WAKAS

2.1K 28 0
                                    

Pictures

Ocean Park, Star City, Manila Zoo. Iisa isahin namin itong mga pasyalan dito sa manila.

Sunod ay sa ibang lugar naman. We will travel and explore as a family. We will spend time in or outside the house. 

Kasalukuyan kaming nasa Manila Zoo ang huling pupuntahan namin sa manila bago kami magtungo sa Tagaytay at hindi ko maiwasan ang matawa dahil amaze na amaze si Tobias sa laki ng elepante.

"Manang, pakuhanan naman po kami ng litrato." utos ko sa kasambahay namin na isinama pa namin dito. 

"Tyron, Tobias.." tawag ko sa mag ama ko dahil nakaharap sila sa elephant at nakatalikod naman sa camera.

Tumingin sa akin si Tyron. "Picture." wika ko. Tumingin siya sa harap at kinalabit si Tobias na nakaharap pa din sa elepante. 

"1,2,3.." the flash came in. Kinuha ko ang phone ko kay manang at tinignan ang kuha niya. 

Tuwang tuwa ako sa picture namin. Nilibot namin ang bawat lugar sa Manila Zoo hindi lang ang cave na maliit na puro ahas.

Kinikilabutan na ako sa isipin na may ahas. Matapos namin masigurado na nalibot na namin ang lahat ay nagyaya akong kumain na sa mall.

Nag drive si Tyron. Nasa tabi niya ako habang nasa likod naman si Tobias. Huminto kami sa Taft Ave. dumaan ang isang ambulansya at napasunod ako ng tingin doon. 

Naalala ko ang business ni Tyron at ang kurso na kinuha ko. Maari kaming magtayo pa ng sarili naming business. Maybe, one day I will talk to Tyron about my idea. 

Nang pumasok ang ambulansya papunta sa PGH ang isang sikat na hospital dito sa metro manila ay pinaandar ng muli ni Tyron ang sasakyan. 

"Tired?" Tinignan ko siya sa mata niya at umiling ng may ngiti sa labi. "You? Water?" magkasunod kong tanong. 

"Water, please..." he ask. Kumuha ako ng tubig at binuksan iyon bago inabot sakanya. Nang matapos siyang uminom ay ibinalik niya iyon sa akin. 

Sinarado ko ang tubig bago ibinalik sa pinagkuhaan ko. Dumukwang ako sakanya at hinawakan ang pisngi, pinasadahan ng palad ang buhok niya at ibinalik sa pisngi niya.

Kinuha niya ang palad ko at dinala iyon sa bibig niya upang halikan. 

Tinigan ko si Manang at Tobias sa likod. Nakasandal sa upuan si Manang, Tulog at si Tobias ay nakahiga sa hita nito. Napangisi ako, hindi ko alam kung paano niya naipagkasya ang katawan niya doon. Malaking bulas kasi itong si Tobias.

"How does your son fit there..." tawang tawa na wika ko. Sinilip niya iyon mula sa rear view mirror at napangisi din.

"Baka sumakit ang bewang niya mamaya." akmang gigisingin ko si Manang ngunit pinigilan ako ni Tyron.

"Huwag na malapit na din tayo sa bahay." wika niya. Sumulyap ako kay manang at Tobias bago bumaling saglit kay Tyron at bumuntong hininga.

"I just think, whole life is not enough para mabawi ang nga nawala." wika ko. 

"Stop thinking that way, I love you." aniya. Pinaingay niya ang sasakyan. Sumungaw ang mukha ng gwardiya namin at mabilis na binuksan ang gate para sa pag pasok namin. 

Saktong pagpasok ng sasakyan ay siya din pagpasok ng isang BMW na pula. Kumunot ang noo ko. 

Bumukas ang passenger's seat at sumungaw ang ulo doon ng kapatid ko.  "Ate!" nakangiting sigaw niya. Napangiti ako ng malapad. Tinignan ko si Tyron na ngayon ay nakakunot ang noo habang buhat si Tobias. 

Mirror (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon