Chapter 1

1.2K 17 1
                                    

   Chapter 1


-Charlie's Point of View-



"Good morning tita!" Bati ko kay tita Kendi. Ang mommy ni Andy. 



"Ang aga mo hijo, tulog pa si andy," Napapailing na sabi ng mommy ni Andy habang naghahanda ng umagahan, natawa na lamang ako.


'Kahit kailan talaga ay laging puyat ang babaeng yon.'


"Parang hindi naman na po kayo nasanay," Biro ko pa.


"Hay jusko, ang batang iyan anong oras na natutulog. Kung hindi ko pa papasukin ay hindi papaawat. Alam naman nyang may pasok, pero ayon sige parin." Maganda si tita Kendi kung tutuusin kahit may edad na ito ay hindi pa rin ito napagiiwanan ng kagandahan.


Ngumiti ako. "Hays tita kalma ka lang, ako na po ang bahala. Akyat muna po ako." Paalam ko.


"Buti at naisipan mo yan. Anong oras na, baka malate pa kayo." She is a single mom for how many years. Kaya naman ganito na lamang sya kung magbunganga sa pagiging matigas na ulo ng anak nya.


Tumango na lang ako at umakyat na. Nasa ikalawang palapag ng bahay na ito ang kwarto ni Andy na sa tingin ko ay mahimbing paring natutulog. Ganito na lang palagi ang ginagawa nya. May pasok man o wala ay lagi syang puyat, nag-papasalamat pa nga ako at wala pa syang nakukuhang sakit. Noong makarating sa harap ng kwarto nya ay pinihit ko ang doorknob buti na lamang at hindi iyon nakalock.


Tuluyan ko nang binuksan ang pinto.Mabilis kong iginala ang mata ko sa kabuuan ng kwarto ngunit hindi ito natagpuan ng mga mata ko. Ngunit napansin kong naka-ayos na ang pinaghigaan nya, ultimo kumot ay nakatupi na rin. Pumasok na ako at sinarado ang pinto, kasabay noon ay ang pag labas ni Andy galing sa ban—damn.


"Holy shit!" Napamura ako noong makita ko si Andy na nakatapis lang ng twalya. Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata nya. Dali-dali naman akong tumalikod.


"Charlie!" Malakas na sigaw nya. Nag madali naman syang pumasok ulit sa banyo niya. 



' Jusko, hindi ko naman alam e!'



"Papatayin kita Charlie! Nangboboso ka humanda ka!" Sigaw pa nito mula sa banyo nya, tila gigil na gigil. Napailing na lamang ako at napagdesisyunan na umupo na lang muna sa kama nya. Makikita mong malinis sa kwarto ang babae iyon. Hindi nya rin pinapayagan na maging mabaho iyon dahil malalanghap mo ang amoy ng lavender na kumakalat sa buong kwarto nya. 



Habang abala ang mata ko na pagmasdan ang kabuuan ng kwarto nya ay lumabas na si Andy mula sa banyo nya. Nakataas pa ang kilay nito noong tumingin sya saakin. Nakabalot rin ang basing buhok nya ng twalyang ginamit nya kanina.


"Hoy ikaw lalake!" Tinuro pa niya ako, nagmuka tuloy siyang nanay na pagagalitan ang anak.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Where stories live. Discover now