067

780 35 2
                                    

Seokmin's
☆☆☆

Kabado akong nag lalakad papunta sa room kung saan andun si Soonyoung hyung at si Jihoon hyung.

Alam kung sa pag punta at pag papakita ko kay Jihoon hyung, di lang gitara ang ihahampas niya sa'kin.

"Kaya mo 'to Seoks!" pag cheer ko sa sarili ko, bago buksan yung pinto.

Nagulat ako sa nakita ko, yung masayahing si Soonyoung hyung, naka higa, maraming nakakabit sa kanya, at may pasa ang mukha.

Samantalang si Jihoon hyung, mahimbing na natutulog sa upuan malapit sa higaan ni Soonyoung hyung.

Dahan dahan kung nilapag yung prutas na dala ko sa lamesa. Ayokong magising si Jihoon hyung, ayokong makita niya ko, baka kasi ma stress siya dahil sa'kin, masama 'yun sa batang dinadala niya.

"Soons, gagantihan ko si Yuju. Nag hahanap lang ako ng tiyempo. 'Wag masyadong matulog oy! Si Jihoon hyung, bawal siyang mapagod at ma stress, nakakasama sa baby at baka pumanget baby niyo, maging ka mukha mo. Jusko, wag naman sana."

"Alam mo ba hyung, alam na lahat ni Jisoo. Ayaw niya na daw akong makita, sayang hyung, di man lang ako nag pakilala sa anak ko na ako tatay niya. Nakita ko na siya e, kumain pa nga kami ng ice cream e. Na pag kamalan ko pa nga siyang anak ng kapatid ni babes."

"Ay hyung, kambal pala naging anak namin ni Jisoo, si Seojio kasama na siya ni Dokyeom, ay kung mag kasama nga? Mabait anak ko, si Dokyeom, hindi. Hahahahaha, tapos yung isa ko pang anak si Jiseok? Ang cute, Jisoo mini version siya!" pag ku-kwento ko kay Soonyoung hyung.

"Tapos hyu―" mag ku-kwento pa sana ako kaso, gumalaw si Jihoon hyung, Kaya agad kung tinikom bibig ko.

Good thing, nag change lang ng pwesto si Jihoon hyung at pinag patuloy niya yung pag tutulog niya.

"Soonyoung hyung, bibisitahin ulit kita! Basta ba pag may pag kakataon. Sige hyung, una na 'ko, mamaya kasi magising pa si Jihoon hyung. Mag karoon pa ng war dito sa room mo, pagaling ka bye!" sabi ko sabay labas ng pinto.

Nag lalakad na ko palabas ng ospital ng may naka bungguan ako,

"Sorry," sabi ko.

Di niya ko pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad, Mag lalakad na ulit sana ako ng may nakita akong papel sa lapag at naka sulat dun ang pangalan ko.

Dali dali ko naman yung binuksan, kinakabahan ako kung ano yung laman dun.


"Seokmin, ako 'to. Di ko na sasabihin pangalan ko, alam mo naman hand writting ko.

Mag ingat ka, 'wag kang basta basta mag tiwala sa paligid mo.

Ngayon pa lang, humi-hingi na 'ko ng tawad, Kinampihan ko si Yuju.

Kinampihan ko si Yuju hindi dahil galit ako sa inyo ni jisoo or something... Kinampihan ko siya para protektahan ka'yo. Gusto kong malaman lahat ng galaw at plina-plano niya.

Yung kapatid ni Jeonghan, kasama din namin siya ni Yuju. Labag sa loob niyang pumanig kay Yuju, pero kelangan para lang protektahan yung sarili niya pati si Jisoo, alam mo namang mahal na mahal niya si Jisoo.

Hindi lang si Soonyoung ang na sa critical ngayon, yung 'bestfriend' ng kapatid ni Jeonghan, critical din ngayon ang kondisyon niya. Hindi kasi siya pumayag na maki pag sabwatan kay Yuju.

Na ba-baliw na talaga si Yuju, Seokmin, Kaya mag iingat ka, kung pu-pwede lang sana, bantayan mo ng maigi ang anak niyo ni Jisoo. Siya na kasi ang next target ni Yuju.

I'm risking my own life, para sa inyo ni Jisoo. Alam kung alam mo na once na malaman ni Yuju na nag tra-traydor ako sa kanya, ipa-patay niya ko."



Nalukot ko yung papel, dahil sa inis. Pero, medyo gumaan yung loob ko dahil kahit papaano, may taong nag mamalasakit sa'kin-samin.

Admirer | seoksooOn viuen les histories. Descobreix ara