Chapter 71

6K 245 49
                                    


"LEAVE MY TWIN ALONE!!"

Galit na sigaw ni Ashton at tumakbo.

Pag lapit niya kay Rico ay malakas niya etong sinuntok sa mukha na ikina tumba neto.

Sumugod naman ang iba kay Ashton, hahampasin sana ng isa sa likuran si Ashton ng humarap agad siya at nasalo ang bakal.

Nanginginig ang mga kamay ni Ashton habang hawak ang bakal, tinignan niya ng masama ang kalaban at malakas din etong sinuntok sa mukha.

Nakuha naman niya ang nabitawan na bakal at nag tungo sa tabi ni Usher.

Hinawakan niya ng mahigpit ang bakal habang naka tutok iyon at isa isang tinitignan ng masama ang mga natitirang kalaban.

"A-ash..t-ton.."

Nahihirapang tawag ni Usher.

"Just stay there."

Mahinang sabi ni Ashton na hindi inaalis ang tingin sa mga kalaban.

Idinura ni Rico ang nalasahang dugo at masamang pinagmasdan si Ashton.

"ANO PANG TINATANGA TANGA NIYO DIYAN?! SUGUDIN NIYO!!"

Galit na sigaw ni Rico.

Sabay naman ang pag sugod ng mga kalaban kay Ashton.

At sabay din nilang inihampas kay Ashton ang mga hawak nilang bakal, ngunit mabilis namang naiharang paitaas ni Ashton ang hawak na bakal na ikina inda niya at ikina atras.

Sinipa niya ang kalaban na nasa kaliwa niya at malakas ang pwersang hinawi ang mga bakal ng natitira niyang kalaban.

Ngunit ang hindi niya napansin ay ang isa pang kalaban na nasa likuran niya at hahampasan siya ng makapal na bakal.

"Ashton sa likod mo!!"

Sigaw ni Charlotte.

Ngunit huli na, dahil pagka harap ni Ashton sa kanyang likuran ay malakas siyang nahampas sa mukha na ikina hilo niya at halos ikawala ng malay.

Dahil sa nararamdamang hilo ay nabitawan niya ang hawak na bakal at napa luhod.

Inangat niya ang kanyang tingin at halos lahat ng kanyang nakikita ay umiikot at malabo.

"ASHTON!!"

Hindi na rin malinaw ang pagkaka rinig niya sa pag sigaw ni Charlotte, dahil bukod sa kanyang paningin ay nanlalabo na din ang kanyang pandinig at tila may nakakairitang tunog sa loob ng kanyang tenga.

Tuluyan na siyang bumagsak habang naka bukas pa rin ang mga mata.

Naikuyom naman ni Usher ang kamao habang naka tingin sa kakambal. At kagat kagat ang ibabang labi upang pigilan ang nagbabadyang emosyon.

Samantalang malaki naman ang pagkaka ngisi ni Rico habang naglalakad palapit kay Ashton.

Ngunit bago pa niya eto malapitan ay nahinto siya at napa tingin sa kamay na humawak at pumigil sa kanyang paa.

"N-not...my b-brother.."

Sabi ni Usher habang masama ang pagkaka tingin kay Rico.

Lalo namang lumake ang pagkaka ngisi ni Rico at nag squat sa harapan ni Usher.

"Tignan mo nga yang itsura mo. Sa tingin mo may magagawa ka pa kung yung lampa mong kakambal ang saktan ko?"

Natatawang sabi ni Rico.

"I said not him!!"

Sigaw naman ni Usher.

Ngunit ngumisi lamang si Rico at tumayo na.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon