Chapter 16: Call Sign

420 14 0
                                    

KN POV

Masaya ako, masaya nga ba ako? Oo masaya ako, masaya akong makita silang dalawa. Sa sobrang saya nga halos maiyak na ako. Maiyak na ako dahil sa sobrang sakit. Masaya akong makitang muli si Mac na parang walang gaanong ipinagbago pero parang may mali, may mali sa kulay ng balat nya. Siguro dahil lang sa sakit nya yun pero malakas ang kutob ko na may mali. Isa akong Doctor at alam ko sa balat palang kung maysakit sya o ano. Kung ano yun? Yun ang kaylangan kong malaman.

Masaya rin akong muling makaharap si Naira, ang babaeng pinakamamahal ko sa loob ng maraming taon, pero kaakibat noon ay yung sakit na dulot nito sa akin dahil ngayon iba na ang mahal nya at hindi na yun ako. Ang mas masakit pa si Mac na yung mahal nya, si Mac na kaibigan ko, si Mac na isa sa mga taong mahalaga sa akin at si Mac na dati lang ay kaagaw ko sa kanya pero ngayon sya na yung mahal nya. Mabilis lang ba syang nag move-on? Sabagay kasalanan ko naman ang lahat.

Ako ang sumira sa masaya at matatag naming relasyon. Malaki ang ipinagbago nya. Sa kabila ng walang pagbabago sa itsura nya, sa ugali ang laki ng ipinagbago nya. Hindi na sya yung dating Naira'ng kilala ko noon. Now she loves Mac at halos ipagsigawan nya yun sa harapan namin. Halos madurog ang puso ko at ang buo kong pagkatao habang sinasabi nya ang mga salitang ito.

"Mula noon inalagaan ko sya, lagi ko syang pinupuntahan hanggang sa dumating 'yung araw na naramdaman ko nalang na m-mahal ko na sya. M-Mahal na mahal ko na sya at h-hindi ko kaya kung isang a-araw iiwan nya akong mag-isa. Sya yung andyan noong mga panahong kailangan ko ng kausap, nang matatakbuhan. Sya lang at wala ng iba."

Hindi nya na kayang mabuhay ng wala sa tabi nya si Mac. Hindi nya kaya yun at ang mga salitang yun ay parang isang tabak na ginugutay-gutay ang aking pagkatao. Siguro kung hindi ko sya nagawang saktan noon sa akin nya sasabihin ang mga salitang iyon. Naiinggit ako, sobra akong naiinggit kay Mac kahit wala akong karapatang mainggit sa kanya. Nasa akin na sya noon pinakawalan ko pa. Nagpadala ako sa tawag ng kalandian at ng madungis na kamunduhan.

Ang tanging walang pagbabago sa kanya ay yung kaya pa rin nyang patawanin ang mga ugok kong barkada. Maging ako kaya nyang patawanin pero hanggang doon nalang yun. Mas lalo kong nakita yung halaga nya ngayon, mas lalo ko yung nakita at nakakapanghinayang talaga. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanila, nahihiya ako sa kasalanan kong ginawa noon lalo na sa Kuya nya.

Nang magtanong sila ng mga estado na namin sa buhay nakita kong nagulat sya, nagulat syang malaman na isa akong Doctor. Alam kong pangarap nya yun kaya naman ako na ang umabot para sa kanya. Napansin ko ang paglungkot nya noong malaman nyang Doctor rin si Veroina, siguro iniisip nyang naimpluwensyahan ko ito kaya nagkaganun.

Agad rin yung napawi ng tingnan sya ni Mac. Alam kong weird pero parang may connection pa rin ako sa kanya kaya nga lang mas malakas na ang connection nilang dalawa ni Mac. Yung tipong tinginan palang alam na nila ang gagawin. Ganyan rin kami dati, yun nga lang noon pa yun at hindi na ngayon.

Halos gusto ko na ring magwala kung pwede lang sana noong tawagin ni Kuya Harold na "bayaw" si Mac, ganundin ang tawag niya sa akin noon kaya napalingon ako sa kanya. Nagbabaka sakaling ako yung tinatawag nya, ang assuming ko na rin talaga nuh, syempre hindi na ako yun.

Napatitig ako kay Mac, pinalitan nya na ba talaga ako sa buhay ni Naira? Yung space ba noon na ako ang umuukopa ay naangkin na rin nya? Tuluyan na bang nabura yung bakas ng pagmamahal nya sa akin noon dahil napalitan na yun ng pagmamahal nya para kay Mac? I'm pissed off. Durog na durog ako. Gutay-gutay. Pira-piraso. Nakaramdam ako ng mahinang pagsipa sa paa ko at nakita kong paa yun ni Arth. Binigyan nya ako ng "Wag kang bitter look" na agad ko namang naintindihan.

Hindi ako makapagsalita sa hapag-kainan naninibago ako at wala rin naman akong sasabihin kaya panay buntong-hininga lang ang ginawa ko. Nagmukha pa akong engot noong mabulunan si Naira dahil juice ang nai-abot ko sa kanya sa halip na tubig. Ang awkward nang makihalubilo sa kanila. Nakaramdam na naman ako ng pagsipa sa paa ko and this time si Roley naman. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang ang gago. Binigyan nya ako ng "Masakit ba? Endure the pain look". Baliw ba sya? Sya kaya ang pumunta sa sitwasyon ko.

Taste of Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon