Chapter 34: Bipolar is back?

382 13 1
                                    

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng aking luggage. Naglakad ako patungong arrival area kung saan hinihintay ako ng aking mga kaibigan. It's been a year pero wala pa ring ipinagbabago ang lugar na ito. Same atmosphre pa rin ng airport noong nakaraang taon. Ang maingay, magulo at mainit na airport.

"Hayne..nandito kami.." ume-echo ang boses ni Roley sa buong paligid.

Napangiti ako ng muling masilayan ang kanilang mga mukha. There is Christa, Veroina, Roley at Arth standing there na malawak na nakangiti sa akin. Maraming nagbago sa kanila, tulad nalang ng maikling buhok ngayon ni Christa, ang naglalakihang eyebags ni Veron, ang nangitim na si Arth at ang pumayat na si Roley. Teka.. May mga problema ba sila? Agad napawi ang aking mga ngiti ng mapansing may kulang sa kanila.

"Where is KN?" automatic kong tanong.

"H-Hindi nakasama, maraming ginagawa sa hospital best.." himutok nito. Wala pala siyang isang salita, nangako pa siyang susunduin ako tapos hindi niya tutuparin. What a jerk!

"I'm sorry, I'am late.."

"KN??" duet na tanong ng apat.

"Akala ko ba hindi ka makakapunta KN?" tanong ni Roley na mataman siyang tiningnan.

"Oo nga KN, ang sabi mo sabihin nalang namin kay Hayne na hindi ka pupunta.." second the motion ni Arth.

"Hmmn.. It kinda interesting, humabol ang prince charming.." Veroina giggled while saying that.

"Iisa lang ang ibig sabihin noon, we are now complete!" Christa shout na para bang kami lang ang tao dito.

"Okay, I'm sorry. May inoperahan pa kasi akong pasyente and then dumaan pa ako sa flower shop..so, Naira here is my gift. Welcome Home!!" baling nito sa akin na ini-abot ang isang bouquet ng red roses. Gusto ko sanang sabihin na hindi ko ito Home pero baka humaba pa.

"T-Thank You. Hindi ka na sana nag-abala pa." wika kong tinanggap ang ini-aabot niyang bulaklak. Tulad ng apat malaki rin ang nagbago sa kanya. He had eyebags na akala mo isang taon siyang nagpuyat. Nangangalumata at mahahalata mong pagod na pagod siya.

"Your always welcome..so ano pang ginagawa natin? Let's go on a dinner together." wika nitong hinawakan pa ang kamay ko. KN what are you doing?

"Aba syempre sasama kami, alangan namang kayo lang? Matapos naming maghintay dito..pakainin niyo naman kami!" gusto kong matawa sa comment ni Roley.

"Hahaha.. O-Oo nga, bawal muna kayong mag date nuh!" segunda ni Best while smiling from ear to ear. Anong nangyari sa kanya?

"Oo nga and KN, please hindi mo pwedeng solohin si Hayne, we are also here..hindi kami anino." masungit na saad ni Arth na agad kinuha ang aking travelling bag.

"Guy's..guy's.. Let's go sa dinner but please, don't drink too much. Maaga pa ang kasal ko bukas at ayaw ko namang maging disaster ito dahil lang sa mga may hang over kong mga kaibigan okay?" singit ni Christa na trying hard maging referee sa kanila. O gross! Ang gulo-gulo pa rin po ng mga kaibigan ko. Nagsimula na kaming humakbang palabas ng airport at tinungo ang iisang dereksyon, ang parking lot.

"Sus, may lovelife kana Arth kaya pwede ba huwag ka ng masungit?" ngisi dito ni KN. Agad akong napatigil sa paglalakad at humarap kay Arth na nasa hulihan namin.

"May lovelife ka na Arth? OMG! Whose that girl? Is she pretty? Is she kind? Kaya ka ba niyang alagaan? Mahal ka ba niya?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Nakita ko ang bahagyang pamumula ng mukha niya and it's confirmed. He's inlove with that girl.

"Hayne easy, makikita mo siya bukas sa kasal ko. She's working with me." singit ni Christa.

"Sus, nang dahil sa Isla lang ang peg. Ang OA." Roley murmured.

Taste of Love 2Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