Chapter Sixteen: "Terrence Past"

41 2 0
                                    

After ng uwian, pinilit ko si Ark na samahan ako sa park.. surprise ko lang si Crade..

"Baba ka na prinsesa, andito na po tayo"-Terrence

Ngumiti ako sa kanya at bumaba ng kotse niya, humawak ako sa kamay niya at taas-noong naglkad,

"Tss.. kinareer talaga ang pagka prinsesa"-Terrence

"Nabulong ka pa, dinig ko naman"-me

Umirap lang siya non tapos tumingin sa iba, pero.

"Ooops! Balik tayo sa kotse"-Terrence

Tinakpan niya yung mata ko at kinaladkad ako pabalik sa kotse.

"Sakay!!"-Terrence

Parang galit siya na ewan.. kaya sumakay nalang ako, pagka sakay ko, sumakay na din siya at pinatakbo ng mabilis yung kotse

"F.ck! Sh.t! Stupid Man!"-Terrence

Pinapanood ko lang siyang magdrive habang nakakapit ako ng mahigpit sa upuan ko, ang bilis niya mag drive..

"Terrence dah------"-me

"SHUT UP!"-sigaw niya

Nagulat ako at napayuko.. bakit kaya?

Namumula na siya sa sobrang galit, halos maglabasan na nga lahat ng ugat sa kamay at ulo niya eh,

May nagawa ba ako? O nasabi? Hindi ko alam na umiiyak na pala ako..

"Sorry Jayde, di ko sadyang sigawan ka,"-

Hinawakan niya yung kamay ko.. nakahinto na pala yung sasakyan namin sa likod ng simbahan..

Maya-maya lang, nakasandal na ako sa balikat niya habang pinaglalaruan niya yung kamay ko...

Yung parang sa panaginip ko dati, pero sa kotse naman 'to hindi sa puno..

"Half-brother ko lang si Kuya Reino.. yung daddy ni kuya Reino, is yung kakambal ng daddy ko.."Terrence

"Ha? Ang gulo!"-me

"Yung dad ko, may kakambal.. which is yung dad nga ni kuya Reino. "-Terrence

"Ahh..eh sino yung Asawa talaga ng Mom mo?"-me

"Daddy ko.."-Terrence

"Ehh bakit mas matanda si Reino kesa sayo? Diba dapat ikaw mas matanda kesa kanya?"-me

"Makinig ka na nga lang! Kulet mo eh no?"-Terrence

Tumahimik naman na ako

"First love ni Mommy si Tito Ren, pero namatay si Tito Ren bago pa sila ikasal ni Mommy.. that time buntis na si Mommy kay Reino.. after, i don't know how long, nagpakasal naman si Mommy kay Daddy.. then inilabas ako,"-Terrence

"Eh bakit magkaiba kayo ng apilido?"-me

"Ha? Ah.. eh ewan ko dun, siguro nabaliw na siya kaya nagpabago siya ng apilido.."-Terrence

"Ahh.. dami mong nisabi, yun lang naman gusto kong malaman, Teka! Gabi na pala?"-me

"Oo nga noh? Bakit, gusto mo nang umuwi?"-Terrence

Napaisip ako.. ayoko pang umuwi pero baka kasi hanapin ako ni Jayne..

"Uwi na tayo..."-me

"Sayang, may kwento pa man din sana ako, pero next time nalang,"-Terrence

Pinaandar na niya yung kotse at mabagal na nagdrive

"Wala ka bang nakitang kahit ano sa park kanina?"-Terrence

"Wala! Eh tinakpan mo kaya mata ko, ano bayun?"-me




"Landian ng dalawang taong mahalaga sayo.. by the way.. joke lang yun! Andun kasi yung crush ko eh..."-Terrence

If Heart Can SpeakWhere stories live. Discover now