Chapter 21

7.4K 240 23
                                    


Third Person's POV

"Kira!!"

Tatakbo sana si Saturn sa sumabog na bodega ng pigilan siya nila Hunter at Ox.

"Saturn! Delikado baka may sumabog pa!"

"Bitaw!!"

Galit na sigaw ni Saturn. Nagawa niyang maka wala sa pagkaka hawak ni Ox.

At susuntukin niya sana si Hunter ng mabilis etong maka iwas.

Kumilos na din si Scar at mula sa likod ni Saturn ay ikinulong niya eto sa kanyang malalakeng braso upang pigilan sa pag palag.

"Get!! Off!!!"

Sigaw ni Saturn.

Mahigpit na hinawakan niya ang ulo ni Scar at sinusubukan na baliin iyon.

Nanlake naman ang mata nila Hunter ng makita ang ginagawa niya kay Scar, kaya't hinawakan nila ang kamay niya at pilit na inaalis sa ulo ni Scar.

Ng makaramdam na ng sakit si Scar ay lumuwag ang pagkaka hawak niya kay Saturn kaya kinuha neto ang pagkaka taon na yun.

Tumalon pataas si Saturn habang naka hawak pa din sa ulo ni Scar at paglapag niya sa likod ni Scar ay bumagsak eto sa lupa.

Sinipa naman ni Saturn sa dibdib si Ox na ikina atras neto habang sapo sapo ang dibdib.

Ng si Hunter naman ang lalapit at hahawak, umatras ng bahagya si Saturn at hinawakan ang braso ni Hunter na nasa harapan niya at sunod sunod din na dinibdiban eto, pagkatapos ay hinila ni Saturn si Hunter palapit sa kanya at tsaka binalibag eto sa lupa.

Hingal na hingal na tinignan ng masama ni Saturn ang tatlo sa lupa, pinunasan niya ang kanyang pawis at nanghihinang tumakbo papunta sa nasusunog pa din na bodega.

"Saturn!"

Tawag ni Violet at hahabulin niya sana eto ng iharang ni Hunter ang kanyang kamay habang sinusundan lamang niya eto ng tingin.

Samantalang, napahinto si Saturn sa pag takbo ng maka lapit na siya sa nasusunog at paunti unting bumabagsak na bodega.

"KIRA!!!"

Tinakpan niya ang ilong at muli sanang tatakbo papasok sa inaapoy na pintuan ng may bumagsak sa kanyang harapan kaya napa atras siya at natumba.

Nagsisimula ng mamuo ang luha niya sa kayang mata.

Nanggigil at naikuyom niya ang kamay na may hawak na lupa habang naka tingin sa malaking apoy.

"KIRAAAA!!!"

Sa kanyang pagtayo at pagsigaw, hindi na niya napigilan at tumulo na ang kanyang luha ng sunod sunod.

Pagalit na inalis niya ang suot na jacket at pagalit din na pinaghahampas ang apoy.

"AHHH!!"

Tuloy lang ang pag tulo ng kanyang luha at pag hampas sa apoy, hindi alintana ang init neto at ilang mga bumabagsak sa kanyang harapan.

Samantalang tahimik at malungkot naman na pinagmamasdan nila Hunter, Ox, Violet at Scar si Saturn sa ginagawa neto.

Nanghihinang napa luhod si Saturn habang nakapikit at umiiyak.

"K-kira....."

Bulong niya at naikuyom ang dalawang kamao.

"KIRAAAAAA!!!!"



~~~~~~~~~~~~~~

Pamela's POV

Naalimpungatan ako ng marinig ang pag ring ng cellphone ko.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon