Chapter 55

6.9K 221 27
                                    

This chapter is dedicated to jenconzon33, hi to you!!

-------------

Tumayo mula sa pagkaka upo si Jasper at nag inat.

"Coffee break muna!"

Sabi niya ng naka ngiti.

Nilingon naman siya ni Henry na ngumingiti din.

"Magpa deliver na lang tayo anak."

Suwestyon ni Elizabeth, kukunin na niya sana ang kanyang cellphone ng pigilan siya ni Jasper.

"Wag na mom, may vendo machine sa labas. Dun na lang, mabilis pa."

Naka ngiting sabi ni Jasper at tinanong ang magulang kung ano ang gusto nila ganun din ang mga tauhan na pinagbabantay ni Kira.

Pag labas niya ay huminto siya sa tabi ni Scar na naka tayo lamang at diretso ang tingin at tindig.

"Bibili ako ng kape, anong gusto mo?"

Tanong niya, pero imbes na sagutin siya ni Scar ay sandali lamang siyang nilingon neto.

Napa ngiwi naman si Jasper at napakamot na lang ng batok.

"I'll take that as anything."

Bulong niya at nag lakad na.

Habang nag lalakad ay kinuha niya ang kanyang wallet at tinignan ang dalang pera.

Nahinto naman siya ng marinig ang ingay, kaya ng iangat niya ang kanyang tingin ay nakita niyang may batang babae ang humahampas ng machine.

"Huy!!! Kung ayaw mong ibigay yung juice ko ibalik mo yung pera ko! Madaya ka ah!"

Rinig niyang inis na sabi ng batang babae.

Nag tuloy naman siya sa paglalakad, at ng maka lapit ay sinipa ni Jasper ang ibabang parte ng machine at lumabas ang isang juice in can.

Kinuha niya iyon at inabot sa batang babae.

Ngunit natigil siya ng makilalang kapatid ni Marcus ang kaharap niya na si Charlotte.

"T-thank you po."

Nauutal na sabi ni Charlotte at napa tingin sa ibaba ng makaramdam ng pamumula ng mukha.

Hindi na nagsalita si Jasper at nag lagay ng pera sa machine at nagsimulang mag pindot.

At si Charlotte naman na tila nanigas sa kanyang kinatatayuan ay hindi magawang maihakbang ang mga paa.

Tanging ang ingay lang ng machine ang maririnig.

Napa pikit ng mariin si Charlotte, at ng magawang maikilos ang paa at ng maglalakad na sana siya ay nag salita naman si Jasper.

"Kamusta siya?"

Walang emosyong tanong ni Jasper na nakatingin lamang ng diretso sa machine.

Nagulat naman si Charlotte at agad na naiangat ang kanyang tingin.

"S-si k-kuya po?"

Nauutal niyang tanong dahil sa pangamba.

Hindi nagsalita si Jasper o tumango man lang.

Kaya muling naiyuko ni Charlotte ang ulo at sumagot.

"H-hindi pa rin po gumigising. P-pero sabi po ng doktor, h-hindi daw po dapat iyon ika bahala."

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora