twstd : 10

1.3K 60 1
                                    

Vice

San ka? Iniiwasan mo ba 'ko?

Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na huwag hayaan na magtipa ang mga daliri ko sa phone. Kasalukuyan akong nasa trabaho, at nagkaroon lang kami ng break kaya tinignan ko na din kung sino ang nagtext sa'kin.

"Boo!" Kamuntikanan ko nang malaglag ang phone ko dahil kay Anne.

"Ano ba, Anne." Pairap kong saad.

"Anyare sa inyo ni wakla? Bakit mo iniiwasan?" Tanong niya at sinamaan ko lang ng tingin. Chismosa talaga, wala talaga akong privacy sa babae na 'to.

"Oo nga bruh. Ilang araw ka na ding walang gana dito sa trabaho. Dati sobrang daldal mo ngayon ang tahimik mo na." Singit ni Vhong sa usapan namin. Umupo silang dalawa sa upuan na katapat ko.

Nag twist na lang ako ng pagkakaupo at humarap sa salamin. Ngayon nasa likuran ko na silang dalawa at repleksyon na lang nila ang nakikita ko.

"Nag away ba kayo?" Anne asked.

Parang bibigay na 'tong sistema ko sa pinag gagagawa ko. Ang hirap magpanggap na okay lang, na hindi ako apektado sa ginawa ni Vice. 'Yung action ko na mismo ang gumagawa ng kabaliktaran. Nahahalata na nila.

"Cr lang ako," pagpapaalam ko at tuluyan na akong tumayo mula sa pagkakaupo. Ngunit sa unang pag hakbang ko pa lang palayo sa kanila ay pinigilan na ako kaagad ni Anne.

"K, you can tell us. May problema ba?" Again, she asked.

Wala na akong nagawa kundi bumalik na lang ulit sa upuan. Wala naman talaga akong gagawin sa cr, gusto ko lang talaga makaiwas sa mga tanong nilang dalawa.

"Nag wo-worry na kami sa mga action mo recently." Sambit ni Anne at pinatong pa ang kanang kamay niya sa balikat ko.

"Hindi ko naman sinasadya . . ." Panimula ko at binaon ko na lang ang mukha ko sa dalawa kong palad. Sa totoo lang natatakot akong umamin sa iba.

"Na?" They both asked.

"Mahulog sa kanya." Napahilamos na lang ako dahil ito na . . . nasabi ko na sa wakas. Kaso hindi direkta sa kanya.

"Sabi ko na nga ba e. Mahuhulog ka ulit kay Zen." Napakunot na lang ako ng noo sa mga pinag sasabi ni Vhong.

"Hindi kay Zen." Natigilan silang dalawa sa sinabi ko.

"Huh?" Nagtataka nilang tanong.

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita, kailangan ko ng lakas na loob. "Nahulog ako sa bestfriend ko."

Kung kanina ay nakakunot ang mga noo nila, ngayon naman ay nanlalaki na ang mga mata nilang dalawa. Alam ko naman na nakakagulat. 'Yung katotohanan pa lang na magkaibigan kami ni Vice at bakla siya, pero na inlove pa din ako sa kanya ay nakakagulat naman talaga.

"K-kanino?" Nauutal na paninigurado ni Anne.

"Kay Vice," Sagot ko. Paniguradong buong pagkatao nila ay nagulat sa inamin ko.

"Totoo, Karylle?" Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil sa tanong ni Vhong. Sana nga panaginip na lang 'to. Sana pag gising ko wala na 'tong nararamdaman ko para sa kanya, ico-consider ko na lang 'to as my beautiful nightmare.

"Paano kung sabihin kong biro lang 'to maniniwala pa ba kayo?" Sabay lang silang napailing ng ulo.

"Papaano, girl? Bakla siya . . .tapos a-akala ko ba okay na kayo ni Zen?" Hindi pa rin talaga makapaniwala si Anne. Akala ko paniniwalaan niya kaagad, kasi siya 'yung malapit sa'kin.

"Bago pa bumalik ulit si Zen, may namumuong feelings na para kay Vice."

Nakita ko kung paano umangat ang kamay ni Anne at tinakip ito sa kanyang bibig. "In love ka kay wakla."

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now