Simula

4.5K 76 0
                                    


Nagtipa ako sa aking phone upang tawagan ang numero ni Jerome na siyang boyfriend ng aking kapatid.

"Baby!" nagulat ako sa pambungad niya ngunit ng makita kong padaan si Vannah ay agad akong tumawa ng malandi.

Napansin ko ang pagtingin ni Vannah na para bang may kakaiba sa akin kaya binigyan ko siya ng nangungutyang ngiti. Why wouldn't I? Her loving boyfriend is cheating on her. I mean Jerome just courted her because of me.  Naging boyfriend niya lamang si Jerome dahil inutusan ko ito. Ang tanga kong kapatid akala niya ay seryoso sakanya ito. 

Nalamangan na naman ako ni Vannah sa ibang bagay kaya nagawa ko ito. Dahil sa ginawa niya ay napansin siya nila mommy. Pero hindi ako magpapatalo. I want to be on top. I want my parents praise. My parents praise means so much to me. Pakiramdam ko nababawi ko ang lahat ng ginawa kong katangahan noon.  Pakiramdam ko naitatama ko ang mali na nagawa ko sa aking murang edad.

So I keep on doing everything that would please them. I keep on doing everything, giving my full effort with it but Vannah done everything effortlessly.

I keep on reminding myself that she didn't know anything what I've done on my past but I can't help it. If beating her means taking back everything that I've done wrong from my past. Then I don't care if Vannah is my number one rival.

"Goodnight, My... and Dy.." paalam ko sa aking magulang pagkatapos ng isang palabas na pinanood namin sa sala. Si Vannah ay nasa kwarto niya at natutulog na ata. 

"Goodnight." bati sa akin nila mommy and daddy. Kinintalan ko sila ng halik bago tumayo na sa aking kinauupuan. 

Pagtapak na pagtapak ko sa aking kwarto ay agad akong humarap sa salamin. Mula doon ay nakita ko ang isang babae na napakatapang ng mukha.

May maninipis itong labi na korteng korteng puso na may bahid ng lipstick na kulay dark red. Ang ilong niyang napakatangos at ang mataas na cheekbones niyang natural na namumula. Ang mga mata niyang medyo almond ang hugis ngunit bilugan with ridiculous eyelashes that flick outwards. Her close to eyes slant downwards brows. Fox like and mysterious.

Napakaganda ng features ng mukha ng babae. Nakadagdag pa ang kanyang natural na diretsong buhok at bahagyang umaalon alon sa bandang gitna pababa. 

Her voluptuous body can make every girls in town to envy her and make every boys admire her more. Ang tangkad niyang five four ay mas nakapagpa angat sakanyang kagandahan. 

Ang babaeng nasa repleksyon ay napakatapang ngunit ang babaeng nakatayo sa harapan ng salamin ay sugatan at hindi matigil sa pag iyak dahil sa sakit sa loob ng dibdib niya. Ang puso nito ay may sugat na napakalalim. At kahit na sino ay walang makakagamot. Kahit ang sarili niya. 

I've done wrong but I promise to wash it away leaving with no evidence that I've done it. 

Kahit na ang sugat sa puso ko ay buburahin ko. Kakalimutan ko sa aking sistema ang pag ibig na nagdulot ng malaking kamalian sa buhay ko. 

Mirror (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon