twstd : 15

1.6K 83 39
                                    

"Nagseselos ako,"

Pilit kong sinasaksak sa utak ko ang sinabi niya - na totoo ngang nagseselos siya. Pero kaakibat nito ang tanong na bakit. Nagseselos ba siya dahil kaibigan niya ako? O nararamdaman niya 'yon dahil mahal niya din ako. Ano sa isa na 'yon ang maaaring dahilan. Nakakatuwang isipin na sana kaya niya 'yon naramdaman dahil gusto niya ako.

Pero gayunpaman, ang saya ay may kasamang lungkot. Alam ko namang nagseselos lang siya dahil kaibigan niya ako. Siguro'y ayaw niya akong mapalapit sa iba dahil baka masawalang bisa ang pagkakaibigan namin.

Gano'n lang naman 'yon. Pinapahirapan ko pa ang sarili ko.

Hinarap ko siya kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa epekto ng alak at luha, pinilit ko paring aninagin ang kanyang mukha. Nakita ko kung paano ang mata niyang nababalutan na ng likido. Hindi ko malaman kung nasasaktan ba siya. Gusto kong iparamdam sa kaniya na nandito lang ako sa kanyang tabi - na kailanman ay hindi mawawala.

Pero sinong niloko ko? Ang katotohanang nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang masaya sa piling ng iba, ang nagbibigay sa'kin ng dahilan para lumayo. Para palayain ang sarili ko sa sakit na dulot niya.

Kita ang panginginig sa kamay ko nang iangat ko ito at idampi sa kanyang pisngi. Pinunasan ko ang likido dito.

"Sorry," Kapos sa hininga kong saad. "Hindi ko sinasadyang mahulog."

Ngumiti siya at hinawakan ang aking pisngi. Ngayon ang pares ng kanyang mga mata'y nakatitig lang sa akin. Yung pakiramdam na para akong matutunaw sa paraan ng pag titig niya.

Napag tanto ko na lamang na mag kalapat na ang aming mga labi. Para akong kakapusin ng hininga. Ang tagal na panahon kong hinintay na mangyari ang bagay na ito. Ang lambot ng labi niya, kasabay ng paglambot ng tuhod ko.

Pumikit ako't ninamnam ang pangyayari. Nalalasahan ko ang alak sa kanyang bibig. Siguro'y ganon din siya.

Bawat paggalaw ng kanyang labi ang siyang pagtugon ko. Sa una ay mabagal lang hanggang sa lumalim nang lumalim na para na akong natatangay sa sensasyon na dulot ng mainit nyang halik.

Lumalim nang lumalim pati ang nararamdaman ko para sa kanya. Akala ko'y tuluyan ko na itong mapipigilan. Ang hirap pala.

Ang halik niyang nasa labi ko lang kanina ay nagtungo na sa'king leeg. Sa init ng kaniyang halik ay nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon na bumalot sa'king katawan. Sa dulot nito ay napaungol ako.

Nang magsawa siya sa parte ng katawan ko na 'yon ay binalik niyang muli ang mga halik sa'kin labi.

The kiss was gentle, na para bang iniingatan niya ako sa pamamagitan ng mga halik niya. Masuyo, malambing at tila may respeto. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng nangyayaring kahibangan na ito sa amin. Kung dulot lang ba ito ng alak ay hindi ko malaman. At kung talagang totoong emosyon namin ito ay sana . . . sana hindi na matapos. Sabi nila nagkakaroon daw ng lakas ng loob ang isang tao kapag nakakainom ng alak.

Sa palagay ko ay matagal na din na niya itong kinikimkim. Ramdam sa mga halik niya kung gaano siya kasabik.

Ang kamay niyang kanina'y nasa pisngi ko lang, ngayon ay naglalakbay na sa kabuoan ng aking katawan. Nakakabaliw, nakakaubos hininga, nakakagigil, nakakalasing at nakapanghihina ang bawat halik niya sa'kin. Nag umpisa syang tanggalin ang saplot naming dalawa. Ang init ng pakiramdam ko habang pinapaliguan niya ng mga halik ang buong katawan ko. Ibang iba siya sa Vice na kaibigan ko - malambot, pusong babae at hindi gugustuhin na makipag make out sa katulad kong babae. Posible kayang tuluyan na siyang nagbalik loob? Parang lalaking lalaki siya habang hinahalikan ako.

Lalo nang markahan nya ang leeg ko na parang sa kanya lang ako. Ang mga halik nyang nag lalakbay sa buo kong katawan. Shit! This is happening right now.

Our Twisted Fate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon