Chapter 61

165 4 1
                                    

Chapter 61

-Charlie's Point of view-

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Dumaretso ako sa banyo para doon Ilabas ang lahat. Nung matapos ako ay kinuha ko agad ang cellphone ko pero wala parin tawag o reply si andy. Napabagsak ang balikat ko at umupo ako sa kama.

Triny ko syang tawagan pero hindi talaga sinasagot. Mababaliw na ata ako sa kakaisip kung anong mali ang ginawa ko, kung saan ako nag kulang. Napabuntong hininga akong tumayo at naligo para pumunta kila andy.

Bumaba ako at nakita kong nag uusap sila mommy at daddy ng isang seryosong bagay. Lumapit ako sa kanila para mag paalam.

"Good morning mom, dad. Pupunta lang po ako kila andy." Sabi ko.

Napatingin si mommy kay daddy na merong nag aalalang muka.

"Bye na po. Baka hinihintay na ako ni andy." Tumango ako sa kanila at mabilis na tumakbo patungo sa kotse ko. 

Pinaharurot ko ang kotse ko para dumaan muna sa isang coffee shop at bumili. Ng makabili ako ay dumaretso na ako sa bahay nila andy. Pag kababa ko ay saktong pag labas ng gate ni tita. Papasok na sana ulit sya pero pinigilan ko.

"Tita sandali lang po." Sabi ko sa kanya na syang nag pahinto sa binabalak nyang pag pasok.

"Ano yon charlie?" Napatungo ako sa pag tawag nya saakin.

"Gising na po ba si andy? Gusto ko pong humingi ng patawad sa kanya. Maniwala kayo tita hindi ko alam kung ano ang nagawa ko at bakit naging ganito." Sabi ko sa kanya.

"Charlie. May kailangan kang malaman." Malungkot na sabi ni tita saakin.

Pumasok kami sa loob ng bahay at mukang tahimik at walang kataotao. Umupo kami sa sofa at sinimulan nya ang sasabihin nya.

"Tita asan po ba si andy?" Tanong ko sa kanya.

"Charlie siguraduhin mong bukas ang isip at puso mo." Hinawakan ni tita ang kamay ko.

"Bakit ho ba? Asan po ba si andy? Pati na rin si andryn? Ang mga katulong nyo po? Bakit wala na po sila?"Tanong ko.

"Kagabi pang umalis si andy kasama si andryn. Pumunta na sila ng Ibang bansa kaya sya nakipag hiwalay sayo dahil hindi nya kayang sabihin na aalis sya dahil alam nyang masasaktan ka nya. I'm sorry charlie pero umalis na silang dalawa ni Andryn." Sabi ni tita.

Natigilan ako kaya hindi ako nakagalaw agad, Kumunot ang noo ko dahil hindi parin pumapasok sa utak ko yung sinabi saakin ni tita. Huli na nung ma pag tanto ko na tumutugma ang lahat ng sinabi nya. Tumayo ako at patakbong pumunta sa taas para hanapin si andy dahil hindi ako naniniwalang umalis sya hindi ako naniniwalang iniwan nya ako. Pag bukas ko ng pinto ay wala si andy sa kama nya. Malinis at maayos ang lahat, Nanlumo ako dahil sa nakita ko.

Pati banyo ay tinignan ko pero wala wala talagang andy ang nag pa kita saakin. Tumakbo nanaman ako Pababa at hindi na nag paalam kay tita dahil sumunod naman sya agad saakin.

"Sa'an po yung airport?"Tanong ko kay tita habang nag mamadali.

"Charlie kanina pang lumipad ang eroplanong sinasakyan nila andy. Kaya wala na sila." Mahinang tugon ni tita.

"Hindi po totoo yan, dahil hindi ako iiwan ni andy." Halos mangiyak ngiyak kong sabi kay tita at padabog na sinarado ang pinto ng kotse ko. Pinaharurot ko ang kotse ko habang dinada-ial ang cellphone number ni Russel. 

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Where stories live. Discover now