Special Chapter

722 17 4
                                    


Admirer's Special Chapter: 'Parenting 101'


○○○

THIRD PERSON's

"Miso, roll" utos ni seokmin sa anak na dalawang taong gulang pa lamang.


Agad na gumulong si Miso, at tumakbo palapit ulit sa ama niyang abnormal.


Si Jiseok na nakita ang lahat na nangyari ay dali daling, tumakbo sa kusina para i-sumbong si Seokmin kay jisoo,



"Eomma, si Appa, naluwagan na naman po ata ng turnilyo sa utak, ginagawa niya na namang aso si Miso." nag pintig naman ang tainga ni Jisoo dahil sa sumbong ng kanyang anak



Inilapag nya ang platong hawak, at agad na pumunta sa sala, kung saan nakita niyang pinag tritripan ng magaling niyang asawa ang prinsesa nila.


"LEE SEOKMIN!" sigaw ni Jisoo. Bakas sa mukha niya ang pagka inis, at halos umusok na ang ilong nito.


Kinuha nya sa bisig ni Seokmin ang nanginig sa gulat dahil sa kanyang pag sigaw na si Miso

"Jiseok! Halika dito! Kargahin mo tong kapatid mo." utos ni Jisoo. Agad na sumulpot sa harapan nya si Jiseok, nakinuha ka agad si Miso at umalis para mag tungo sa garden.



"Ikaw, Lee Seokmin, Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi laruan o hayop yung anak natin ha?" panenermon nito at piningot ang tainga ni Seokmin


"Hindi ka ba nakikinig sakin o sadyang di ka nag lilinis ng tainga mo kaya hindi mo marinig mga sinasabi ko sayo?" gigil na sambit nito


"A-aray! B-babes! Ang sakit" napapa ngiwi na lang si Seokmin dahil sa sakit




"Kung gusto mong magka aso, bumili ka na lang. Hindi yung ginagawa mong aso yung anak ko!" binitiwan ni Jisoo yung tainga ni Seokmin. Halos mangiyak-ngiyak na tumingin si Seokmin sa kanyang asawa





"Sorry na babes! Ito na yung huli promise! Huhuhuhu"



"Anak mo? Oy! Anak ko din si Miso!" pag rereklamo ni Seokmin



Inirapan at iniwan lang siya ni Jisoo. Nag tungo ito papunta sa garden kung na saan ang kanilang anak






"Tulog na Miso-ah, pagod na si oppa." narinig niyang sambit ni Jiseok na karga karga si Miso



"Pawis na pawis ka na," sambit nito matapos niyang kapain ang likod ng kanyang kapatid

"Papasok na tayo sa loob ha?" pinunasan niya ang pawis sa noo ng kanyang kapatid, at inayos niya ang nagulong bangs nito.


"Mahal ka ni oppa" sabi nito at hinalikan sa noo si Miso.




Nanlambot naman si Jisoo sa kanyang nakita. Big boy na talaga ang anak ko



Nilapitan niya yung dalawa, "Tara na sa loob?" pag yaya niya.



Pagka pasok nila sa loob, sinalubong sila ni Seokmin ng yakap.




"Ang babaho niyo, hehehe" komento nito. Sinamaan siya ng tingin ng kanyang pamilya, kaya napalunok sya.




"Anuba! Di ko naman kayo mabiro! Ang babango niyo!" naka ngiting sambit nito pero di pa din nag babago ang reaksyon ng kanyang asawa at anak



Shit! Nakaka takot! Tatlong Jisoo yung masama kung tumingin sakin.



Agad niyang kinuha si Miso para punasan ito, lagyan ng baby powder at para mapalitan din ng diaper at damit. Pumwesto siya sa sofa.



"Jiseok! Lapit ka kay Appa," pag tawag niya sa kanyang panganay


"Bakit po?" tanong nito ng makalapit ito sa kanyang ama


Hinila ni Seokmin si Jiseok para maka kandong ito sa kanya. "Labyu nak" sabi nito at hinalikan ang pisngi ni Jiseok



Pinunasan niya ng maigi si Jiseok na basa ng pawis. Pinulbuhan niya ito at pinalitan ng damit.



Nakangiting pinapanood ni Jisoo, ang nangyayare sa harapan niya, kinuha niya ang kanyang phone at pinicturan ang kanyang mag ama. Di niya maalis ang tingin sa litratong kanyang kinuha



"Babes?" pag tawag ni Seokmin sa kanyang pansin


"Hmm?"



"Amoy may na susunog" agad na sinilid ni Jisoo ang kanyang phone sa bulsa ng kanyang shorts at tumakbo sa kusina



Shit




HAPPY ANNIVERSARY!!!!










Admirer | seoksooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon