Chapter 53

212 5 0
                                    

Chapter 53

-Andy's Point of view-

Minulat ko ang mata ko at napatingin sa paligid, alam ko ang kwartong ito. Kay Charlie ito, Sinubukan kong makaupo pero wala. Masakit ang katawan ko. Nakita kong naka higa sa tabi ko si Charlie at tulog na tulog.

Naka uniform pa ako, at Kinapa ko agad sa bulsa ko ang cellphone upang tignan kung anong oras na. Nasa utak ko parin kung ano ang ginawa saakin ni Heana kanina, at kung gaano kasakit ang pag sasampal sampalin nya ako. Binuksan ko ang cellphone ko at puro ako tadtad ng message ni Aubrey. Alas dose pa lang pala. Pwede pa akong pumasok, ibababa ko na sana ang paa ko nung bigla akong hilahin ni Charlie. Kaya naman agad rin akong napatili.

"Sa'an ka pupunta?" Nakapikit mata nyang tanong saakin.

"Papasok ako, matulog ka na lang dyan."

Agad nyang minulat ang mata nya at tumingin saakin.

"Ano!? Baliw ka talaga, kita mong puro pasa ka." Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong hindi nya ako papayagan.

"Tss, sayang yung oras."

"Wala naman kasing gagawin dahil sa nag pra-practice na lang para sa graduation. Kaya humiga ka nga rito." Sabay tapik sa tabi nya.

Ngayon ko lang napansin na naka sando lang sya. Napatakip tuloy ako ng mata sa nakita ko. Jusko, tapos sinabayan pa ng gulo gulo nyang buhok ay Jusko, paano ba tumaas sa gwapong nilalang na ito?

"Ayoko," inalis ko ang kamay ko sa mata ko at tumingin sa kanya

"E anong gusto mo?"

"Nagugutom ako, andyan ba si tita?"

"Wala, nasa trabaho sya. Anong gusto mong kainin, para padalan na lang kita rito?"

"Marunong kang nag luto diba?"

"Nako Mi amor. Alam mo naman na kasisimula ko pa lang na matuto, baka hindi mo magustuhan ang lasa at maidura mo pa sa muka ko."

"Pero gusto kong bumaba, please."

"Sige, pero mag papaluto na lang tayo kay manang ah?"

"No, ikaw ang mag luluto." Sabay taas baba ng kilay.

Napasimangot na lamang sya at tsaka tumango. Inalalayan nya akong mag lakad kahit kaya ko naman. Kahit kailan, dumaretso kami sa kusina at pinaupo nya ako.

"Mi Amor, hindi nga kasi ako marunong."

"Bilis, titikman ko lang naman."

"Sure ka ah? Pag hindi mo nagustuhan mag pa luto na lang tayo kay manang. Be honest okay?"

"Opo, baby." Nakakalokong sabi ko.

Nag simula syang gumalaw at nakatingin lang ako sa kanya, macho pala ang boyfriend ko. Hindi ko iyon alam, may nunal pa sya sa batok nya. Ah, kaya pala habulin ng babae, nag hiwa muna sya ng karne ng Manok,at Ibang mga sangkap para sa lulutuin nya. Ang sarap nyang pag masdan para bang sanay na sanay sya sa kusina, nakita ko pang nag hihiwa sya ng patatas. Ang cute nyang tignan, naamoy ko pa ang laurel na inilagay nya, siguro ay mag aadobo sya.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon