Chapter 65

6.1K 183 16
                                    

Hindi mapakali si Marcus at pabalik balik ang lakad niya habang sumisilip sa bintana at maya't maya ang tingin sa orasan.

"Boss maupo ka nga. Ako ang nahihilo eh."

Reklamo ni Loui.

"It's late and Charlotte is not yet here."

Nag aalalang sabi ni Marcus.

"Ang lakas kasi ng ulan boss, baka na stranded lang. Hindi rin naman siguro magtatagal etong ulan, at pag tumigil na uuwi na rin yan si Charlotte."

"Paano kung mamaya pa tumigil ang ulan?"

Napa buga ng hangin si Marcus at muling nag salita.

"Loui, give me your key. Susunduin ko na lang siya."

Tumayo si Loui at lumapit kay Marcus.

"I won't let you boss may sugat ka, ako na lang ang magsusundo sa kanya."

"No, sasama ako."

Sabi ni Marcus at nagpaalam para kumuha ng kanyang jacket at para sa kapatid.

Pag balik niya ay nakita niyang naka tayo na din si Emmanuel.

"Sasama daw siya."

Sabi ni Loui.

Dahil sa pag aalalang nararamdaman ay hindi na sumagot si Marcus at na una ng lumabas kasunod ng dalawa.

~~~~~~~~~~~~


"Lucy."

Mahinang bulong ni Felix at tumingin ng masama.

Ngumiti naman si Lucy at lumapit sa kanya.

Pag lapit niya ay nawala ang pagkaka ngiti niya ng makita ang doktor na walang malay sa sahig.

Bahagya naman siyang napa tingin sa mga kasama niyang dalawang lalake.

Tumikhim siya at muling nag salita.

"Hi Felix, kamusta ang pakiramdam mo?"

tanong niya na may alanganing ngiti.

Ngunit hindi siya sinagot ni Felix na naka kunot ang noo.

"Yung doktor!"

Sigaw ng isa sa mga nagbabantay.

Sabay namang napa tingin sila Felix at Lucy sa sumigaw.

At ng lumapit ang isang lalake sa doktor ay lumapit naman si Lucy sa mesa at kinuha ang tray na walang laman.

Pagka kuha niya ay malakas niya iyong hinampas sa lalakeng naka tayo malapit sa kanya, at bumagsak eto.

Hindi naman iyon inaasahan ni Felix.

At ng tumayo ang isa pang lalake na tumingin sa doktor ay nagbalak etong lapitan si Lucy ngunit mabilis siyang sinipa ng malakas ni Felix.

Ng makabangon eto ay naka kuyom ang kamao niyang sumugod kay Felix.

Ngunit nailagan lamang iyon ni Felix at malakas na tinuhod ang sikmura ng lalake na ikina yuko neto.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang