Chapter 9

9.2K 295 7
                                    

Kira's POV

"Oh baka makatulong para mawala ang init ng ulo mo."

Nag lapag si Saturn ng malaking milkshake sa harapan ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Wag mo kong tignan ng ganyan, pababayarin ko sayo yan."

Naka ngiti niyang sabi sabay na sumandal.

Inalis ko na ang masamang tingin na binibigay ko sa kanya at kinuha na lang tong binigay niya.

Napatingin ako sa dagat habang umiinom. Dito kami naka pwesto sa second floor, makikita dito ang buong dagat.

"Mababalik mo din ang lahat sa dati. Ano ngayon kung pang labing isa mo ng subok yan. May isa pa! Kaya wag kang mawalan ng pag asa."

Basag niya sa katahimikan.

Nakwento ko sa kanya na, sa labing dalawang ka alyansa ng organisasyon. Sampo ang ayaw bumalik sa amin, o yung mga ayaw ng mag tiwala dahil sa ginawa ni Carlos.

At yung kanina, pang labing isa. Hindi pa nga ako nakikipag usap, nawala na agad.

Labing dalawa lahat ng ka alliance ng organisayon.

At isa na lang ang natitira.

Habang nasa france ako, marami akong nalalaman na background ng organisasyon, at ang pang labing dalawa na kailangan kong kausapin, ay ang grupo na  matagal at pahirapan na nakumbinsi ni lolo noong siya pa ang namumuno.

Napa higpit naman ang hawak ko sa baso ko.

This is not what i've promised to mom. Hindi ko pwedeng pabayaan at ganito na lang ang mangyari sa iniwan sa akin.

"Kira."

Tawag niya sa akin at bumuntong hininga.

"Sa totoo lang hindi mo na nga kailangan ng mga yan eh. Sila Hunter, Violet, Ox si Sakura, Knightly at ako! Sapat na para maging matibay tayo! Hindi ba't natalo natin ang lahat ng tayo lang? My point is, konti man tayo, pero pag nagsasama tayong lahat, malakas tayo."

Alam ko naman yun, ang dami na naming napagdaan at nalagpasan namin yun ng kami lang.

Pero ang bumabagabag sa akin, baka tuluyan ng bumagsak ang organisasyon dahil sa pamumuno ko kung hindi ko maayos agad to.

"Maaayos mo din ang lahat."

Sabi ni Saturn na parang nabasa ang nasa isip ko.

"Teka nga!"

Tumaas ang boses niya at lumipat sa katabi kong upuan.

Hinawakan niya ang magkabilaan kong mukha at ginalaw galaw yun.

"Hindi ata ikaw ang Kira ko eh! Nasaan siya?! Ilabas mo siya! Ang kilala kong Kira ay matapang! Nakakapag isip agad ng plano! At higit sa lahat, hindi sumusuko!!"

Imbes na mainis ako sa ginagawa niya sa mukha ko.

Hinawakan ko na lang ang kamay niya at tumawa ng mahina at niyakap siya.

"Ano na lang ang gagawin ko Saturn, kung wala ka."

Sabi ko ng mahina pero sapat lang para marinig niya.

Hinigpitan niya ang yakap sa akin at naramdaman ko ang pag halik niya sa ulo ko.

"Ilang beses ko ng sinabi sayo, at sasabihin ko ulit sayo na, kahit kailan hindi ako mawawala sa tabi mo. At napa tunayan ko na yun di ba?"

Tumango ako.

At biglang bumalik sa isip ko yung nangyari noon. Na akala ko mawawala na siya sa akin.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Where stories live. Discover now