Thankful Long Notes

548 15 23
                                    

Maraming salamat kung nakarating ka sa pahinang ito, maraming salamat kung nabasa mo ang tatlong letra sa huli noong naunang pahina. At dahil nasa pahina ka ng ito kaya alam kong natapos muna ang kwento.

Bago ko matapos ang kwentong ito, bago ko pa ito natapos ay may mabigat akong pinagdaanan, sa sobrang bigat ayaw ko na itong tapusin at itigil nalang ang pagsusulat. Hayaan niyong kwentuhan ko kayo ng kaunting detalye.

Dahil nasa mundo tayo ng wattpad, nakiuso ako sa operator thingy ng mga fictional character sa kwentong ito, nakiuso ako dahil alam kong masaya at oo sobrang saya..pero ika nga bawat saya may kaakibat na sakit.. THAT'S RIGHT!

KN
Arth
Mac
Roley
Harold

Naira
Faith
Sandra
Veron
Christa

Lahat ng character na 'yan ay may operator akong nakuha from real world, outside wattpad world. Nag-act sila, naka-close ko sila and worst may minahal ako sa kanila. AKALA KO wala lang 'yon dahil nasa age gap kami, pero AKALA KO lang pala 'yon. Haha, relate ang title nito. So ayun..

Hanggang isang pangyayari 'yong naganap, isang pangyayaring nagpaguho ng mundo ko, isang pangyayaring iniiyakan ko magpahanggang ngayon. Pangyayaring, AKALA KO ay bangungot lang, pero hindi pala, totoo pala. Ang pangyayaring 'yon ang nagpapaiyak sa akin kahit na sa kalaliman na ng gabi, ang sakit ay nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon.

Nilisan niya ang mundong ibabaw, nilisan niya itong ako ang huling kausap niya, nilisan niya ito nang hindi ko agad nalaman. Nilisan ni Roley, isang operator ko ang mundong ginagalawan natin habang nasa kalahati palang ako nitong book 2, ni hindi niya natapos ang buong kwento. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hindi ko binilisan mag-update, gusto ko ring sisihin ang sarili ko dahil hindi ko agad nahalata ang mga premonition niya sa akin. Hindi ko agad nahalata noong ibinigay niya sa akin ang acct niya sa wattpad,  dahil AKALA KO wala lang 'yon, may tiwala lang siya sa akin kaya ginawa niya 'yon. 'Yon ay ang AKALA KO hanggang sa nalaman ko.

Ang pangyayaring 'yon ang naging sanhi kung bakit ayaw ko ng magsulat, ayaw ko ng mag-update dahil everytime na nasa wattpad ako, hindi ko maiwasang maalala ang lahat, bonding, kulitan, at lahat ng alaalang meron kami. Ayoko ng mag-update dahil para sa akin wala na akong number 1 reader. Wala na akong gana, ni ayaw kong buksan ang account ko dahil everytime na gagawin ko 'yon, hindi ko maiwasang hindi umiyak.

Iisipin ng iba na ang babaw ko, ang bilis kong umiyak pagdating sa kanya. Alam niyo ba na ilang beses kaming nagplano na magkita, pero sadyang ayaw talaga ng tadhana sa aming dalawa. Nakakatawa na hanggang plano nalang 'yon, planong kailanman ay hindi na matutupad pa. Naiiyak na ako, kasura!

Hanggang sa 'yong mga reader's ko na ang kusang nangungulit, kung kailan ang update, kailan ako magkakaroon ng time, kung kailan ko ipa-publish ang mga nasa draft ko. Hindi nila alam kung ano 'yong pinagdadaanan ko emotionally, hindi nila alam dahil ayokong ipaalam, ngayon alam niyo na.

Naisip kong magbakasyon muna, nagbakasyon ako to take some time para sa sarili ko. Umuwi ako ng probinsiya, nag-stay ako doon ng ilang linggo. Habang nandoon ako ay hindi ko maiwasang isipin siya, miss na miss ko na ang mga mensahe niya. Naupo ako sa duyan, ipinikit ang aking mga mata at hindi ko maiwasang masaktan, sa madilim kong paningin ay kitang-kita ko ang huling Selfie na nai-send niya. Humagulhol ako ng iyak, iyak ako nang iyak hanggang sa 'yong sakit ay hindi pa rin nawawala. Good thing na wala akong kasama, nasa school ang mga kapatid ko at may pinuntahan ang nanay ko.

