068

783 37 8
                                    


Author's
☆☆☆

Nakamasid si Seokmin sa labas ng bahay ng mga Hong, na para bang kawatan na gustong pasukin 'yon.

Pero siyempre biro lang 'yun. Ilang araw na ding ganito ang ginagawa ni Seokmin, sini-sigurado niyang safe sila Jisoo. Siyempre, di niya hinahayaang makita siya neto.

"Eomma!" na rinig niyang sigaw ng anak niya na papalabas ng gate ng bahay nila.

"Saglit lang anak." sagot ni Jisoo.

"Ang kupad naman!" napatawa na lang si Seokmin sa sinabi ng anak niya.

"Eto na oh." sabi ni Jisoo, at agad na binuhat si Jiseok.

Agad namang kinuha ni Seokmin ang cellphone niya at pinicturan ang mag ina niya. Tinignan niya ang kuha niya, napa ngiti na lang ng malawak si Seokmin.

"Tama sila, mini version nga ni Jisoo si Jiseok,"

"Ako at si Seojio na lang kulang sa picture na 'to." sabi ni Seokmin, agad namang lumakas yung hangin.

"Hehehehe nak, um-agree ka din? Tinakot mo ko ah." sabi ni Seokmin, sabay agad na tinuon ang pansin sa mag ina niyang ngayon ay pasakay na ng kotse.

Agad din naman siyang sumakay sa kotse niya at sinundan ang mag ina niya.

"Teka, pamilyar 'tong dinadaan na 'to ah." sabi ni Seokmin sa sarili.

"Sabi na eh! Buti na lang may dala akong bulaklak at kandila." well, sa sementeryo lang pala ang punta ni Jisoo at ni Jiseok.



[☆☆☆]

"Hyung! Alam mo ba, may nakilala na kong kaibigan ni Eomma! Si Tito Seungcheol!" masayang pag ku-kwento ni Jiseok kay Seojio.

"Ewan ko ba dito kay Eomma, di niya ko pinapakilala sa iba niya pang friends. Kinakahiya niya ata ako e."

Agad namang napatingin si Jisoo sa anak, at kinabahala yung sinabi ni Jiseok.

"Nak, hindi. Wala lang talagang right time, para mapa kilala kita sa kanila. Di bale, sa susunod, ipapakilala na kita." sabi ni Jisoo, at agad na hinalikan ang noo ng anak.

"Hyung! Na rinig mo yun diba?! Ikaw naka witness nun. Pag di tinupad ni Eomma yung sinabi niya, mag paramdam ka sa kanya ha?" na tawa na lang si Jisoo dahil sa ka cute-an ng anak.

Sa di kalayuan, andun si Seokmin, pinag mamasdan sila Jisoo, at in the same time, kinukuhaan niya din 'to ng mga litrato.

"Buti pa si Seungcheol, pinakilala ni Jisoo kay Jiseok. Samantalang ako itong tatay ng anak niya hindi."

Binalik na lang ulit ni Seokmin ang pansin sa mag ina niya, pero wala na sila dun. Agad namang kinabahan si Seokmin, at nag panic. Pero natigilan siya ng marinig ang maliit na boses sa likod niya.

"Siya Eomma! Siya yung sinasabi ko sa'yo nung na sa kotse pa tayo," turo ni Jiseok kay Seokmin.

"Siya yung tumulong sa'kin eomma nung na wawala ako sa park."

"At siya din yung lalaking, ilang araw ng nasa labas ng bahay!"

"Hoy ikaw! Sinusundan mo ba kami?" tanong ni Jiseok sa appa niya.

"Jiseok, halika na. Ano bang sabi ko sa'yo?" singit ni Jisoo

"Don't stalk to strangers. Because, stranger, danger."

"Good. Now, let's go." sabi ni Jisoo, sabay hawak ng kamay ni Jiseok.

"Saglit lang Jisoo," sabi ni Seokmin

"Sampung segundo lang." napa tango na lang si Jisoo, nakaka awa daw kasing tignan si Seokmin.

Agad na niyakap ni Seokmin ang anak at agad na hinalikan ito sa magka bilaang pisngi.

"Mahal kita, Mahal na mahal." sabi ni Seokmin.

Nag tataka si Jiseok kung anong nangyayari pero pinag kibit balikat niya na lang eto, at agad na nag pakarga, kay Jisoo.

"Eomma, uwi na tayo." sabi ng bata at hiwakan yung mag kabilaang pisngi ni Jisoo.

"Sige anak." sagot ni Jisoo.








Admirer | seoksooOù les histoires vivent. Découvrez maintenant