Kabanata 1

3.3K 59 3
                                    

Hypnotize

"Dad here's my report card." nakangiti kong wika kay Daddy. Nasa library niya kami. Nakaupo siya sa isang silya sa likod ng mesa na may mga papeles na inuuwi niya pa mula sa trabaho.

Bahagya niyang inayos ang suot ng reading glass at mas itinutok pa ang hawak ng papeles sakanyang mukha. Binaliwala ang presensya ko.

Nakagat ko ang labi ko sa kaba.

Dahan dahan akong lumakad patungo sakanya. "Dad..." muling tawag ko sa atensyon niya dahil baka hindi niya lang ako narinig o napansin dahik sa busy siya sa pagbabasa. Mula sa pinipirmahan ay tiningala niya ako ng saglit. "Just put it there. Mamaya ay titignan ko 'yan." wika niya kaya inilapag ko iyon sa tinuro niyang pwesto sa mesa niya.

Gusto ko sanang makita ang mukha ni Daddy na natutuwa dahil sa grado na pinaghirapan ko ngunit mamaya niya pa titignan iyon dahil busy siya. 

Humakbang ako ng dalawang beses paatras bago tumalikod sakanya. Mula sa pwesto ko ay hindi ko maiwasan na maalala ang nakaraan. 

"Line of seven!? What is this Vannalein!?" nag angat ako ng tingin mula sa aking pagkakayuko. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang tinitignan si Daddy na galit na galit dahil sa ipinakita kong report card.

Mula pagkabata ko ay puro ako bagsak sa pag aaral. Sinubukan ko na naman ngunit hindi ko maabot ang mga nais nila sa akin.

"Im sorry dad.." halos mautal ako sa paghingi ng tawad. "I'll talk to your mom about this. And we'll talk again. later." wika niya at iminuwertsa ang palad niya, sinasabing umalis na ako sakanyang harapan. 

Mommy's on my side. Im sure pakikiusapan niya si Daddy.

Naglakad ako patungo sa aking kwarto ng madaanan ko ang kwarto ni Vannah. Nakadapa siya sa kanyang kama at nagbabasa. Umakyat ang inggit sa akin. Bakit sakanya ay parang napakadali lamang ng lahat?

Nagtungo ako sa aking kwarto at sinubukan na buklatin ang notes namin kanina ngunit nakatulog lamang ako.

"Vannalein.." Nagising ako sa katok mula sa labas ng aking kwarto. Isa iyon sa kasambahay namin. "Bakit po?"

"Pinapatawag po kayo ng mommy at daddy niyo. Nasa library po sila." marahan ang boses niya at parang palaging takot. Umupo ako sa aking kama at pinagmasdan ang mga notebook na nakalat sa kama ko. Kahit isa sakanila ay hindi kayang pumasok sa isip ko. 

"Susunod na po ako." sagot ko sa kasambahay.

"Mam, sabi mo ng Daddy niyo ay ngayon na daw po."

Huminga ako ng malalim bago umalis sa kama. Binuksan ko ang pintuan at natagpuan doon ang kasambahay na naghihintay sa akin. Tinignan ko siya bago naglakad patungo sa library. 

Pagpasok ko ay babatiin ko sana sila ng makita ko ang ekspresyo sa mukha nila. Si Daddy ay bakas ang galit samantalang si Mommy ay tahimik lamang. 

"We've talk about your grades Vannalein at kung magtutuloy ka pa para sa next grading ay magsasayang lang tayo ng oras. Hindi ka papasa. Pumayag na ang mama mo at ipapadala ka namin sa lola mo." Dire diretsong wika ni Dad.

Si lola ay naninirahan sa England Mabait si lola ngunit ayokong malayo sa mga magulang ko.

"Dad, please...." Pagmamakaawa ko. Binaling ko ang paningin ko sa kay Mommy. "Mommy.." Our eyes met but he immediately look on the other side so that she can't see my eyes begging for her.

My mom totally ignored me!

"Tomorrow you won't go to school. Your mom will be the one who will fix everything and after that we'll send you abroad until you fix your grade."

They will sending me off because I am such a shame on this family! I want to stay. Pakiramdam ko ay mas lalo lamang akong babagsak kapag malalayo ako sakanila but on the other side, maybe this all, studying abroad will make everything better. 

Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa ka gustuhan nila.

"Miss, nandito na po tayo." Pinunasan ko ang luha kong walang tigil sa pag tulo. Hanggang sa airport ay hindi nila ako nahatid. Ganito ba ako kalaking kahihiyan sa pamilya? Just because I can't study well?

Ang naghatid sa akin ay ang sekretarya ni Dad. Bago ako pumasok ay nilingon ko pa ang sekretarya na tahimik akong tinitignan hanggang sa tuluyan na akong makapasok at mawala sa paningin niya.

Hinanap ko ang upuan ko at agad na naupo doon. Naupo ako sa may tabi ng bintana. May tumabi sa akin pero hindi na ako nag abala pa na tignan ang itsura noon. 

Nagsalita ang nasa eroplano at naramdaman ko ang pag angat nito sa himpapawid.

Binigyan ako ng instructions ng sekretarya sa pagbaba ko sa airport, aniya ay naghihintay daw ang lola ko sa akin. So, I won't be lost.

"First time?" napabaling ako sa aking katabi. Tumango ako sa lalaking hindi nalalayo ang edad sa akin na disi otso.

Imbes na sagutin siya at naglagay lamang ako ng earphone. I may be rude, pero sa mga oras na ito ay ayoko ng may kausap.

Nakita kong ngumisi ang lalaki. "What?" iritableng tanong ko. 

"This is your first time. That's my seat but because I saw your problematic bitch face I let you there. And when I saw you toning down, I tried to talk to you but you just..." He stopped mid step. "You're pretty.." aniya. 

I rolled my eyes on him and press the play button on my phone.  Ang lakas ng paborito kong kanta ay nanoot sa magkabilang tenga ko. 

Ngunit humina iyon ng tinanggal ng katabi ko ang isang earplug. "Ano ba!?" bulyaw ko sakanya at naiinis na pinasadahan siya ng tingin. Nakasuot siya ng three piece suit at ang buhok ay naka devil's cut na may ahit sa gilid na dalawang guhit. Ang labi niya ay tama lamang ang pula. Naka suot siya ng salamin na tingin ko ay pang porma lamang. Sumisigaw siya ng kagalantehan, kakisigan at maturity.

"Im Tyron." he extended his arms. I stared at his eyes. And I was amazed by the color of it. It was very light brown...

Something in his eyes hypnotize me and make me extend my arms. "Vannalein." pakilala ko. 

"Beautiful..." puri niya. One side of my lips raise a little bit. He has something...

Mirror (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon