Chapter 64

149 4 0
                                    

Chapter 64

-Andy's Point of view-

Umiiyak ngayon sa harapan ng camera si aubrey dahil nag susumbong saakin. Napag sasampal nya raw si Charlie nung isang araw dahil hindi na sya nakapag pigil. Dahil may nakita sya, kaya pati ako ay napasimangot.

"Wag ka ng umiyak." Sabi ko sa kanya.

"Sorry andy, hindi ko lang talaga napigilan. Sorry" umiiyak pa rin sya.

"No its okay, okay lang. Tsaka wag ka ngang mag sabi ng sorry dahil wala ka namang kasalanan."

Ngumiti ako sa harapan nya.

Tinapos nanamin ang usapan na yoon dahil kumuha lang ako ng oras para makausap sya dahil nangungulit na tumawag ako sa kanya. Ganoon naman pala ang nangyari.

Napabuntong hininga ako at kinuha ang ballpen ko para Ipag patuloy ang assignment ko. Napalingon ako sa maingay na si kuya maynard na may dala dalang miryenda.

"Ang sipag naman ng baby girl namin."

Tumabi sya saakin.

"Sakit na nga ng ulo ko e" Napabuntong hininga ulit ako at naisip ko pa si Charlie.

Hinawakan nya ang tuktok ng ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Kaya pa. Kung kailangan mo ng tulong I'm always here. Don't forget me" Natatawang sabi nya.

Napa tingin ako sa kanya. "Kuya gusto kong umuwi ng pilipinas." Sabi ko sa kanya habang uminom ng kape nya.

"Ha?" Naubo pa sya sa tanong nya. "Gusto mo? Paano ang pag aaral dito? Tsaka hindi ako mag dedesisyon kung pwede ka bang umuwi. Pwede lang akong sumama." Sabi nya.

Napanguso ako. Tumawa lang sya sa ginawa ko. Nasa tabi ko lang sya at hindi ko alam kung ano yung ginagawa. Basta ako nag sasagot ng assignment ko. Hindi ko aasahan na may biglang hihilik at biglang babagsak na tulog na tao. Si kuya Maynard ay nakatulog na!

"Kuya gising." Sinampal ko sya ng marahan. Ginising.

Hindi sya sumagot. Kaya nag pa tulong ako sa isang driver dito sa bahay na dalin sya sa kwarto nya. Binuksan ko yung kwarto at nakita ko agad ang maganda at malinis na kulay Asul na kwarto. May halong itim ang kwarto nya. Ang gandang tignan dahil panlalake talaga. Inihiga namin sya sa kama nya. Lumabas yung driver.

Kinumutan ko si kuya, at inayos ang pag higa nya. Papalabas na sana ako nung kwarto pero may natanaw akong mga picture frame. Naka patong sa drawer ang mga iyon. Lumapit ako dahil may nakita akong picture na hindi pamilyar saakin. Napangiti ako nung makita ko yung picture. Nakaakbay si kuya Maynard sa isang babae na sa tingin ko ay ka edad nya. Maganda yung babae at halatang pilipina rin. Matangos ang ilong.

Naaliw ako sa picture kaya tumingin pa ako ng Iba, ang sumunod na nasa picture frame ay mag kahawak sila ng kamay sa harapan ng La Sagrada Família at nakangiti ng pareho. Mukang ito ang girlfriend nya. Ang ganda naman sana soon ma meet ko sya. Sumunod na litrato ay may hawak hawak na cake yung babae habang nakangiti at naka tingin si kuya sa babaeng iyon. Halatang mahal na mahal nila ang isat sa.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Where stories live. Discover now