Chapter 26 (Andy's Debut)

256 2 0
                                    

Chapter 26

-Someone's Point of view-

"Ayos na ba yung lahat? Ayoko ng papalpak." Sabi ko.

"Ayos na sir, naiready na po lahat ng gagamitin, lahat ng gagawin." Sabi ni Elisa isa sa kasambahay namin.

"Mabuti naman kung ganoon." Tumango ako sa kanya at umalis na sya.

Isang malakas na palakpak na mula sa likod na kinakatayuan ko. Nilingon ko iyon, nakita ko si Russel, Ivan, at Aubrey na sobrang lalawak ng mga ngiti.

Naka sandal sa kotse si Russel at Ivan, habang papalapit saakin si Aubrey. Ang baliw na babae na ito.

"Ganda ah? Ikaw nag Plano?" Sabi nya.

Ngumiti ako bago sya sagutin. "Syempre, sino pa ba? Ako lang naman diba?" Nagmamayabang kong ani.

"Yabang mo!" Nagtawanan kaming dalawa.

"Buo na ba talaga yung desisyon mo?" Naging seryoso ang muka nya.

"Oo, makikita ko naman sya mamaya. Konting tiis" Ngumiwi akong muli.

"Sobrang nag papasalamat ako kasi gagawin mo to para sa kanya."

"Deserve naman nya." Sabi ko.

"Basta dude, ayusin mo. Si andy ang pinag uusapan rito." Singit ni Ivan.

"I know, alam ko."Tinapik ko ang balikat nya.

"Anong oras ba namin sya dudukutin?" Lumabas ang pagiging gago ni Russel.

"Ulol!" Nagtawanan kaming apat.

"So, paano ba yan? Sinilip ka lang namin, para mamaya. Mauna na kami at mag aayos pa ako." Niyakap akong saglit ni Aubrey. 

"Ako rin, baka hinahanap na ako ni mommy." Ani Russel

"The same. Una na kami dude." Tapik nya sa balikat ko at nag simula na silang mag lakad papalabas ng Lugar na ito.

Nakangiti ko silang tinatanaw at nung marinig ko ang pag bukas ng kotse at pag alis nito, ay napabagsak ang mga tingin ko sa hawak hawak kong cellphone at tinitigan ang maganda nyang litrato.

See you later. I miss you so so so much. 

-----------

-Andy's Point of view-

"Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday sa magandang dalaga! Oh ah! Wooo!" Kanta ng baklang si Anton, ay Ann pala. Kung naaalala nyo pa sya yun nag ayos saakin nung acquaintance.

"Umayos ka nga" Natatawang saway ko sa kanya.

"Ay bakit bakla? Maingay ba ako?"

"Ngayon mo pa talaga tinanong? Baliw ka talaga." Nagtawanan kaming dalawa.

"Atleast hindi boring! Exited na akong rumampa, ay ikaw pala!" Tumawa sya ng pagkalakas lakas. Kanina nya pa akong inaaliw. Tawa sya ng tawa at walang hinto iyon.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Where stories live. Discover now