twstd : 3

1.6K 63 9
                                    

"Cebu?! Bakit ang layo naman? Mamaya kung mapano ka do'n, hindi kita maaasikaso kung ganon kalayo."

Napasama pa ata ang pagpapaalam ko kay Vice. Nakakapagtaka na rin minsan. Sobra siya kung mag higpit. Siguro kung naiwasan ko lang ang nangyari noon hindi sana siya nag hihigpit ngayon. Pero thankful na din ako kasi naging way 'yon para maging mag kaibigan kami.

I was 18 that time nang umalis ako sa puder ng mga magulang ko. Nagtungo ako sa Manila para maranasan kung anong buhay ang mayroon dito. Maraming nag sabi na masarap tumira sa Manila. Pero marami din na hindi nagustuhan. Siguro sa sistema ng buhay ng mga tao dito.

Kahit kinakabahan man sumakay ako sa isang jeepney. Nadagdagan ang kaba ko nang mapansin ko na wala ng ibang espasyo kundi sa tabi na lang ng lalake - masama ang tingin niya sa'kin sumunod sa bag na dala dala ko. Napahigpit ako ng hawak sa bag ko. Wala akong pag pipilian kaya kahit may kaba ay sumakay na din ako. Mukhang hindi naman siya gagawa ng masama - maraming naka sakay dito sa jeep.

Sinabi sa akin noon ng pinsan ko na hindi biro ang tumira sa Manila. Pero nag take pa rin ako ng risk. Gusto kong masanay. Gusto kong sumabak sa isang mapahamak na laban. Sa isang laban na alam kong kakayanin ko. Sa isang laban na maaari kong kapulutan ng aral. Ika nga 'Experience is the best teacher'.

Nanindig ang balahibo ko nang makaramdam ako ng malamig na metal na nakadikit sa tagiliran ko. Manipis lang ang damit ko kaya naramdaman ko ito. Maingat na nilibot ko ang paningin sa paligid, umaasa na sana may pag asa akong makita para makaalis sa pwestong kinauupuan ko. Nakita ko ang tao sa harapan ko - nag doble pa ako ng lingon dahil hindi ko mawari kung tunay nga ba siyang lalake. May mapula siyang labi na halatang pinatungan ng lipstick.

Palalim nang palalim ang pag hinga ko. At padiin naman nang padiin ang pagtusok ng metal na bagay sa tagiliran ko.

"Holdap 'to. Subukan mo lang gumalaw ng masama, siguradong todas ka sa'kin." Bumulong ang lalaking katabi ko.

Parang gusto na kumawala ng puso ko sa sobrang kaba. Namamawis na rin ang kamay ko dahil sa takot. Kinagat ko na lang ang kuko ko dahil na te-tense na ako sa pangyayari.

Pinako ko lang ang tingin ko sa kaharap kong tao. Nakatitig din siya sa'kin. Mukhang alam niya na may kakaibang nangyayari sa pagitan namin ng katabi ko. Tinitigan ko siya nang nangungusap ang mga mata - humihingi ng tulong gamit lang ang nagmamakaawang mata.

Just keep calm. Pagbasa ko sa bibig niya. Walang lumabas na tunog pero nalaman ko ang gusto niyang ipahiwatig.

Nag tipa siya sa cellphone niya at tinapat sa kanang tenga.

"Is this 911?"

Narinig ko mula sa kanya. Hindi ko mapigilan mapatawa kahit na nasa bingit ako ng kamatayan. Siya na ang tumawag, siya pa ang nagtanong. Inirapan niya lang ako at doon ko lang napagtanto na hindi nga siya pure na lalake.

"May gusto lang sana akong i-report. 'Yung bestfriend ko kasi nakasakay sa jeep ngayon at nakikita ng dalawang dilat kong mga mata ang pinag gagawa sa kanya ng katabi niyang mukhang goons." Nanliit ako. Nilalakasan niya ang pagsalita. Halatang pinaparinig sa kriminal na katabi ko.

Narinig ko na sinabi niya kung nasaang lugar na kami at binaba na rin ang cellphone. Hinarap niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Bes, tara na mala-late tayo sa trabaho." Nagtataka ko siyang tinignan. Bes? E, kakakita pa lang namin sa isa't-isa.

Nang kindatan niya ako ay doon ko lang napagtanto na nililigtas niya ako, sa pinaka madaling paraan - ang pagpapanggap. Kumatok siya sa bubong ng jeep at sumigaw ng "Para!"

Our Twisted Fate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon