Chapter 35: Same feeling

392 12 0
                                    

Nakaupo lang ako sa isang sulok habang nagsasayawan ang lahat. Hindi sa loner ako pero I'm really tired sa biyahe. Gusto ko ng matulog dahil pagod na ako, pero nahihiya naman akong gawin iyon dahil baka isipin nila na ang KJ ko. Pinagmasdan ko silang lahat, everyone are happy at masayang nagku-kuwentuhan. I already saw ang mga old classmates namin sa highschool and the rest is mga naging kaibigan na nila noong college.

"Ayaw mo bang sumayaw?" tanong niya sa akin na may dalang dalawang baso ng wine.

"H-Hindi sa ayaw ko, pagod lang kasi ako sa biyahe at wala ako sa mood para pumarty. Hmmn..para sa akin ba iyan?" nag assume na ako, gusto ko rin namang uminom para medyo maibsan ang aking pagod.

"Ah..yeah. Here.." sabay abot niya sa akin nito.

"T-Thank You KN.."

"Alam mo namang lagi kang welcome, so how are you? How is your heart?"

"I'm good, I guess buo nang muli ang heart ko."

"H-Hindi ka na ba nasasaktan kapag naiisip mong wala na siya?"

"Hmnn..syempre nasasaktan pa rin ako, iyon nga lang hindi na gaano ang sakit. It kinda natural na sa pakiramdam ko ang masaktan. Hindi na rin ako umiiyak nang dahil sa pagkawala nila, pinalaya ko na sila dahil alam kong ako lang rin ang mahihirapan." wika kong ngumiti sa kanya. Ininom ko ng paunti-unti ang wine.

"Good, how is your Kuya?" hahaha, pati ba naman si Kuya gusto niyang pag-usapan namin?

"He's fine, I guess sa bago niyang buhay. They really love each other kaya nag end-up sila sa masayang kasalan. And I'm sure tinatahak na nila ang daan papuntang forever."

"Sounds great, sana tayo din. Sana sundan natin sila sa Forever." gusto kong matawa sa sinabi niya but his eyes ay punong-puno ng pag-asa.

"K-KN.." ano bang sasabihin ko?

"Forget it. G-gusto mo bang sumayaw?" huh? ang bilis magpalit ng topic?

"N-No, I'm tired. Pasensya ka na." pagtanggi ko. Bugbog na nga ang katawan ko sa biyahe tapos gusto pa niyang sumayaw kami? Kainis ha.

"You can sleep on my shoulder habang sumasayaw tayo. Nagpalit na ang tugtog at hindi nila mahahalatang you were sleeping. I will bring you on your room kapag napagod na akong sumayaw." Gusto kong pumayag sa idea niya but may parte ng utak ko ang nagsasabing huwag dahil nakakahiya ang gagawin ko.

"S-Sige t-tara.." pag sang-ayon ko. Bahala na, gusto ko lang naman talagang matulog na.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko upang tumayo ako sa kina-u upuan. Dinala niya ako sa gitna upang sumayaw, sa maraming tao at medyo siksikan kami nagpunta. Tinitigan niya ako at saka ngumiti. Ang mga titig niyang iyon ay sobrang na-miss ko. Inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at hinapit niya ang aking beywang papalapit sa kanya. Naririnig ko ang malalakas at mabilis na tibok ng aking puso. Do I still loved him? Mahal ko pa rin ba siya kaya ganito nalang mag react ang aking katawan at puso?

"You can sway with me, but if your really tired just take off your heels at ipatong mo sa shoes ko ang mga paa mo." napangiti ako sa sinabi niya, he's really the good thinker.

"O-Okay lang ba kung gagawin ko iyon?" nag-aalangang tanong ko, syempre may hiya pa rin naman ako.

"Yes, I don't mind." wika niya. OMG! Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga ng pinaghalong wine at mint. Nag bubble gum ba siya kanina after we eat? Hindi ata.

"Thank you K-KN.." ngumiti lang siya sa akin at tumayo.

Tinanggal ko ang aking dalawang pares ng sandals at binitbit ito. Inilahad niya ang kamay niya kaya malugod kong tinanggap ito.

Taste of Love 2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن