Chapter 38: "Surrender"

73 1 1
                                    

Jayde POV:



Wala akong nagawa kundi panooring maluto yung kotse ni Crade..

Niligtas niya ako, pero siya naman ang napahamak, eto na ba yung panaginip ko?

Nawala na silang dalawa sa akin! Nawala na ang dalawang taong pinakaimportante sa buhay ko...

Si Crade.. na kaibigan ko..

At si Terrence... na mahal ko..

Napaupo nalang ako sa gitna ng kalsada.. ang sakit pala.. ang sakit makita na sa harap mo mamatay ang isang tao, idagdag mo pa na ako ang may kasalanan ng lahat,

K-kung si Terrence ba ang pinili ko.... mangyayari pa ito? Bakit ba kasi nasa huli ang pagsisisi?

"Wag ka nang umiyak.. wala kang kasalanan..."

"Crade"-me

Nakayuko siya sa harapan ko.. tapos nakalawit yung kwintas na......

Yun yung kwintas na matagal ko ng hinahanap.. yung kwintas ni Terrence

Ngumiti siya, pagkatapos, iniabot niya yung kamay niya...

"Tayo ka na jan Jayde"-Crade

Nag-alangan ako sa paghawak,  pero siya na mismo ang humila sa akin patayo, pagkatapos niyakap niya ko ng mahigpit..

"Akala ko.. akala ko patay ka na!"-me

Tumawa siya.. pagkatapos humiwalay na siya saakin

"Noon palang.. alam ko na, na si Terrence na ang ang mahal mo..., pero nagpumilit ako na ako pa rin... kaya nangyari tong mga to.. kasalanan ko lahat ng to Jayde,"-Crade

Tinanggal niya yung necklace at isinuot saakin

"Hindi ako nagsisisi na ipinaglaban kita.. natalo man ako.. alam ko naman na may ginawa ako, Jayde sana mapatawad mo ko"-Crade

Hindi ako nagsalita... alam ko, panaginip lang to! alam ko paggising ko.. ayon na ang katotohanang wala na sila sa buhay ko...

Ang gusto kong gawin ngayon ay titigan siya.. yakapin at makasama.. pero alam ko...

Kailangan ko din siyang pakawalan...

Kailangan ko rin silang pakawalan...

Terrence....... Crade

"Ibinabalik na kita sa kanya Jayde.. pangako"-Crade

Hinawakan niya yung dalawa kong kamay...

"Pangako mo saking magiging masaya kayo"

Unti-unti niyang nilapit ang labi niya sa labi ko... pero bago pa magdikit ang mga iyon... nawala na siya.. nawala na ang kanina lang na hawak ko pa.. Paalam, CRADE..........


<><><><><><><><>
May makakatuluyan paba si Jayde..  Haha tuloy niyo lang po pagbabasa.. love ko kayo!! Thanks sa sumoporta sa story na ito...

#MsShopao
Queen Jhezze Campuz

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If Heart Can SpeakWhere stories live. Discover now