076

790 40 7
                                    

Author's
☆☆☆

"Seokmin," tawag ni Jisoo kay Seokmin.

"Bakit?"

"Akin na si Jiseok, mabigat ang batang 'yan."

"Okay lang babes,"

"Sinusulit ko na 'tong oras at moment na 'to, Baka kasi di na ma-ulit pa." napa isip naman agad si Jisoo, 'bakit, may masama bang mangyayari?'

"Ang ibig kong sabihin babes, baka di na ma-ulit 'to kasi pag babawalan mo ng makasama ko si Jiseok kasi nga galit ka sa'kin." pag papaliwanag ni Seokmin.

"Ah."

"Babes, sorry sa na gawa 'ko. Ginawa ko 'yun kasi ayon yung mag papasaya sa'yo, tho alam ko naman ang magiging resulta nun. So sorry kung na pag laruan feelings mo."

"Wag kang maingay Lee Seokmin, Mamaya magising ang anak ko." masungit na pagka sabi ni Jisoo.

"Anak natin." pag tatama ni Seokmin.

"Nga pala, bakit Jiseok ang pangalan ni Jiseok?"

"Sabi ni Eomma, ako daw yung nag bigay nung pangalan ni Jiseok, pinag sama ko daw yung pangalan ko at pangalㅡ"

"Pangalan 'ko." pag continue ni Seokmin sa sasabihin ni Jisoo.

"So 'yun, Jiseok naging pangalan niya. Si Eomma nag lagay sa birth certificate ni Jiseok na Lee ang apelyido niya."

"Ah."

Silence

"Seokmin, gabi na at malamok dito sa park. Ayokong makagat ng lamok si Jiseok, akin na siya. Uuwi na kami."

"Hatid ko na kayo." sabi ni Seokmin at agad na tumayo karga karga si Jiseok.

"Ha? Sige."

"Jisoo, anong paboritong pag kain ni Jiseok? Kulay? Ahm, laruan? Ano din yung wish niya ngayong pasko? Malapit na pasko eh."

"Samgyeopsal. Black. Mga kotse at robots," sabi ni Jisoo habang nakatingin kay Seokmin, na nakatingin lang sa dinadaanan nila.

"Same wish lang every year,"

"Ano naman 'yun?" tanong ni Seokmin.

"Mag pakita sa kanya appa niya." pagka sabi nun ni Jisoo, natigilan sa pag lalakad si Seokmin.

"Natupad na wish niya, pero bawal akong mag pakilala sa kanya bilang appa niya, tama ba?"

"Oo, pero sooner or later, hahayaan na kitang mag pakilala kay Jiseok bilang appa niya. Ilang taon din namang nag hanap ng tatay 'yang si Jiseok."

"Salamat babes."

"Pano ba 'yan Seok, andito na tayo. Akin na si Jiseok." sabi ni Jisoo kay Seokmin.

Ingat na ingat namang pinasa ni Seokmin si Jiseok kay Jisoo.

"Bye anak," sabi ni Seokmin at agad na kiniss sa pisngi si Jiseok na mahimbing na natutulog.

"Bye babes." sabi ni seokmin at dali daling nag nakaw ng halik kay Jisoo.

Napatango na lang si Jisoo.

"Nag enjoy ako ngayong araw babes! Salamat! Grabe pala energy ng anak natin. Sana ma-ulit 'to,"

"Good night and sweet dreams sa inyo babes." sabi ni Seokmin at agad na umalis.

Salamat din seoks, 'wag kang mag alala, ma-uulit din 'to. Siguro?

Admirer | seoksooWhere stories live. Discover now