twstd : 18

1.4K 86 28
                                    

Its not the goodbye that hurts, but the flasback that follows.

"Okay na ba 'to? Parang masyadong revealing naman ang skin." Pagtatanong ko sa kaniya noong nag aayos kami para sa party na pupuntahan namin. First anniversary nila Anne at Vhong, kaya nagkaroon ng pool party sa bahay nila.

"Oo nga, bes. Pero keri na din, ang sexy mo tignan." Nakaramdam ako ng kakaibang kaba, nang marinig ko ang huli niyang sinabi. Iba ang dating sa'kin, parang naging lalaki ang tono ng boses niya. "Turn around nga, let me see." Hinawakan niya ang kamay ko at siya mismo ang nag ikot sa'kin.

Wala akong magawa, nakakagat lang ako sa panloob kong pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Bakit ang hawak niya sa'kin ay may kasamang kuryente?

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Ito light blush on lang ang kailan dahil rosy cheeks ka naman." Sunod ay ang talukap ng mata ko. "Medyo dark dapat ang eye shadow para kabog." Hinimas niyang sunod ang dalawa kong kilay. "Tas ito ako nang bahala mag kilay goals sa'yo." Sa sumunod niyang ginawa, ay napaigtad ako. Pakiramdam ko'y tumaas ang pang upo ko dahil sa kuryenteng dumadaloy na nagmumula sa kaniyang kamay. "Red lipstick na matte dito, para angat ang beauty mo."

Kung sinusuri niyang maiigi ang bibig ko ay hindi ko malaman. Naramdaman ko ang pagkailang nang tagalan niya ang paghawak dito. Sa huli ay ako na ang nag divert ng posisyon namin. Parang hahalikan niya ako sa posisyon na 'yon.

Mula sa pagharap ko sa kaniya, ay tumalikod ako. Tumingin ako sa salamin, doon ko nakita kung gaano kapula ang mukha ko. Shit.

"Anyare bes? Bakit pulang pula ka? Anong facial ba ginagamit mo?"

Great question, Vice. Alam mo talaga kung paano magpalusot. Hindi ko na kailangan umisip ng ibang dahilan. "Mataas ang chemical astringent nung ginagamit ko lately," sagot ko na nakatanaw lang sa repleksyon niya sa salamin.

Tumawa siya ng mahina. "Hindi mo ko tularan. Only belo touches my skin." May pa hawak effect pa siya sa kaniyang mukha.

"OA ka din ng taon. Ano 'yung mga butas na 'yan? Hindi na ba kinaya?" Pagsakay ko sa usapin.

Sinamaan niya lamang ako ng tingin at kinurba pababa ang kaniyang bibig. "Kay galeng," turan niya at inirapan pa ako.

Napangiti na lang ako. Ganyan 'yan, mangunguna tas siya din ang unang mapipikon. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtawa ko ay nakaramdam ako ng pares ng kamay na yumakap sa'kin mula sa likuran.

Tinignan ko ang kamay na ito, sunod ay sa repleksyon niya. Nakapatong ang kaniyang baba sa'king balikat, kaya hinilig ko ng kaonti ang aking ulo pakaliwa para magkaroon siya ng pagkakataon na tignan ang sarili sa salamin. "Pero alam mo, bes. Nakakainggit din 'yung mag jowa na 'yon 'no? Tayo kaya kailan magkaka lovelife na tatagal ng ganon?"

Kung nasisikipan lang ba ako sa espasyo o nagulat sa sinabi niya ay hindi ko malaman. Hindi ko magawang makasagot dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako - gamit ang mga salitang kaniyang binitawan.

"Pag ako nagkalove life sisiguraduhin ko na siya na ang taong papakasalan ko at makakasama ko habang buhay." Dagdag niyang muli.

"Sus, buwan-buwan nagpapalit ka ng boylet. Panong magtatagal 'yon?" Pang aalaska ko sa kaniya.

"E syempre hindi pa ako seryoso non. Minsan na nga lang ako magseryoso, naloko pa sa huli."

Simula kasi ng break up nila ni Renzo ay hindi na siya nagkaroon ng serious relationship.

"Darating din 'yan, in god's perfect timing." Hinampas ko ng bahagya ang pisngi niya.

"E ikaw bes. Kailan mo balak magkalove life ulit? Tagal na nung kay Zen ha."

Our Twisted Fate ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora