twstd : 8

1.5K 65 28
                                    

Ang gulo. Sobra na 'kong naguguluhan.

Ilang posisyon pa ba ang gagawin ko sa kama ko para tuluyan na akong makatulog? At ilang paracetamol pa ba ang iinumin ko para makaiwas sa sakit ng ulo?

Hindi ko alam.

Sa totoo lang gulong gulo na 'ko. Wala akong intensyon na iparamdam ulit sa kanya ang pagmamahal ko. Kasi 'yun naman ang dapat. Sinaktan niya ako at deserve niya naman ang masaktan din. Ano 'to, larong martyr? Gustong gusto kong iparamdam sa kanya lahat, as in lahat ng sakit na pinaranas niya sa'kin. 'Yung tipong sakit na taon ang kinakailangan para gumaling at mag hilom ang sugat. 'Yung gabi-gabi siyang iiyak dahil maaalala niya ang lahat.

Isa pa. Gusto kong maramdaman kung paano siya mag mahal ng isang babae. Matagal-tagal na din noong huli siyang nagkaroon ng girlfriend. A years ago, noong highschool pa siya. Natutunan niyang gumamit ng lipstick dahil sa girlfriend niya. Na impluwensiyahan din siya nito na mag mahal ng lalake. Paano ko pa babaguhin ang sistema ng love life niya? Everytime na nagbibiro ako about sa'ming dalawa, lagi lang siyang gumagawa ng reaksyon na parang nandidiri.

"Bestfriend lang ba talaga? Hindi ba pwedeng girlfriend?" Pagbibiro ko na may bahid ng katotohanan. Tinanong ko siya, kinabukasan nang niligtas niya ako sa pampasaherong jeep kung saan kami nakasakay noon.

"Demanding ka pa 'te? Tigilan mo 'ko diyan sa mga biro mo na 'yan. Nakakapanindig balahibo, girl."

Mahirap na nga actually na baguhin kung ano ang nakasanayan niya. Why not na tanggapin ko na lang ng buong puso kung ano siya ngayon? Kasi 'yun naman talaga ang nararapat. Siya ang nag mamay ari ng buhay niya hindi ako, at siya lang ang may karapatan sa kung anumang gusto niyang gawin.

The most messed up joke life will play on you is letting you meet the right person at the wrong time. Kumbaga sa contest na sinasalihan ng iba, panalo na sana pero 'yung isang kalaban mo pa ang nakakamit ng pangarap mo. Swertihan lang din naman. Minsan ipaparamdam sa'yo ang panalo, pero madalas ang pagkatalo.

We live to learn. At sa mga talunang moment na 'yon marami tayong natututunan. Maraming obstacle ang pagdadaanan, para makamit ang pinaka aasam-asam. Kasi kung walang obstacle, hindi magiging makabuluhan ang buhay. Imagine kung sa isang contest, lahat kayo nanalo. Ano pang sense no'n? Bakit pa nagpacontest kung lahat din naman ay mananalo.

Diba? I'm just stating the fact here. O sige sa pinaka madaling paraan, sa isang halimbawa na lahat makaka intindi. For example sa love. May iba lang na sineswerte talaga dahil sa unang try pa lang nila, natagpuan na kaagad ang itinadhan. Pero marami na ilang subok pa ang ginawa bago mahanap si the one. Bago nila makita ang taong mamahalin nila ng pang habambuhay, dadaan muna 'yan sa pagiging emo, magtatangkang mag suicide tapos magpapagupit ng buhok - simbolo ng pagbabago.

Sa lahat ng buhay ng isang tao, maraming pag subok ang nakaabang bago makarating sa finish line. Parang sa snake and ladder, akala mo dire-diretsyo ka lang sa finish line, pero ang totoo may nag aabang sa'yo na ahas - kumakatawan bilang obstacle.

Napahikab na lang ako kinaumagahan pag gising ko. Grabe naluluha pa 'yung mata ko dahil sa antok. Hindi sapat ang dalawang oras para mapunan ang pagod ko . . . sa kakaisip.

Matapos gawin ang morning routine ay bumaba na ako para kumain ng umagahan. Ngayon na ang simula ng pagiging photographer ko sa studio ni Miss Jennifer.

Sa totoo lang ayokong mahuli. Kaya okay na rin pala ang dalawang oras ko na pag tulog, atleast nagising ako ng maaga.

Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa'kin ang mukha niya na may matamis na ngiti. I was stunned. I looked down at nakita ko ang hawak niya na isang bugkos ng bulaklak. Tinapunan ko siya ng isang tingin na mistulang tinatamad.

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now