Chapter Four: " Avoiding Crade"

62 2 0
                                    

Jayde Pov:

Kinabukasan

Medyo nagpa late ako ng pasok para pag dating ko sa classroom may teacher na, at hindi na ako kukulitin ni Crade..

Pag dating ko ng classroom my teacher na nga

"Miss Alvarado, why are you late?"-Sir Ewan

"Uhhh.. sorry Sir, naiwan ko po yung wallet ko eh, binalikan ko lang and, uhh.. traffic

What a excuse! eh sa totoo lang sa harap lang ng school yung building ng condo namin

"Okay, sitdown"-Sir Ewan

Umupo na ako dun sa tabi ni Crade, anong magagawa ko eh sa dun yung upuan ko..

Kinakalabit ako ni Crade pero hindi ko siya pinapansin, dino-drawing ko lang yung si Sir Ewan na mukhang baboy.. Maya-maya may inabot na papel sa akin si Crade, kinuha ko yun at binasa.

~Sorry na pls?
~K.

Yun lang yung sinulat ko, isang simpleng K. Maya-maya ibinalik na niya sa akim yung papel

~Serious ako Jayde, Sorry na kasi! Hindi naman totoo yun eh! Sorry na! Sorry na pls? Jayde,

Nilukot ko nalang yung papel, saka ko ibinalik sa kanya..

Pero hanggang second subject, kinukulit niya ako, tapos buti nalang at nag recess na

Lumabas agad ako ng room, nauna pa nga ako sa teacher eh..

"Jayde!"-Crade

Hindi ako huminto sa paglalakad ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh..

Kung nag tataka kayo, bakit di siya pinagkakaguluhan? Itong school kasi is para sa mayayaman talaga.. yung tipong artista, anak ng president, senators lang yung nag aaral..

In short, puro anak ng bigatin ang nag-aaral dito.. Pero meron din mga Koreans, Italians and such..

"Jayde naman! Sorry na nga diba? Kulit naman kasi nito! Hey!!"-Crade

Ako pa ang makulit? Kapal rin ng makong! Saka bat ba niya ako sinusunda?

"You know what Crade, if you really felt sorry, you already run just to catch my twin,"-Jayne

Huminto ako sa pag lalakad at nilingon si Jayne na hinaharang si Crade..

Oo, tama si Jayne.. kung gusto talaga ni Crade na magkaayos kami, kanina pa siya tumakbo para maabutan ako,

"Jayne please? Let me have a private talk with your twin?"-Crade

Sinenyasan ko si Jayne na wag  siyang pumayag at buti naman, napakiusapan ko siya..

"Crade sorry.. i think, my twin needs a space.."-jayne

"Okay.."-Crade

Tumingin saakin si Crade.. yung tingin niya nakakaawa.. sobrang nakakaawa..

"Jayde sorry ulit"-Crade

Tumalikod na siya at nag lakad, siguro pabalik na siyang classroom..

"Thanks Jayne!"-me

"Anytime twin!"-jayne

Tumakbo na siya papunta sa cafeteria

Nung nag start na yung third subject.. hindi na ako kinukulit ni Crade, pero alam kong tinitignan-tignan niya lahat ng ginagawa ko.. hanggang last period ng hapon..

Wala namang nangyaring espesyal maliban sa hinatid kami ni Reino sa Condo, tapos sinabi niya na lilipat daw siya sa Condo sa tapat namin para daw, mas mabantayan niya si Jayne.. eh di sila na!

Tapos nag dasal ako bago matulog, baka kasi mapanaginipan ko na naman yung guy saka yung dalawang ahas....

If Heart Can SpeakWhere stories live. Discover now