our twstd fate

3.7K 88 1
                                    

karylle

"May kasama siyang iba. Akala ko siya na. Akala ko magiging masaya na ulit ako. Akala ko iba siya sa mga lalaking iniiwan lang ako 'pagka tapos akong pag sawaan."

Sambit niya sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Wala namang bago. Tuwing may problema siya sa love life niya ako lagi ang ginagawa niyang sandalan. Wala e, bestfriend lang kasi ako.

Minsan nga naisip ko na sana sa'kin na lang niya ibaling ang pagmamahal niya. Kaya ko namang suklian 'yon. Hindi tulad ng mga nagiging jowa niya. Sinasaktan lang siya palagi.

Akala ko nga nuong nag break sila ng first boyfriend niya ay magkakaroon na akong ng pag-asa. Pero wala pa din. Nakikita niya lang ako bilang matalik na kaibigan niya - bilang shoulder to cry on.


"Una palang pinaalala ko na sa'yo na sasaktan ka lang ng mga boys na 'yan. Pero sige ka pa rin. O, tignan mo nangyari sa'yo ngayon. You look like devastated."

Pangaral ko sa kanya.

Ilang beses ko na nga 'yan sinabihan na 'wag masyadong marupok at mapusok. Ang mga lalake kasi kapag alam na mahal siya, gagawa 'yan ng paraan para saktan ka. Tinuturing kasi nilang libangan lang ang pag-ibig. Kapag bored, manliligaw. Kapag nag sawa na, iiwan na lang sa ere.

"Mahirap ba talaga akong mahalin?" Napatigil ako sa sinabi niya. For the first time in forever ngayon ko lang narinig 'yon mula sa kanya.

Kadalasan kasi iiyak lang 'yan. Tatadtarin niya lang ng mura ang lalaking nanakit sa kanya. Siguro nga minahal niya ng tunay ang lalake na 'yon - bigla na lang kasing nag seryoso.


"Hindi ka mahirap mahalin. Sadyang hindi lang nila nakikita ang importansya mo."

"Kung hindi bakit nila ko iniiwan at sinasaktan? Pa ulit ulit nalang kasi."

Hindi ka rin naman kasi nakikinig sa'kin.

"Okay lang 'yan. Move on." Ano pa bang sasabihin ko? Baka nga after nito may bago na naman siyang kinababaliwan. I'm not saying na malandi 'tong bestfriend ko. Siguro nag se-seek lang siya for love.

"Ang dali para sa'yo na sabihin na okay lang yan kasi hindi naman sa'yo nangyari. Sa bagay hindi ka pa nga pala nagkaka lovelife."

Totoo naman lahat ng sinabi niya. Hindi ko ba malaman sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon wala pa din akong lalake na napupusuan. Perhaps, he's not a guy. Kasi para sa'kin kahit siya lang na bestfriend ko ang kasama ko habang buhay, masaya na ako.


"Hindi ko kailangan ng lovelife para mag advice. You're a good friend of mine. At hindi ko hahayaan na masaktan ka nalang. Hindi ko gustong nakikita ka sa ganyang kalagayan. Mahirap para sa'kin bilang bestfriend mo na makita kang umiiyak." I uttered as I emphasized the word 'bestfriend'.

"Siguro bilang kaibigan naiintindihan mo ang sitwasyon ko. Pero 'pag nandito ka na sa kinatatayuan ko mahihirapan ka din. Sino nga ba namang tangang lalaking papatol sa isang di hamak na bakla?"

Palagi na lang niyang kinekwestyon ang kasarian niya. Pero sige pa rin siya ng sige. Ewan ko ba sa baklang 'to kung ano ang tinitira.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi batayan ang kasarian sa pag-ibig. Kung mahal ka niya mahal ka talaga niya. Kay bakla ka man o tomboy."

Dapat nag rerecord na lang talaga ako e. As in umuulit na lang talaga 'tong dramahan session namin.

"Sana lahat ng lalake ganyan ang pananaw sa pag-ibig. Ang hirap. Kung sana naging lalake ka nalang."

Another shocking moment. I'm not used to it kasi. Iyak iyak lang talaga 'yan kapag broken hearted. Naiilang tuloy ako.

"Bakit ako pa? Pwede naman na ikaw nalang." Pabulong kong sabi. Buti nalang hindi ko nilakasan.

"Huh?"

"Wala. . ."

Hindi ko na siya narinig pang nag salita, pero dinig ko pa rin ang pag hikbi niya at dama ko pa din ang lungkot niya.







Kailan mo kaya ako makikita bilang girlfriend mo, Vice?
















: another story from me. this is a short story, i guess? but please support this one. please please please? gusto ko talaga i-share sa inyo 'to :

-punksnotdeadz

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now