Chapter 39

7.1K 213 14
                                    

Charlotte's POV

"Hi Charlotte."

Eh?

Tekaaaaaaa!! Paano niya nalaman ang pangalan ko?!!

Eh ngayon ko nga lang siya nakita!

"Ah ate, paano mo nalaman ang pangalan ko? Hindi kasi kita kilala sorry."

Alanganin akong ngumiti para di naman bastos.

Kilala niya kasi ako tapos siya hindi ko kilala.

Baka kaibigan to ni Pamela, hindi ko lang maalala.

"Lot, anong flavor ang gusto mo sa popcorn mo?"

Tanong na sigaw ni kuya.

Bahagya naman akong lumingon para sumagot.

"Cheese please kuya thank you!!"

Pagka sagot ko ay hinarap kong muli yung babae, kaso bigla siyang nawala na ikina taka ko.

"Asan na yun?"

Lumabas ako sa pinto para hanapin siya, pero wala namang ibang tao.

"What are you doing?"

Nagulat ako sa biglang pag sulpot ni kuya.

"I'm asking you what flavor do you want for your popcorn, nandito ka pala. Sino yung nag door bell?"

Inilibot ko ulit yung tingin ko at alanganin na nilingon si kuya.

"A-ahh...a-ano kuya...mga bata lang yun. Lakas ng trip sa doorbell natin eh, wala kasi nun sa bundok."

Tumango naman si kuya.

"Tara kuya! Mahuli panget!!!"

Sabi ko habang tumatawa ng malakas at tumakbo papasok sa loob.


~~~~~~~~~~~~

Kira's POV

Pagdating ko sa lab, natigil sa pag iinspection ng mga baril si Amy ng makita ako.

"Sophia, naka usap mo na ba--"

"Yes."

Sagot ko sa itatanong ni Amy ng maka lapit siya.

Kahit hindi niya tapusin ay alam kong ang tungkol sa pakikipag usap ko kay Celine ang itatanong niya.

"Ano ang sabi niya?"

Naka sunod lang siya sa akin hanggang sa makarating kami sa opisina ko.

Agad akong umupo sa upuan ko at tinignan siya ng seryoso.

"She will help us."

Tumango siya ng sunod sunod at muli akong tinignan ng may itatanong ulit siya.

"Sinabi mo din ba ang tungkol kay Carlos?"

Bumuga ako ng hangin at tumango.

"Yes."

"What was her reaction?"

Naka pikit akong sumandal sa upuan ko bago sumagot.

"Nothing."

Naramdaman kong lumapit siya sa akin.

"Nothing? Hindi siya nagalit? I mean, iyon kasi ang ikinakabahala ko na baka pag nalaman niya na ikaw ang pumatay sa ama niya ay baka hindi ka niya tulungan. But i think, mabuti na rin yun. Atleast, wala ka ng problema. Kailan mo siya ipapakita kay Emmanuel?"

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon