Chapter Ten: " The Place"

62 4 0
                                    

Anong ginagawa ko dito sa kalsada na'to? Totoo ba to o nananaginip na naman ako?

Tinuloy-tuloy ko lang yung lakad hanggang sa may makita akong gate, pumasok ako doon at nakakita ako ng napakaraming puno... Sobrang dilim, pero sapat na ang liwanag ng buwan para makita ang dadaanan ko, gustohin ko mang lumakad paalis sa lugar na 'yon pero nag tuloy-tuloy lang ako,

Tiningala ko na lahat ng puno para hanapin si Terrence pero wala.. hanggang sa sumulpot yung dalawang ahas.. Imbes na katakutan ko sila nakuha ko pang magtanong

"D-diba kaibigan niyo si Terrence? Asan na siya?"-me

Umiling yung dalawang ahas, maya-maya pa gumapang palapit saakin yung isa, napaatras ako ng konti..

"Kay Terrence yung kwintas"-ahas #1

Hindi na ako nagtaka nung nag salita siya, ano bang aasahan ko? Panaginip to eh.. pero anong sabi niya? Kwintas? Napahawak ako sa leeg ko.. tinanggal ko yung kwintas na suot ko pero kanina wala naman to,

Yun yung kwintas na napulot ko na nahulog ata nung guy kanina, pero paano to nasuot sakin?

Pero dahil panaginip nga ito, ano pang aasahan ko?

"Kay Terrence to? Asan nga siya?"-me

Sabay na gumapang paalis yung dalawang ahas, sinundan ko sila hanggang sa punong pinakamataas

"Dito siya nahulog, nung nawal ka."-ahas 1

"Nawala rin siya...,"-ahas 2

"Ibig sabihin....?"-me

Tumahimik yung dalawang ahas..

"Pwedeng bumalik na siya sa mundo ng mga tao,"-ahas 1

"Pwede ring patay na si Terrence..."-ahas 2

Natulala lang ako nun! And in unknown reason, bigla ko nalang isinigaw ang pangalan niya

"TERRENCE!"-me

*________________*

"Uyy Crade!"-me

"Wag mo nga ko kausapin! Hmmp!"-Crade

"Para kang bakla jan! Ewan ko sayo! Ako na nga tong nangangausap eh!"-me

Nag irapan lang kame.. tumingin nalang ako sa labas ng kotse, binibilang lahat ng posteng dadaanan namin..

Pauwi na nga pala kame, at kong bakit kami nag-aaway?

Pagpasok kasi niya ng kwarto ko, sakto nung sinigaw ko yung pangalan ni Terrence, ayun! Nagselos ata.. kesyo si Terrence daw yung MAHAL ko, hindi na daw siya, tapos kaya daw ayaw kong maging kami kasi, mas gusto ko daw si Terrence blah blah! Tapos ayaw niyang maniwala sa paliwanag ko, sinabi na nga na panaginip lang yon!

And in speaking of Panaginip... kung hindi ako nagkakamali yung gate na 'yon..

"Manong sandali! Hinto niyo po muna yung kotse!"-me

Saktong paghinto ng kotse, bumaba na agad ako, sumunod naman sa akin si Crade

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makita ko na yung gate... kaparehong-kapareho 'to nung nasa panaginip ko... saktong hahawakan ko na yung gate nung

"Jayde, wag ka jan.. abandoned na yang place na'yan.. puro puno at damo sa loob, baka mapano ka pa, tara na!"-Crade

Hinawakan niya yung kamay ko at iniliyo dun sa lock nung gate..

"Titignan ko lang naman eh, promise!"-me

"Di nga pwede, nabasa mo ba yan? Do not enter daw!"-Crade

"Ehh.... curious lang naman ako! Sige na Crade, please?"-me

"No.. Jayde, hindi nga eh! Tara na kasi, mamaya may mumo pa diyan, o kaya ahas!"-Crade

At dahil takot ako sa mumo at ahas, umalis nalang ako, pero tinitignan-tignan ko parin... kinakabisado ko bawat palatandaan kung saan ko makikita yun..

Pangako! Babalik ako dito at papasok sa loob ng gate na 'yon...



_____________ ~.~

Please suport and read may story...
Uso din naman yung vote ~.~
Love you all

If Heart Can SpeakWhere stories live. Discover now