twstd : 11

1.4K 79 22
                                    

We're all trying to forget someone.

Ngunit paano ko siya makakalimutan kung kahit saan ako tumingin siya ang naaalala ko. Sa kwarto ko na may nakasabit na christmas lights - na siya ang nag design. Sa vase na nasa bed side table ko, siya din ang naglagay. Pati ang wall ko na kinabitan niya ng frame with our picture siya din ang nagkabit.

Gusto kong alisin lahat, gusto kong itapon o kaya sunugin. But there's a part of me na may pumipigil.

"Hindi pa naman christmas para lagyan mo niyan." Pag sita ko sa kanya noon habang ikinakabit niya ang christmas lights sa wall ng kwarto ko.

"Isang kulay lang naman 'to hindi 'yung original na christmas lights. At tsaka pang design 'to, uso kaya ngayon 'to." Pag depensa niya at sinaksak niya na ang christmas light.

Ang ganda. "Woah." Pag react ko nang umilaw na ang isinaksak niya.

"See, namangha ka kaagad. 'Yan pa lang naman 'yung ginagawa ko." May pagkamayabang na sabi niya. Mahilig kasi 'yan sa 'do it yourself' kaya pati unit ko hinahawaan niyan.

"'Yung napadevelop ko na picture natin ilalagay ko sa wall ng sala mo. 'Tas 'yung vase na binili ko ilalagay ko sa bed side table mo para maaalala mo kaagad ako." Sabi niya habang tinuturo ang bawat sulok ng unit ko.

"At kailan ka pa naging vase?" Natatawa kong saad.

"E, kasi nga diba. Vase sounds like Vice." Nagpipigil tawa niyang sambit.

"Corny mo." Then we both laughed.

Binuksan ko ang phone ko at in-open ang gallery. Puro siya ang laman ng camera roll ko. Lagi niya 'tong hawak-hawak, para lang punuin ng pagmumukha niya ang photos ko. Napapangiti nalang ako nang tignan ko ito isa-isa. Mukha siyang ewan dahil iisa lang naman ang pose niya.

Goal niya talaga na sirain ang phone ko. Virus.

Nakita ko din ang kuha niya sa'kin habang nagpapinting ako. Naka messy bun ako at pawis na pawis dahil sa ginagawa ko. Pati buong katawan ko puro pinta na dahil gustong gusto ko talaga matapos na ang ginagawa ko kaya wala na akong pakialam kung narurumihan na ang damit ko.

Marapi pang candid shot na puro ako lang naman. Tapos 'yung mga picture niya matitino, sa'kin lang talaga ang pangit.

Nasira ang momentum ko nang may nag pop-up na caller sa phone. Naka wacky pa siya dito.

Walang anu-ano'y sinagot ko din. Nakakamiss din pala siya.

"Please, tell me where you are right now. Nag wo-worry na talaga ako sa'yo." Basag ang boses niya na halatang galing sa iyak - or more like bagong gising.

"Everytime na pupunta ako sa unit mo wala ka. Namimiss na kita, bes." Ang huli niyang sabi ang nagpangiti sa'kin.

"Nasa condo ako ngayon."

"Nasa labas ako. Buksan mo naman oh." 'Yung boses niya na parang nag susumamo ang nagpatayo sa'kin mula sa hinihigaan ko.

Kaagad niya akong niyakap nang tuluyan ko nang mabuksan ang pintuan. Sobrang higpit. Hindi ako makahinga. Gusto kong umalis, gusto kong maglaho nalang ng parang bula. I hate this feeling. . . 'yung pakiramdam na nagpipigil na naman ako ng emosyon.

Naririnig ko ang mumunti niyang pag hikbi kaya ako napakalas. Gusto kong makita kung umiiyak nga ba siya. Pero nang makasigurado na ako, pakiramdam ko na anytime ay babagsak ako sa sahig. Nanlalambot ang tuhod ko sa nakita ko. 'Yung mga mata niya na pulang-pula. Namamaga at halatang galing lang siya sa pag-iyak.

"H'wag mo na ulit gagawin sa'kin 'yon." Sabi niya sa pagit ng kanyang mga hikbi.

Gusto kong pigilan ang pag iyak ko, pero hindi ko na magawa dahil kumawala na ang lahat ng ito.

Our Twisted Fate ✔On viuen les histories. Descobreix ara