Chapter 58

179 1 11
                                    

Chapter 58

-Aubrey's Point of view-

Naka higa ako sa kama ko,iniisip ko si andy. Sa isang araw na ang alis nya at alam kong hindi nya iyon sinabi kay charlie dahil ayaw nyang masasaktan ang taong mahal nya. Napabuntong hininga ako, Mamimiss ko ang babaeng iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at agad na dina-ial ang cellphone number nya. Sana naman kahit gabi na ay sagutin nya.

"Hello?"Agad akong nabuhayan nung sagutin nya nga.

"Andy!"

"Aubrey.."Kumunot ang noo ko dahil sa alam kong umiiyak sya, Damn it. Eto na sinasabi ko e.

"Hey are you okay?"

"Aubrey, please."

"I'll be there, wait for me okay?" Agad akong nag bihis ng damit ko, kinakabahan ako.

Pag labas ko ng kwarto ko ay kumatok ako sa kwarto nila mommy at daddy. Binuksan nila iyon ng may pag aalala sa muka.

"Mommy, pupuntahan ko si andy. She needs me."Pag mamakaawa ko sa kanya.

"Bakit anong nangyari?"Nag alala na rin si mommy at lumapit na rin saamin si daddy.

"I don't know. Tinawagan ko sya tapos umiiyak sya, dad mom, can I go? Please?"

Nag tinginan silang dalawa at tsaka tumango saakin.

"Ipapahatid ka na lang namin sa driver. Take care okay?" Tumango ako sa kanila at dali daling bumaba. Ilang segundo lang ang hinintay ko at nakita ko na agad ang driver namin na nag mamadali rin.

"Kuya pasensya kana kung naabala kita, kailangan lang talaga ako ng kaibigan ko. Sorry kung naabala ko ang pag tulog mo."sumakay ako.

"Nako ma'am, ayos lang ho. Mukang kailangan nga ho kayo ng kaibigan nyo. Pasensya na po kung hindi na ako nakapag bihis, ayos lang ho ba?"

"Kuya kahit anong suot mo, basta ihatid nyo na lang po ako."

Tumango sya saakin at agad na Pinaandar ang kotse, dina-ial ko ulit ang cellphone number ni andy pero out of coverage area na ito. Kinabahan naman agad ako, bat naka patay? Bakit ganito?

Panay ang buntong hininga ko dahil sa habang malayo pa kami ay mas lalong nadaragdagan ang kaba sa puso ko. Pag karating namin sa subdivision nila andy ay muntik pa kaming hindi papasukin dahil sa madaling araw pa lang.

Pero nung makita ako ng kakilala kong guard ay Pinapasok nya kami kaagad. Hindi na matigil ang kaba sa puso ko, nung huminto ang kotse sa harapan ng bahay nila andy ay walang pasabi na lang akong bumaba at nag pasalamat kay kuya. Sinabi ko na tatawagan ko na lang sya o kaya sila mommy kung mag papasundo na ako.

Tumingala ako sa bahay na patay na ang mga Ilaw, Napabuntong hininga ako. Mag do-doorbell na sana ako nung may narinig akong hikbi kaya doon akong napatingin.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Where stories live. Discover now