Ilang beses akong bumuntong-hininga, sabi ko bakit nahihirapan ako ng ganito? Bakit sobrang sakit, mas masakit noong iniwan ako ng first boyfriend ko. Nakakatawa lang isipin na parang ang OA ko na, pero 'yon ang nararamdaman ko. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang wattpad, binuksan ko ang huling pahina nito at nagsimulang mag-type, ang tanging goal ko ay matapos ko na ang kwentong ito dahil kaawa naman 'yong mga reader's kong naghihintay ng update. Tila ba magic na nakaisip ako scenes, ideas at tuloy-tuloy lang 'yon hanggang sa makarating ako sa huling pahina. Napa-thank God ako nang dahil doon.

Ang AKALA KONG hindi ko na kayang tapusin ito ay nawala at nanatiling AKALA KO lang pala, dahil heto at COMPLETED na ang kwento kong ito. Nawalan man ako ng ganang kumuha ulit ng mga operator ek-ek, alam kong part 'yon ng PAGTANGGAP ko sa nangyari.

Roley/PaBoy,
Nasaan ka man ngayon alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin di'ba? Alam mo kung gaano kita nami-miss, alam mong bawat araw nahihirapan ako kung hindi kita iisipin. Huwag kang mag-alala magiging okay rin si nay Otor mo, magiging maluwag rin ang paghinga ko. Tatapusin ko ang nakasulat nang lovestory nating dalawa, tatapusin ko 'yon sa ending na gusto mo. Tatapusin ko 'yon kapag handa na akong muling basahin ang convo natin, kapag handa na akong ipaalam sa iba na may ganun sa atin. Alam mo bang nang dahil sa'yo natuto akong tumula? Alam mo ba 'yon? At 'yong mga tulang 'yon puno ng kalungkutan, paghihinagpis at pagsisisi. Hindi ko na paulit-ulit na itatanong kung bakit hindi mo sinabi sa akin, dahil alam kong ayaw mo akong masaktan. Hindi ko na rin pipilitin pang alamin kung bakit nag deactivate ka sa facebook, dahil ito na 'yong sagot, naghuhumiyaw na sa mukha ko. Pero bakit ganun? Kahit alam kong wala ka na umaasa pa rin akong muli kang makikita? Kahit na nakita ko na ang litrato mong nakapatong sa kabaong mo, hindi pa rin ako makapaniwala. Ang sakit lang talaga, sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako nawalan ng ganang mabuhay, huwag kang mag-alala dahil may utos ka pa sa akin di ba? Kamo 'yong kwento mo tapusin ko, nakakainis ka! Tatapusin ko 'yon PaBoy, promise ko 'yon sa Book Cover mong pang horror na may eyebags at bangs. Hindi pa rin kita kayang i-let go..Hindi ko pa rin kaya.. Bumabaha na, ayoko na..

Your
SweetFlourPiggyPotato

Tama na ang drama hindi na ako makahinga, ito na MARAMING SALAMAT Reader's kong mahal. Kung gusto niyo ako makausap huwag mahihiyang MAG PM SA akin dito, or comment kayo ha.  (basang-basa na manggas ng t-shirt ko, kaasar!)

Kung sakaling mami-miss niyo ang tambalang nagpasakit ng inyong mga puso at umubos ng inyong mga luha, huwag kayong magsasawang magsimulang basahin ulit ang BOOK 1 AT BOOK 2.  Huwag kayong mag-alala, kung mami-miss niyo sila dahil mami-miss rin nila kayo, mami-miss ko rin silang lahat. So, paano may sinisimulan akong panibagong kwento..

At siya nga pala, abangan niyo rin ang pagtatapos ng BUENAVISTA TRIPLET'S, ilang kembot nalang rin 'yon. Nasa huling tatlong chapters na ako. At kung itatanong niyo sa akin kung ano title ng story namin, wala pa. Hindi ko pa 'yon pa-publish ulit.

READER'S, MARAMING SALAMAT ulit,  nakailang thank you na ba ako?

Last na, THANK YOU sa patuloy na pagsuporta sa akin, sa patuloy na pagbabasa sa mga kwento ko, sana may time rin kayong silipin pa ang iba ko pang mga kwento. By the way, tapos na rin ang MY LITTLE WIFE, kotang-kota na ako sa promotion. Hahahaha.

IG: @ninaythealien

Lovelots,
-ate alien.
LavenderPen

Taste of Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon