pero napa tigil ako sa pag lalakad ng mapansing may lalaking nag lagay ng laruan at bulaklak sa puntod ng anak ko.

Lalapit na sana ako para makita kung sino siya pero tinawag ako ni Jiseok, "Jisoo!"

"Bakit?" tanong ko sa'kanya.

"Saglit lang. Napagod ako." sabi niya.

"Sige." agad ko ding binalik yung tingin dun sa lalaki, pero wala na siya dun.

Nagitla na lang ako ng may biglang humawak sa kamay ko, "Eomma." sabi ni Jiseok at hinila na ako, kung saan ang puntod ng kapatid niya.

"SeoJio, Ako 'to si Jiseok. Yung dongsaeng mo." sabi ni Jiseok at hinawakan yung lapida ng kapatid niya.

"May binili kami nila Eomma para sa'yo." sabi niya sabay kuha ng laruan at bulaklak sa kamay ko.

"Eto oh, Bulaklak at laruan." sabi niya sabay lapag ng bulaklak at laruan sa lapida.

"Pero bakit may bulaklak at laruan ka dito? Ngayon ka pa lang naman namin binisita ah."

"Jiseok, apo. Di sasagot si Seojio."

"Alam ko po 'yun. Pero kasi po, taon-taon talaga ganyan na lang na aabutan natin. May laruan, bulaklak at kandila na ka agad si hyung."

"Hayaan mo na yan apo. Baka yung appa niyo lang ni Seojio ang nag bibigay ng mga 'yan."

"Si appa? Bakit di nag papakita sa'kin si appa?" sunod sunod na tanong ni Jiseok.

"Dami mong tanong apo. Basta, sa susunod na lang sasabihin sa'yo ni lola, 'kay?"

Tumango na lang yung anak ko, at nag simula ng mag kwento kay Seojio.

Nag sindi naman ako ng kandila, at nag alay ng dasal. Hinawakan ko yung lapida ng anak ko.

SeoJio Lee.

Admirer | seoksooWhere stories live. Discover now